Kabanata 10

61 14 4
                                    

"Girlfriend?" ulit ko na naman.

Nakakapagkata lang kung talagang kasintahan ko siya. Parang hindi ko naman makita 'yung sarili ko na girlfriend ko 'yung babae sa panaginip ko. Parang imposible naman! Kung girlfriend ko siya dapat ay kasama ko siya!

Pero may kakaiba akong nararamdaman kada mapapanaginipan ko siya. Hindi ko na talaga maintindihan ang sarili ko! Lalo na sa mga nangyayari sa akin. Hindi ko na alam kung saan ako lulugar sa mundong ito!

"Alam mo ang kulit mo rin no? Kakasabi ko nga lang na baka, na baka girlfriend mo siya or ex!" masungit na sabi pa ni Erica, sabay inirapan ako.

Sungit na naman!

"Hindi ko lang kasi lubusan maisip 'yung sinasabi mo na girlfriend ko siya. Pero sa bagay, wala nga pala akong maalala," sagot ko naman.

Nagulat naman ako sa panibagong emosyon ni Erica. Tila nag-iiba kada may naiisip itong sabihin sa akin. Namataan ko na lang na tinitigan niya ako sa aking mga mata. Tila ba may nais pa siyang iparating. 

"Bakit, Erica?" iyan na lamang ang nasabi ko.

"May napagtanto lang ako bigla, I mean, naisip ko lang 'to, opinyon kumbaga," seryosong pagpapaliwanag niya. "Ano ba iyon?" mabilis kong tugon.

"Hindi kaya malapit ka na sa katotohanan? Hindi ba, wala kang maalala? Naisip ko na, baka 'yung babaeng napapanaginipan mo 'yung kasagutan sa mga tanong mo,"

"Posible rin na baka nga may kinalaman nga talaga siya sa'yo. Tulad ng sinasabi ko sa'yo na baka girlfriend mo siya?" 

Maraming sinabing theory si Erica sa akin. Napatahimik ako sa mga narinig ko mula sa kaniya. 'Di ko na alam paniniwalaan ko.

"Paano nangyari? 'Yung babae na iyon? Wala akong maalala at hindi ko rin siya kilala para makumpirma kaagad kung siya nga ba talaga... iyong girlfriend ko," saad ko naman.

"Pakiramdaman mo 'yung panaginip mo sa babaeng iyon. Subukan mo lang pero huwag mong pilitin, baka magkasakit ka pa lalo," pagpapaalala niya. 

May point din naman si Erica, pero pinanghahawakan ko 'yung sinabi niya na kaya kong makontrol 'yung sarili konng panaginip.

At isa pa, naalala ko rin na sinabi niya sa akin na iyong maari kong mapanaginipan ay ang mga taong kilala ko at malapit sa akin at pwede rin naman na hindi ko kakilala. At doon din ako nalilito kung paano maiintindihan ng mas mabuti iyong kalagayan ko.

"Baka nalalapit ka na sa katotohanan, Seb? Kaya kailangan mong mas maging matatag sa lahat ng bagay, anuman ang mangyari, " sabi ni Erica.

"Papalakasin mo rin 'yung sarili mo at alagaan mo. Dahan-dahanin mo lang ang mga bagay-bagay," dagdag pa nito. Sa totoo lang natuwa ako sa sinabi ni Erica sa akin. 

It really means a lot to me.

"Yes, ma'am!" iyan na lang ang tangi kong nasagot. Kahit napaka dami kong tanong sa buhay ko. 

"Seryoso ako, Seb. Ayokong mabalitaan na magkakasakit ka na naman."

"Tulad nang sinabi ko sa iyo, Seb. Tutulungan kita hanggang sa bumalik na iyong mga alalaala mo," dagdag pa nito.

Maaaring panaginip lang lahat ito, pero kung ako papipiliin ayoko ng magising sa pagkakatulog ko. Pero napaka selfish ko naman kung gagawin ko iyon para lang sa sarili ko. Iniisip ko pa rin sila mommy at Kathleen. Ang tagal nila akong inalagaan para gumaling ako at alam ko malaki rin ang naging sakripisyo nila sa akin.

When He Stared At The Moon (PUBLISHED UNDER UKIYOTO PUBLISHING HOUSE) Where stories live. Discover now