Wakas

85 3 0
                                    


ERICA MAE CASTILLO

"GANOON NA lang ba kadali sa'yo ang iwan kami ng anak mo, ha, Eric!" Ito ang bumungad sa akin pagka-uwi ko sa bahay namin. Nag-aaway na naman si mama at papa. Nagtago ako sa may gilid ng sala naming para hindi nila ako makita. Alam ko naman na ayaw nilang mag-away sa harapan ko, at kung mag-aaway man sila sa bahay sinisigurado ni mama na tulog ako o wala sa kwarto. Pero hindi nila alam nariring ko ang lahat ng pagtatalo nila.

"Akala mo ba madali para sa'kin 'to, Celine?!" sagot naman ni papa habang patuloy na nag-iimpake ng mga damit niya. Nakapamewang si mama habang nagtatalo sila ni papa. Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa mga magulang ko na nag-aaway sa harapan ko. Hindi ko na nagawang ibaba ang mga laruan ko dahil nakipaglaro ako sa mga kalaro ko.

"Dahil na naman ba sa kabit mo, kaya ka na naman aalis?!" patuloy lang ang pagbubunganga ni mama kay papa.

Simula kasi nang magkaroon ng problema sila papa at mama, ay hindi na naging maganda ang pagsasama nila. Madalas na sila kung mag-away lalo na pag-uuwi si papa galling trabaho, o kung minsan kapag hindi siya nakakauwi sa amin ng madalas. Hanggang ngayon kasi ay pinagduduhan ni mama si papa na nakikipag relasyon ulit doon sa dating babae nito.

"Celine, hindi ba ipinaliwanag ko naman sa'yo ang lahat? May anak din kami ni Maricar, at hindi ko naman pwedeng pabayaan ang anak namin," saad pa ni papa.

"Iyon na nga! Dahil dyan sa ginawa mong panloloko mo sa akin noon, hindi ko na kayang ibigay sa'yo ng buo ang tiwala ko!" Napahilamos si mama at napaupo ito sa sahig. My mama is crying...

Hindi naman ako bulag o bingi para hindi malaman ang tungkol sa pambabae ni papa noon. Kahit nasa batang gulang palang ako alam ko na ang mga nangyayari sa mga magulang ko. At kung bakit madalas sila mag-away at kung bakit madalas wala si papa sa bahay. At dahil doon madalas ko rin makitang umiiyak si mama.

"Akala ko ba napag-usapan na natin 'to? Hindi ba matagal mo na akong pinatawad? Bakit ka na naman nagkakaganyan?!" wika nito. Napahinto tuloy si papa sa pag-aayos ng gamit niya, at nilapitan si mama. Hindi pa rin ako nagpapakita sa kanila dahil gusto ko marinig ang lahat.

"Ano sa tingin mo? Madali lang para sa akin na patawarin ka?! Na kapag bumalik ka ulit dito sa bahay palagi na lang kita patatawarin?! Pwes, hindi, Eric! Ubos na ubos na ang pasensya ko dahil sa mga dahilan mo para makipag kita dyan sa kabit mo!" Kulang na lang ay magwala si mama sa sobrang galit niya kay papa.

"Anong gusto mong gawin ko, Celine? Pabayaan ko si Cheska? Alam mong may sakit siya, kaya kailangan kong puntahan siya. Hindi naman ako aalis ng walang dahilan, hindi ba? Umuuwi pa rin naman ako sa'nyo ni Erica."

"Sawa na 'ko sa mga paliwanag mo, Eric! Kung aalis ka, huwag ka ng bumalik pa! Kunin mo na lahat ng gamit mo at huwag ka ng magpapakita sa amin ng anak mo! Hindi na kita kayang patawarin pa dahil pagod na pagod na'ko!" Halos pumiyok na ang boses ni mama dahil sa pag-iyak.

"Huwag naman ganito, Celine. Huwag mo naman gawin sa'kin 'to!"

"Mamili ka! Kami ng anak mong si Erica, o 'yang anak mo sa kabit mo?!" paghahamon ni mama. "Alam mong hindi ako mamimili sa inyo. Mahal ko kayong dalawa ni Erica, kaya please lang, huwag naman umabot sa puntong 'to na kailangan ko pang pumili sa inyo!" pagmamakaawa ni papa.

"Ako o 'yung kabit mo, Eric? Mamili ka sa aming dalawa! At sa oras na lumabas ka sa pintong 'yan, huwag na huwag ka ng magpapakita sa amin ni Erica! Dahil hindi namin kailangan ng sinungaling na katulad mo!" Hindi pa rin matigil si mama sa paghahamon niya kay papa.

"Celine naman!" sigaw ni papa.

"Mamili ka lang, at 'yon lang ang dahilan para magkaroon ako ng dahilan para patawarin ka. Kapag pinili mo ang kabit mo, huwag ka nang bumalik sa amin ng anak mo, naiintindihan mo?" madiin na anas ni mama.

When He Stared At The Moon (PUBLISHED UNDER UKIYOTO PUBLISHING HOUSE) Where stories live. Discover now