Kabanata 21

43 4 0
                                    


"KUMUSTA naman sa trabaho, Seb?" ito agad ang tanong ni Tin sa akin nang maka-upo. Kasalukuyan ay kumakain kami ngayon sa cafeteria ng gusaling pinagtratrabahuhan ko. Nagkayayaan na sabay-sabay kaming kumain ng lunch sa cafeteria.

"Ayos lang naman, medyo nangangapa pa 'ko pero napag-aaralan naman sa opisina," sagot ko naman. Kinuha ko ang baso ko na may lamang malamig na tubig at ininom iyon.

"I heard from Engineer Villanueva na magkakaroon daw kayo ng project ni Engineer Zamora sa Tarlac?" pagkukumpirma sa akin ni Lizza.

"Yes, I guess sa Tarlacy yata ang project. Since, iyon ang napag-usapan namin last meeting," sagot ko naman.

"That's good to hear, bro! Magandang pagbabalik iyan sa trabaho!" masayang sabi naman ni Patrick habang pinupunasan niya ang kaniyang bibig gamit ang tissue.

"Don't worry, dude, I will help you sa mga ideas na magugustuhan ni Engineer. Kung hindi mo naitatanong ako iyong isa sa mga naging paborito niyang Architect habang wala ka pa." Pagmamalaki naman ni Benjo habang abala pa sa nguya niya sa pagkain.

"Sariling buhat ng sofa, pre?" pambasag naman ni Billy sa kaniya at sinamahaan pa nito ng masamang tingin. Mapapailing ka na lang talaga sa kanilang dalawa kapag nagbarahan sila.

"Sus! Ako pa! Halos ako lagi ang pinapatawag noon dati," giit pa ni Benjo.

"Kasama naman si Patrick sa project, he's part of Engineer Zamora's team," sagot ko naman. Pero hindi ko sila tinapunan ng tingin dahil nakatuon ako sa pagkain ko. I ordered bicol express and laing, bumili rin kami ng milkshake.

"Narinig mo 'yon, Benjo? Architect ka, huwag kang feeling Engineer!" pambasag naman sa kaniya ni Billy. Since, I get along with Billy and my other friends, I found out little by little I got a chance to know each one of them.

May pagkamadaldal si Billy at Benjo kaya hindi nakakapagtaka na magkasundong magkasundo sila. Kahit na madalas silang mag asaran na dalawa, Patrick is slightly timid and he's also he speaks quite sparingly unlike the two. Si Tin naman ay prim and proper, timid also like Patrick, serious type to make it short. Si Lizza naman mayroong sense of humor and has a strong personality. Hindi ko masabi kung madaldal ba siya o hindi. But her boyfriend is totally loud! Billy, the one and only. Pagkatapos namin kumain sa cafeteria ay bumalik na rin ako sa pagtratrabaho sa opisina.

Hindi naman ako ganoon napagod sa mga trabaho dahil may umaalalay naman sa akin dito. Bukod pa roon ay pinupuntahan naman ako nila Benjo at Billy para kumustahin ako. Minsan naman kahit hindi tungkol sa pagtratrabaho ay pumupunta sila para kausapin ako sa kung ano-anong bagay. Thanks to them!

Nagkaroon ng meeting kanina after breaktime kaya nagkaroon ako ng oras para gumamit ng phone. Simula nang magkaroon ako ng phone ay hindi ko ito masyadong nagagamit, siguro dahil hindi na akong sanay gumamit at magkaroon nito. At naging abala na rin ako sa trabaho ko.

Ginagamit ko lang itong phone ko kapag importante, kapag may importanteng tawag o messages na galing sa trabaho. Hindi naman ako masyadong mahilig sa social media dahil wala naman masyadong nakikita doon. Sila Billy at Benjo lang naman ang nangunguna sa group chat namin dahil sila ang gumawa nito, kasama rin sila Patrick.

Nakabalik na ako sa opisina ko at kumportableng nakaupo sa swivel chair. Nakapatong ang dalawa kong siko sa lamesa at ang dalawang kamay ko naman ay magkasalikop.

Schizophrenia.

Malalim akong huminga. Sa hindi malaman na dahilan ay bigla ko na lang naisip ang sinasabi ni mommy na sakit ko raw. Schizophrenia, ito daw ang sakit ko kaya ako na-ospital ng mahigit kalahating taon. Nakaramdam ako ng kuryosidad kung ano ba itong schizophrenia.

When He Stared At The Moon (PUBLISHED UNDER UKIYOTO PUBLISHING HOUSE) Where stories live. Discover now