Kabanata 12

56 10 0
                                    

Ngayon ay araw ng lunes, panibagong araw na naman para sa akin. Simula kahapon ay hindi na umalis si mommy sa tabi ko. Lalo na sa nangyari sa akin kahapon dahil masyadong nag-alala si mommy kaya hindi na ito nagbalak umuwi pa ng bahay.

Katulad ng lagi kong ginagawa dito sa loob ng kwarto ay ang humiga, manuod at kumain lang. Halos hindi na rin ako madalaw ng antok. Pero sa totoo lang mas gusto ko na lang matulog ulit, para makita si Erica. Ewan ko ba, pero namimiss ko na naman siyang kasama at kausap.

Medyo nagtatampo rin ako kay mommy simula kahapo dahil nga sa ayaw niya pa rin sabihin sa akin ang totoo. Nararamdaman niya rin siguro na medyo nagtatampo ako dahil kapag tinatanong niya ako ay maiksi lang ang mga sagot ko. At kakausapin ko lang siya kapag may importante siyang sasabihin sa akin.

Bantay sarado rin ako sa mga nagbabantay sa akin. Dahil simula kina-umagahan ay sinisigurado nila na nakakakain ako ng maayos at tama sa oras ganoon din sa pag inom ko ng gamot. Tila ako nakapreso, maya't-maya, oras-oras may bumibisita sa akin para icheck palagi ang kalagayan ko. Maski ang ang temperatura ko ay sinisigurado nilang nasa normal na kalagayan din.

At ayoko ng ganito. Gusto ko nang umuwi!

Lagi ko naman sinasabi sa kanila nq ayos lang ako at wala akong ibang nararamdaman na masama. Sa ginagawa nila, parang gusto ko na lang magkasakit ng tuluyan. Lalo lang ako magkakasakit dahil sa mga pinagagawa nila.

Kasalukuyan at nakaupo lang ako sa aking kama at nanonood, wala sa atensyon ko ng panonood ng TV. Kaninang umaga pa ako lutang at wala sa wisyo. 'Yung tipong nakatulala ka na parang kulang ka sa tulog. kahit hindi naman talaga.

Ang boring ng buhay.

Napatingin ako sa orasan at pasado alas tres y media na. Hapon na pala ang bilis talaga ng oras parang kanina lang kakasikat lang ng araw. Hindi rin ako nakatulog kagabi dahil sa pag-iisip, buti na lang at hindi ako sinumpo ng pagsakit ng ulo.

Kinuha ko ang remote control sa tabi ko at pinindot-pindot ko lang para malipat sa iba't-ibang channel. Nakatulala lang ako habang ginagawa iyon.

"Masisira 'yong TV sa ginagawa mo." Nakarinig ako ng boses mula sa gilid ko. Lumingon ako kung sino iyon. Si mommy pala. Hindi ko namalayan na nakapasok na pala siya sa kwarto ko, siguro ay wala talaga ako sa mood ngayong araw.

Gusto kong lumabas.

Bulong ng isipan ko sa kabilang banda.

Namataan kong lumapit si mommy sa tabi ko at kinuha niya ang remote control na hawak ko. "Kung wala ka namang gana manood, mas mabuti pang patayin na lang natin kaysa naman masira mo," malamig na sabi nito at diretso nakatingin sa TV at pinatay ito.

Hindi na lang ako kumibo at hinayaan na lang siya kung may sasabihin pa ito. Tulad nga ng sinabi ko, hindi naman ako nagagalit sa kaniya. Naiinis lang talaga ako kada maiisip ko 'yong mga dahilan niya kung bakit ayaw niya pa sabihin sa akin ang totoong kalagayan ko.

Paulit-ulit na lang nakakasawa na! "Hanggang kailan ka magiging ganyan ang pakikitungo sa akin, Seb?" seryosong tanong nito.

Tang ina! 'Di ko na talaga alam! Gusto ko na lang sabunutan ang sarili ko. Paulit-ulit na lang kaming ganito ni moomy. Minsan hindi okay, minsan okay! Nakakasawa na!

Naramdaman ko na lang tumabi si mommy sa akin. Pero hindi ko pa rin siya kinikibo at nililingon. 

"Seb, I'm sorry, kung hindi ko pa magawang sabihin sa'yo. Ayoko lang ng ganito ka sa akin tulad noon. Ayokong magalit o magtampo ka sa akin, anak. Dahil masakit sa akin iyon bilang ina mo," saad pa nito.

When He Stared At The Moon (PUBLISHED UNDER UKIYOTO PUBLISHING HOUSE) Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu