Kabanata 18

58 6 1
                                    


PAGKALABAS na pagkalabas ko sa elevator ay dumiretso agad ako sa main lobby ng ground floor. At tama nga ako nandoon nga si Cheska at nakaupo. Nakilala ko naman siya kaagad kahit nasa malayo palang ako. Dahil na rin sa maiksi niyang buhok at maputla nitong kulay kaya ko ito agad nakilala. Napansin ko na malalim yata ang iniisip niya at nakatulala lang sa labas. Wala siyang katabi, nakasuot siya na pang ospital na damit. Naglakad ako papalapit sa kaniya at habang ako ay papalapit sa kaniyang pwesto ay lumingon ito sa akin.

Agad ko naman itinago ang sa likuran ko ang munting regalo ko sa kaniya. Ngumiti ito sa akin nang makalapit na ako, ngumiti rin ako pabalik dito. Para yatang mas lalo siyang pumapayat?

Hindi agad ako nagsalita at naka tayo pa rin ako sa harapan niya. Hinihintay ko na may sabihin siya sa akin. Napatingin naman ito sa suot kong damit. Alam naman niya na ngayong araw ang alis namin. Dahil nasabi ko na rin iyon sa kaniya noong nakaraan. Ngumiti muna ito bago magsalita.

"Biyernes pala ngayon. Ngayong araw pala ang pag-uwi mo sa inyo." Tumango ako.

"Oo, gusto ko sana magpaalam sa'yo ng maayos bago umalis. Hindi ko kasi sigurado kung kailan ulit ako makakabalik sa ospital para bisitahin ka," sagot ko naman.

"Ayos lang, mag-enjoy ka muna sa pagbabalik mo. Ang tagal mo rin nandito sa ospital. Hindi ko rin maiisip na babalik ka pa rito, lalo na at alam kong ayaw mo mamalagi pa rito,"

Nasa likuran ko pa rin ang regalo ko para sa kaniya. Hinigpitan ko lalo ang hawak ko dito. Hindi ko alam paano ko ito ibibigay, magugustuhan kaya niya? Pero nakita naman niya ako kung paano ako mag drawing.

"May sasabihin ka pa ba?"

"Ahm... May bibigay sana ako sa'yo," nahihiyang sagot ko.

"Huh? Ano iyon?" Kumunot naman ang noo nito.

Inilabas ko ang regalo ko para sa kaniya at iniabot ito sa kaniya. "Para sa'yo." Iniabot ko ito sa kaniya. Nakabalot ito sa isang maliit na kahon. Nilagay ko kasi ito sa isang frame.

Kinuha naman niya ito at nagtatakang tumingin sa akin. "Para saan ito?" nagtatakang tanong niya.

"Regalo ko sa'yo." Napakamot ako sa ulo ko. "Regalo? Hindi ko naman birthday ngayon," aniya at napanguso "I mean, regalo ko sa'yo bilang bago kong kaibigan," agap kong sabi.

"Ganoon ba? Salamat! Nag-abala ka pa sa akin." Ngumiti naman ito. "Tsaka, Thank you gift na rin bago ako umalis." Tumango lang ito ay binuksan ang kahon.

"Wow! Ako yata ito?!" gulat na tanong niya.

"Oo, pasensya ka na at 'yan lang nakayanan ko sa ngayon. Hindi naman kasi ako makalabas dito para makabili ng regalo ko sa'yo."

"Hala ayos lang! Nag-abala ka pa, Seb. Ang ganda nga, eh! Ang galing mong mag drawing. Biruin mo na-drawing mo ang mukha ko ng walang kopyahin. Mas gusto ko itong pinaghirapan mo kaysa bumili ka kung saan," manghang-manghang sagot niya.

"Simple lang ang regalo ko. Pero pag naka-uwi na ako at nakapag trabaho na bibisitahin kita rito at bibilhan kita ng mas maayos na regalo."

"Uy, kahit huwag na. Masaya na ako rito sa bigay mo. Maraming salamat, ang ganda kaya. At isa pa, effort mo ito at hindi kayang pantayan ng ibang regalo. Hindi ko naman kailangan ng regalo. 'Wag ka na mag abala pa, Seb."

"Sige..." Napakamot na naman ulit ako sa batok ko.

"Maraming salamat talaga," nakangiti sagot niya.

"Dahil mag kaibigan na tayo, sana huwag mo ako nakalimutan kaya kita niregaluhan niyan para lagi mo akong maalala. Kasi thankful talaga ako na nakausap at nakilala kita kahit sa sandaling panahon lang."

When He Stared At The Moon (PUBLISHED UNDER UKIYOTO PUBLISHING HOUSE) Where stories live. Discover now