Kabanata 14

49 8 0
                                    

"Ang lalim yata ng iniisip mo? Tanong ni Erica habang ngumunguya. Kumakain kasi ito ng chicharon na binili niya kanina. Napatingin naman ako sa kaniya habang busy itong kumain ng chicharon.

Kahit kumakain siya maganda pa rin. Wala akong makitang kapintasan sa kaniya. 

"Oy, bakit nakatulala ka na diyan? Gusto mo ba? Kanina ka pa nakatingin sa akin, eh!" Lumingon ito at inalok ako sa kinakain niyang chicharon. Inabot naman niya ito sa akin.

Kumuha naman ako ng isang pirasong chicharon at kinain ito agad. Hindi ko namalayan na nakatulala na pala ako sa kaniya habang kumakain.

 Kahit pala sa panaginip ko nadadala ko yung lahat ng mga nararamdaman ko. Hindi ako mapakali kakaisip, ang daming gumugulo sa isipan ko. Nakakawalang ganang mabuhay.

"Salamat," maikling sagot ko.

"Kung ano man ang iniisip mo ngayon, hindi ko na problema iyon. At huwag mo na sana akong tanungin pa sa mga walang kwentang bagay pa."

Nakakarinidi! paulit-ulit kong naririnig ang boses ni Monmy. Naiinis ako kada naririnig ko ito! Hindi na ako natahimik.

"Kung ano man ang iniisip mo ngayon, hindi ko na problema iyon. At huwag mo na sana akong tanungin pa sa mga walang kwentang bagay pa."

Tama na! Ayoko nang marinig pa!

Pinikit ko ang mga mata ko para mawala na sa isipan ko ang boses ni mommy na naririnig ko. Umiling-iling pa ako para mabura sa isip ko ang mga sinabi niya sa akin. Nakakabaliw pala talagang mag-isip ng malala.

"Uy! Seb?" Nagulat naman ako nang sinigawan ako ng mahina ni Erica sa bandang tainga ko. Napadilat ako at napalingon ako sa bandang gilid gilid ko. Tulirong-tuliro ako ngayon! Damn it!

"H-ha—" Paglingon ko ay bumungad sa akin ang magandang mukha ni Erica. Hindi ko tuloy nasabi ang gusto kong sabihin. Ang dami ko man iniisip pero kung si Erica lang din naman bubungad sa akin, ayoko nang mag-isip pa!

Naramdama kong napalunok sa sarili kong laway. Magkalapit ang mga mukha namin pagka lingon ko. Hindi ko namalayan na lumapit pala ito sa tabi ko.

Malapit na malapit.

Pinagpawisan yata ako ng malamig. Bakit ganoon? Nagkatitigan kami mata sa mata, ilong sa ilong, at labi sa labi. Panigurado ako kapag may tumulak sa akin mahahalikan ko na siya!

Ang ganda ng mga mapupungay niyang mata, bagay na bagay sa mukha niya. Maganda rin ang ilong nito... pati ang labi niya.

Parang uminit ang paligid. Hindi ko maiwasang hindi mapansin iyon!

Mas maliwanag pa sa kinabukasan ko ang kagandahan niya at hindi mo talaga maikakaila ang tunay niyang ganda ay napaka natural lang. Walang halong arte.

Isa pang lunok ng laway para sa'yo, Seb.

Tila nahihirapan akong magsalita dahil sa sitwasyon ko. Walang gustong lumabas ni isang salita sa bibig ko. Tapos ang init pa ng paligid ko. Hindi nagtagal ang momentum na iyon. Tila, nakaramadam ito ng hiya at biglang nilayo ang mukha nito sa mukha ko at umiwas ito ng tingin.

Nang makalayo na ito sa akin ay inayos niya ang kaniyang sarili niya at itinuon ulit ang sarili niya sa pagkain ng chicharon. Mga ilang minuto ang lumipas saka bumalik ang sarili ko sa katinuan.

Parang tumulo yung laway ko doon, ah!

Nang mapagtanto ko ang nangyari sa amin ay inayos ko na lang ang sarili ko at ang pagkakaupo ko. Dahil nandito ulit kami sa paborito naming lugar... sa burol.

When He Stared At The Moon (PUBLISHED UNDER UKIYOTO PUBLISHING HOUSE) Where stories live. Discover now