Simula

411 35 5
                                    

"Seb!" tawag ng isang magandang babae sa akin. Nakatitig lang ako sa kaniya habang tumatakbo siya papalapit sa direksyon ko. Hindi ko maipagkakaila na maganda naman talaga siya sa aking mga paningin.

 At sa tuwing nababanggit niya ang pangalan ko ay may kung ano-anong paru-paro akong nararamdaman sa tiyan ko, at pati yata ang buong sistema ko ay nabalot na nang mabulaklak niyang mga salita.

Ngumiti ako sa kaniya at kinawayan siya habang papalapit na ito sa kinatatayuan ko. 

"May practice pala tayo ng sayaw, may ka-partner ka na ba, Seb?" mabilis na tanong niya.

Damn! every time she calls me 'Seb', I find her so sexy and cute at the same time. The word lustrous is not enough to describe her eyes. 

I think she has an upturned eye-that adds to her astonishing beauty.

Umiling lang ako. Wala naman akong planong maghanap pa ng ibang kapareha dahil siya lang naman ang gusto kong maka-partner sa sayaw. Wala nang iba. Pakiramdam ko tuloy ay namumula ang buong mukha ko. Parang bakla, Seb!

Shit! Teka, balak ko palang sana siyang ayain na maging ka-partner ko sa sayaw para sa project namin, pero mukhang u-unahan niya pa yata ako. Bahala na, assuming na kung assuming! Parang feeling ko tuloy paboritong anak ako ni Lord.

Sumasang-ayon talaga sa akin ang kapalaran. Thank you, Lord!

"Wala pa nga, eh. Gusto mo tayo na lang?" Parang atomatiko akong napangsi dahil doon sa huling sinabi ko. 

Kahit ako ay nagulat sa sinabi ko! Hindi ko na nakilala ang sarili kong boses dahil sa ka-kaunting hiyang naramdaman ko. Ayan tuloy binigyan ko pa ng ibang kahulugan ang ibig niyang sabihin. Hindi ko naman sukat akalain na iyon pala ang lalabas sa mismong bibig ko.

Para kasi siyang nag-aaya, at sino ba naman ako para tumanggi sa grasya, 'di ba? Lumalapit na nga ng kusa ang grasya, hindi ko pa ba tutukain ang palay na siya mismo ang lumapit?

"Tayo na lang?" Kunot-noong tanong niya. The expression of her eyes really got me!

Napangiti naman ako dahil sa inosenteng tanong nito. Para bang hindi niya nakuha ang ibig kong sabihin. But I know she knew. She even emphasizes the word 'tayo na lang'

Perhaps, I'm insane? Sige pilitin natin.

Tumango lang ako, pero mas kinagulat ko naman ang sumunod niyang sinabi.

"Oo, tayo na," saad niya. Hindi ko rin talaga maintindihan ang sarili ko, pero para akong kinikilig ng sobra dahil sa sinabi niya. 

Malawak pa ang ngiti nito sa akin, na para bang nanunukso at nang-aakit ang mga mata...

"Oo, tayo na," Nagpaulit-ulit pa sa isipan ko.

Ikinagulat ko talaga ang naging sagot niya, at halos hindi ko akalain na iyon ang naging tugon nito. Nginitian niya ko at biglang hinawakan ang aking kaliwang kamay at saka hinila ito. 

Sabay kaming tumatakbo habang hawak-hawak niya ang aking kamay.

Hindi ko maipaliwanag ang aking nadarama, parang ngayon lang ako nakaranas ng ganitong kaba at sobrang lakas ng tibok ng aking puso. At sa bawat hakbang ng aking mga paa ay may kakaibang tensiyon akong nararamdaman. Tila may kung anong kumikiliti sa aking tiyan.

Ang kanyang maalon na buhok, mapupula at manipis niyang labi ang siyang bumabalot at sumasakop at nagpapabaliw sa buong sistema ko. Ang kanyang makinis at malambot niyang palad ang siyang dumadaloy na kuryente na bumubuhay sa aking katawan. 

When He Stared At The Moon (PUBLISHED UNDER UKIYOTO PUBLISHING HOUSE) Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz