Kabanata 27

38 4 2
                                    



FRANCHESKA CASTILLO

"FRANCHESKA, may tumatawag sa telepono mo! Kanina pa iyan tumutunog, hindi mo ba naririnig, ha?" masungit at mataray nitong tawag sa akin, at may kasamang pa itong pang-iirap sa akin. Masama niyang tingin ang unang bumungad sa akin. Nng makalapit ako sa masungit kong ka-trabaho na si Julie. Nag mamadali pa ako ng kilos dahil baka tarayan na naman niya ako. Agaran naman akong lumapit sa lugar kung saan ko iniwan ang cellphone ko, agad ko naman sinagot ang tawag.

"Hello, anak?" dali-daling sagot nito. "Oh, ma? Bakit ka napatawag? Nasa trabaho pa po ako."

"Anak, pasensya ka na pero kanina pa ako tumatawag sa'yo. May tumawag kasi rito sa bahay at hinahanap ka raw. Kinabahan naman ako bigla kung bakit ka hinahanap kaya tinanong ko sila agad kung ano ang kailangan nila sa'yo. Pero hindi ka naman 'yung hinahanap dahil tinanong nila ako kung kilala ko ba si Erica—"

"Ano, ho? Ano pong nangyari kay ate?" Bigla akong nakaramdam ng kaba

"Hay nako! Hindi ko nga rin maintindihan 'yung mga sinasabi nila basta ang natandaan ko lang na sinabi nila sa akin ay isinugoi Erica sa ospital. SaTagaytay... n-na aksidente raw..."

"Bakit d-daw ho? A-ano raw po bang nangyari bakit siya dinala sa ospital sa Tagaytay?" Mas lalo akong kinabahan at hindi na rin mapakali. Nasa oras pa ako ng trabaho ko rito sa pinagtratrabahuhan ko sa bistro. Waitress ako rito at nag part-time lang ako para makatulong sa gastusin naming sa bahay at para kay mama.

"Ayon na nga kabubukas ko lang ng TV. Ang sabi may aksidenteng naganap na nangyari sa Tagaytay at may babae raw na kritikal ang lagay at isinugod sa ospital"

Hindi ko na pinatapos sa pagsasalita si mama. Nagsi-taasan ang mga balahibo ko sa mga nalaman ko at hindi ko alam kung ano ang gagawin ko, para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil panlalamig ng buong katawan ko. Dumiretso ako sa locker room para makapag bihis, hindi ko alam kung saan ako pupunta o kung sino ba ang una kong lalapitan o tatawagan dahil wala naman akong ibang kilala na kamag-anak ni Ate Erica. Si Seb lang ang kakilala ko na may koneksyon kay ate.

Mabuti na lang at mabait ang boss ko nang magpaalam ako na may biglang emergency sa bahay, kaya agad naman niya ako pinayagan na maka-uwi ng maaga. Grabe damang-dama ko sa sarili ko ang mga malalaking butil ng pawis sa mukha ko, at kung matitignan ko lang sa salamin ang mukha ko baka namumutla na ako sa sobrang kaba.

Halos patakbo na ako kung maglakad sa sobrang pagsikip ng dibdib ko at sa pag-aalala dahil sa mga narinig ko tungkol kay ate. Kanina ko pa tinatawagan ang numero ni Seb, pero walang sumasagot. Umabot na ako sa sakayan para mag-abang nang kung anong pwedeng masasakyan makarating lang kay ate. Kahit alam kong imposible dahil nasa Maynila ako at nasa Tagaytay pa siya dahil sinugod siya sa ospital.

Pasado alas-nuebe na ng gabi at wala pa rin akong masakyan, pero sa totoo lang hindi ko talaga alam kung saan ako pupunta o kung sino pa ba ang lalapitan ko dahil wala naman akong ibang kilalang kamag-anak ni ate. Nag text na rin ako kay mama na gagabihin ako sa pag-uwi. Nagulat naman ako nang biglang tumunog ang cellphone ko.

Unknown number

"Hello?" sagot ko.

"Hello? Si Ms. Francheska Castillo po ba ito?"

"Opo, ako nga po."

"Hello, good evening. Nakita namin ang contact number mo sa mga gamit ni Ms. Erica Mae Castillo. Gusto lang po namin ipaalam sa inyo na dinala po si Ms. Erica sa ospital na dead on arrival."

Halos bumagsak ang buong sistema ng katawan ko dahil sa mga narinig ko. Hindi ma-proseso ng utak ko ang mga huling sinabi nito. Marami pang ibang sinabi ang babae sa kabilang linya na hindi naman pumapasok sa utak ko, iyon lang ang tangi kong naintindihan. Nanlumo ako nang marinig ko na wala na si Ate Erica. Sinabi pa nung babae kung saan ang eksaktong lugar kung saang ospital dinala si ate Erica, at nasabi nga rin nito na kasama niya si Seb at kasalukuyan hanggang ngayon ay hindi pa rin ito nagigising.

When He Stared At The Moon (PUBLISHED UNDER UKIYOTO PUBLISHING HOUSE) Where stories live. Discover now