Kabanata 8

77 16 1
                                    

Lumipas ang mga ilang araw at linggo ay mas nakilala ko na ng lubusan ang aking sarili dahil kay Erica. Katulad ng mga sinabi niya sa akin, na dapat daw maging mabuti na akong anak at sa kapatid ko. 

At pauli-ulit din niyang bilin sa akin sa bawat panaginip ko na maging mabait ako sa ibang tao. Para naman daw lubusan ko pang makilala sila, lalo na ang sarili ko.

She taught me how to live well. She helped me to know myself better, even though I can't remember anything. But sometimes she tried to helped me out to reminisce something I want to know. She's literally my guardian angel.

At katulad nga ng sinabi niya noon na tuwing mananaginip ako hindi ko nakikita ang sarili kong anino. Na hangga't nasa sariling panaginip raw ako ay hindi ito lalabas. Pero kapag nasa realidad naman ako nagpapakita naman ito.

Kasalukuyan ay nasa labas ako ng ospital at nakaupo sa likod ng ospital na ito ay may mga palaruan, doon ay may malaking upuan kung saan ako nakaupo ngayon. 

Maraming mga puno dito dahil may mga halamanan sa mga gilid ng dingding, marami-rami rin ang mga batang nag-lalaro dito.

Mga ilang linggo na rin noong sinubukan ko na lumabas ng kuwarto ko para makapag lakad-lakad naman ako kahit pa-paano. Isa rin ito sa mga bagay na pinagdamot ko sa sarili ko.

At talaga naman masarap nga ang maglakad dito dahil hindi limitado ang espasyo. Hindi katulad doon sa kuwarto ko kaunting lakad lang ay pintuan na papalabas ng kwarto. 

Minsan ako na mismo ang nagpupunta rito mag-isa dahil kaya ko naman pero minsan sinasamahan ako nila mommy.

Payapa at kampante lang ako nakaupo sa pwesto ko. Sumulyap ako saglit sa aking orasan, saktong ala-tres na pala hapon. 

"Magandang hapon, Seb." Agad ako napatingin sa taong bumati sa akin. Isang babae na nakasuot din nang pang ospital katulad ko.

Agad kong napansin ang maputla niyang balat Talagang kapansin-pansin ang kaniyang kulay dahil sa sobrang pusyaw nito. Nagtaas ang aking kilay dahil sa gulat kong kilala niya ako.

Kilala ko ba siya? Hindi ko pa siya nakikita dito, ngayon pa lang.

Malamang, Seb, lumalabas ka ba ng kwarto mo?

"Kilala mo ako?" walang ano-ano ay iyon na lamang ang nasambit ko sa sobrang gulat na kilala niya ako. Hindi naman ako pala labas ng kwarto ko kaya nakakapag-taka talaga na kilala niya ako. 

"Oo naman. Hindi ba ikaw si Sebastian Perez?" kampante nitong sabi.

Tuwid siyang nakatayo sa harapan ko. "Oo ako nga. Paano mo ako nakilala?" agaran kong tanong. "Madalas ko lang marinig ang pangalan mo." 

Bukod sa maputlang niyang kulay ay mayroon din itong maikling buhok na tila panlalaki ang gupit, payat din ito at mayroong maputlang mga labi.

"Ganoon ba? Pasensiya ka na, wala kasi akong maalala," seryosong sabi ko. 

"Ah oo, madalas ko rin marinig sa kanila na wala ka raw maalala." Tumango-tango na lamang ako.

Mga ilang sandali ay nagsalita muli ito. "Pwede bang maki-upo sa tabi mo?" paghingi nito ng permiso sa akin.

Hindi na ako nag atubiling sumagot pa, imbes na magsalita pa ako ay umusog na lang ako bahagya ng kaunti at tinapik ang espasyo na nasa gilid ko. Senyales na pumapayag akong umupo siya sa tabi ko. Dali-dali naman itong naupo sa tabi ko at pinasadahan ako sandali ng tingin.

"Salamat," aniya, Nang maka-upo siya sa tabi ko ay tahimik lang ako at hindi nagsalita. 

Kagaya ko ay hindi rin siya nag atubili pang mag salita. Tahimik lang kaming dalawang naka-upo. Siguro, dahil wala rin naman akong gustong sabihin sa kaniya. Bukod pa roon, hindi ko naman siya kilala.

When He Stared At The Moon (PUBLISHED UNDER UKIYOTO PUBLISHING HOUSE) Where stories live. Discover now