Kabanata 29

51 3 0
                                    


"ANO, pre? Si Erica mismo nag-aya sa'yo na maging ka-partner mo sa project natin sa P.E?" Magulat-gulat na tanong ni Billy. Parang tanga 'to! Hindi ata siya makapaniwala sa mga sinasabi ko. Ano akala niya sa akin, pangit? Kung maka-react parang malulugi sa akin si Erica. Nandito ulit kami sa gym ng school namin, may practice kasi kami kanina sa basketball kaya naisipan na muna naming na huwag munang umuwi para makapagpahinga kami ng ilang oras.

"Gago ka ba? Kakasabi ko nga lang na niyaya niya ako maging kapareha." Inismidan ko lang siya at matalim na tinapunan ng tingin. Kinuha ko na lang 'yung tubigan ko sa bag ko dahil pakiramdam ko natutuyuan ako ng laway kay Billy.

"Tol, maglinis ka kaya ng tainga mo, no? paulit-ulit ka kaya tuloy na-gago ka." Si Benjo na para bang kumakampi pa sa akin sa tono ng boses niya. At hinampas pa niya si Billy ng puting towel niya na nakalagay kanina sa balikat niya.

"Aba! Ayos pala 'yang si Erica mukhang type ka rin," saad pa ni Billy at nangisi pa sa akin habang ngumunguya ng bubble gum. Napasulyap naman ako kay Patrick na tahimik lang sa tabi ko. May naka-suot na earphone sa tainga niya, at nakapikit pa ito.

"Sana all na lang ako mga pare," mahinang sambit ni Benjo. Akala ko ba may gusto siya sa kaibigan naming na si Tin? Torpe talaga si Benjo. Hindi tulad ng unggoy na 'to ang kapal ng mukha masyado, kaya siguro sinagot agad ni Alizza.

"Better luck next time na lang pareng Benjo! Malay mo maramdaman ni Tin ang pag-ibig mong wagas!" patuloy pa rin ang pang-aasar ni Billy kay Benjo. "Ulol!"

Umiling-iling na lang ako sa kanilang dalawa habang nag-aasaran. Mabuti pa itong si Patrick. Mas gusto na lang makinig ng music kaysa makipag-usap sa sintu-sinto naming mga tropa. Sabagay, hindi ko rin naman masisisi si Patrick, sa ingay ba naman ng mga tropa namin.

"THANK YOU, SEB, sa librong pinahiram mo sa akin. Ang ganda niyang basahin marami akong natutuhan." Damn! She's so cute. I can't even look at her straight. Iniabot naman niya sa akin 'yung librong pinahiram ko sa kaniya last week. Agad ko naman kinuha sa kaniya 'yung libro, napakamot na lang ako sa batok ko sa sobrang hiya.

Ganda talaga ng ngiti ni Erica.

"A-ah...w-wala 'yun. Marami p-pa akong l-libro...sa b-bahay..." Ang init! Hindi ako makapagsalita ng matuwid kay Erica. I'd never felt this way before. Nararamdaman ko na pabilis ng pabilis ang paghinga ko.

Kapag and'yan na si Erica awtomatiko yatang umuurong ang dila ko. Parang may kung ano sa kaniya na nakakapagpahina ng buong sistema ko. Panigurado ako kapag nakita ako nila Billy na ganito ang itsura ay aasarin nila ako. Knowing Billy? Napaka-kupal ng lalaking 'yon!

"Sure, kapag hindi na ako busy sa mga readings ko sa school. Salamat ulit," naka-ngiti sabi nito. I'm pretty sure kapag hindi niya itinigil ang pag ngiti niya sa akin ng ganyan ay mahuhulog talaga ako sa kaniya ng tuluyan! Nice try, Erica.

"Sige, sabihan mo na lang ulit ako kung maghihiram ka pa ulit." Kahit bukas, Erica, pwede pa ka manghiram sa akin. Kahit araw-araw pa 'yan, ayos lang sa akin. Shit. Ang init yata ng pisngi ko, baka namumula na ako sa kinatatayuan ko?

"Saan ka ba nauwi, Erica?" agad na tanong ko sa kaniya habang nagliligpit siya ng mga gamit niya at inilagay ang lahat ng 'yon sa bag niya. Nandito kasi kami sa may mini garden ng school namin, naka-upo kami sa may gazebo, sabay kami nag review dito para sa final exam naming para next week.

"Medyo malayo rito sa school, eh. Pero ayos lang naman sa akin bumiyahe," tugon naman niya nang ma-isukbit niya na 'yung bag niya at may dala 'tong mga libro, tinulungan ko naman siya magbuhat ng iba niyang mga libro. Ayaw ko na nahihirapan siya, lalo na't manipis ang mga braso niya. Baka mamula pa pag marami siyang buhat.

When He Stared At The Moon (PUBLISHED UNDER UKIYOTO PUBLISHING HOUSE) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon