Kabanata 17

49 8 0
                                    

"ERICA, may magandang balita akong sasabihin sa'yo," masaya kong sabi. Ito agad ag bungad ko sa kaniya. Gusto kong ibalita sa kaniya na makakauwi na ako sa bahay. Sigurado ay matutuwa ito sa ibabalita ko.

"Ano naman iyon?" agad na tanong niya.

"Sabi ng Doctor pwede na akong makalabas ng ospital!" Hindi ko maitago ang saya at excitement na nararamdaman ko. "T-talaga? Ibig sabihin makakauwi ka na sa inyo?" Nanlaki ang mga mata nito at nagulat sa sinabi ko.

"Oo, bukas na 'ko makakauwi ng bahay," nakangiting tugon ko. "Edi mabuti 'yan! Pag nakauwi ka na malalaman mo na ang lahat ng nangyari sa'yo."

"Ganoon na nga! Sana talaga sabihin na ni mommy sa akin ang lahat." Hindi pa rin ako sigurado kung sasabihin nga ito sa akin ni Mommy, pero hinyaan ko muna siya at hindi na ako nagpumilit pa. Hangga't hindi pa ako nakakauwi sa bahay, hindi ko pa rin masisigurado.

Ngunit, tulad nga ng sinabi sa akin ni Mommy, kapag nakauwi na ako sa bahay ay sasabihin na niya lahat sa akin ang totoo at sasagutin din niya ang mga iba kong katanungan. Sa ngayon, magtitiwala na muna ako kay mommy. Ngunit hindi buo ang tiwala ko sa kaniya.

"Teka, bakit may Sana? Parang hindi ka sigurado na sasabihin sa iyo ng mommy mo ang totoo," naka kunot-noong tanong nito.

"Hindi naman sa ganoon, may parte kasi sa isip ko na baka hindi niya sabihin at magsinungaling pa siya," agap ko.

"Tiwala lang, sasabihin niya 'yon, Seb. Tapos balitaan mo 'ko pag nakauwi ka na sainyo," sagot naman niya.

Tiwala naman ako kay Mommy kung minsan. Kaso, hindi maiiwasan ang pagtatalo namin minsan. At isa pa, kung matagal na niya sana sinabi sa akin baka hindi ako humantong pa sa ganitong sitwasyon. Kaya lagi ko na lang naiisip na baka may mabigat siyang dahilan kaya hindi niya magawang ipagtapat sa akin ang katotohanan.

At ayoko rin isipin na nagsisinungaling siya. Oo, noong una parang akong nagrerebelde na hindi ko rin mismo malaman sa sarili ko. Bago ko pa man makilala si Erica ay may nagawa na akong mga bagay na hinfi maganda sa kanila. Aminado naman ako sa sarili ko na ibang-iba ang ugali ko bago ko makilala si Erica. Lagi akong iritado at wala sa mood, tila ako nadedepress dahil wala nga akong maalala at hindi pa nila ito sinasabi sa akin. Paulit-ulit na lang ang ginagawa ko sa buhay ko! Sawang-sawa na 'ko.

At simula nang makilala ko si Erica ay siya na ang naging dahilan kung bakit nag iba ako. Hindi na ako nagiging iritado at parang laging galit sa mundo. Nabago niya rin ang pananaw ko sa buhay. Dahil sa kaniya, isa ito sa dahilan kung bakit mas gusto ko dito. Dito sa panaginip ko lagi ko siyang nakikita at nakakasama. Pakiramdam ko nga nahuhulog na ang loob ko sa kaniya ng tuluyan.

"Kaya pala masaya ka nang makita kita. Lagpas tainga mo na iyong ngiti mo." Napansin ko naman ang kanina pang pagtitig ni Erica sa mukha ko.

"Syempre! Sino ba naman may gustong tumira sa ospital nang maghihigit kalahating taon," nakangiting tugon ko sa kaniya.

"Kalahating taon?"

"Oo, siguro mag-anim na buwan akong namamalagi dito sa ospital. Nakakabagot na rin at walang magawa. Wala rin pinagkaiba sa nakakulong, daig ko pa 'yung mga preso sa kulungan," sumbong ko sa kaniya. "Kaya nga, sa wakas makakauwi ka na sainyo. Ano bang balak mo?"

"Sa totoo lang, hindi ko rin alam ang balak ko pag-uwi. Baka siguro pumasok na sa trabaho kung papayagan, tutal nakausap ko sila Benjo at Billy. Sabi nila sa akin pwede naman akong pumasok sa trabaho anytime, kapag okay na talaga ang kalagayan ko." Mukhang magiging maayos nnaman ako pag nakauwi nako sa bahay.

"Ah, sila ba 'yung mga kaibigan mo na naikwento mo sa akin na bumisita sa'yo sa ospital?"

"Oo, sila nga 'yon!"

When He Stared At The Moon (PUBLISHED UNDER UKIYOTO PUBLISHING HOUSE) Donde viven las historias. Descúbrelo ahora