Kabanata 20

47 6 0
                                    


"KANINA ka pa lutang dyan. Anong balita?" pansin ni Erica sa akin at tinignan ako na parang bang may ginawa akong masama.

"Ah, wala naman," sabi ko, kasabay ng malalim kong paghinga. Ang bigat lang sa dibdib kapag may dinadala ka. Hindi ko naman masabi kay Erica. Hanggang sa panaginip ko hindi ko akalain na magiging lutang o parang sabog ako na hindi ko maintindihan mismo sa sarili ko. Simula nang malaman ako ang katotohanan ay mas lalo yatang dumami ang mga tanong sa isipan ko.

Hindi na ako natahimik.Kung paniniwalaan ko ba ang lahat nang sinabi sa akin ni mommy o Hindi. Nagngingitngit ako sa inis dahil sa mga nalaman ko. I was so confused. Hindi ko alam kung sino ba ang paniniwalaan at pagkakatiwalaan ko.

"Talaga ba? Parang hindi ka nga okay eh. May problema ka ba?" tanong niya.

"Wala naman," seryoso at tipid kong sagot. Fuck ang hirap humarap kay Erica kapag may malilim akong iniisip! "Ang weird mo ngayon. Parang may gumugulo sa isipan mo." Nakatingin pa rin ito sa akin, tila ba kinakabisado niya ang buong mukha ko.

"Lutang lang talaga ako siguro ngayon."

Ayoko muna sabihin kay Erica ang lahat nang nalaman ko tungkol sa akin. Alam ko na inaabangan niya na sabihin ko sa kaniya ang mga nangyari sa akin, ayoko muna isipin ang lahat nang nangyari dahil naguguluhan pa rin ako.

You were creating your own world, Seb. Lahat nang nakikita mo, naririnig mo lahat iyon gawa-gawa mo lang at hindi totoo.

Nakakarindi na!

Naririnig ko pa rin ang mga sinabi ni mommy sa akin. Hindi ako naniniwala kay Mommy. Imposibleng imahinasyon ko lang si Erica.

She's real, kahit nasa panaginip ko lang siya at iyon ang ipaglalaban ko. Dahil sa mga mata ko at sa puso ko, totoo siya. Hindi siya kalokohan ko o gawa gawa ko lang. I know she's real because Erica is in my heart. I don't see anything wrong about Erica. Si Mommy ang may problema siya ang may maling ginawa sa akin dahil nag sinungaling siya sa akin. "Ano? Hindi mo lang ba ako kakausapin? Maghapon ka na lang ba na tutulala sa kawalan?" sita niya sa akin.

"Sorry, wala lang talaga ako sa mood ngayon," tamad kong sabi.

Wala na yata talaga ako sa wisyo ngayon. Hindi ako makapag isip ng mabuti. My mind is occupied!

"Hindi mo lang ba ikukuwento sa akin ang nangyari sa'yo?" now she's asking! Damn!

"What do you mean?" sabi ko.

"Dahilan kung bakit ka nagkakaganyan? 'Di ba sasabihin na sa'yo ng mommy mo ang nangyari?" Naramdaman ko ang mabigat na paghinga niya.

"Ah oo, pero hindi niya pa rin sa akin sinasabi," pagsisinungaling ko, dahil ayoko nang mag tanong pa siya. Mas lalo lang gugulo kapag sinabi ko pa kay Erica. Baka mabaliw na talaga ako ng tuluyan.

Ayoko pa munang sabihin sa kaniya, dahil natatakot ako at hindi ko rin alam kung papaano ko sisimulang sabihin sa kaniya ang lahat nang nalaman ko.

Wala rin namang kasiguraduhan iyon dahil hindi ko alam kung nagsisinungaling pa ba sa akin si mommy o nagsasabi ba talaga siya ng totoo.

"Hindi ba, kaya ka nga nakauwi ka na sa inyo dahil magaling ka na? At ang pinakadahilan ng pag uwi mo ay para malaman mo ang totoong nangyari sa'yo?" Alam kong inaabangan niya na magsabi ako pero hindi ko pa talaga kayang sabihin pa.

Dahil unang-una nakakaramdam ako ng takot kada sumasagi sa isip ko ang mga nalaman ko.

"Oo, pero hindi pa namin sa ngayon napaguusapan ni Mommy," mabilis kong sagot.

"Ganoon ba?"

Natatakot ako baka kapag sinabi ko sa kaniya ang totoo ay bigla na lang siya mawala sa panaginip ko. Natatakot ako na baka nga totoo ang sinasabi ni Mommy na gumagawa lang ako ng sarili kong mundo. At natatakot ako na baka hindi talaga totoo si Erica na gawa gawa ko lang ang lahat ng ito.

When He Stared At The Moon (PUBLISHED UNDER UKIYOTO PUBLISHING HOUSE) Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz