Kabanata 16

45 8 2
                                    


NAGING mabilis ang araw. Para noong nakaraang linggo lang ay binisita ako ng mga kaibigan  dito sa ospital. At mahigit isang linggo na rin simula nang halikan ko si Erica. Halos wala akong mukhang maiharap sa kaniya dahil sa kahihiyan na nagawa ko. Mukhang hindi yata ako matatahimik sa ginawa ko dahil lagi kong naiisip ang paghalik ko kay Erica. Kada maalala o maiisip ko ang pangyayari na iyon ay napapahilamos ako sa mukha ko. Grabe nakakahiya talaga! Bakit 'ko ba kasi nagawa 'yon?

Panibagong araw na naman ito para sa akin. Walang bago, ganoon pa rin ang sitwasyon ko. Walang maalala at walang kaalam-alam sa tunay na kalagayan ko. Minsan naiinis at nauubusan na'ko ng pasensya dahil hanggang ngayon ay wala pa rin akong napapala sa paghahanap ko ng katotohanan.

Wala na rin akong balak pa na komprontahin si mommy dahil malamang ay wala rin akong mapapala sa kaniya, at hindi rin niya ito sasabihin sa akin kahit anong pilit at pakiusap ang gawin ko. Hindi rin naman pwede kay Kathleen, mas lalo na siya. Hinding-hindi rin niya ito sasabihin sa akin dahil inutos ito sa kaniya ni Mommy. Sa mga kaibigan ko naman? Wala rin. Sinabi rin nila sa akin na wala silang alam sa mga nangyari sa akin.

Hindi ko nga lang sigurado kung totoo ba ang sinasabi nila na wala silang alam at ayoko rin naman ipilit pa. Ayoko silang isipan ng masama. Simula nang mabisita nila ako dito ay madalas na nila akong tawagan gamit ang phone ni Kathleen.

At kung minsan naman ay sa telepono tumatawag sila Benjo at Billy para kumustahin ako. At napapadalas din ang pagkwento nila pag nakakausap ko sila. Wala rin naman akong balak na tanungin pa sila sa nangyari sa akin. Natutuwa naman ako dahil may oras sila para makausap ako at kumustahin. At sapat na iyon sa akin. Saan ka na pupulutin, Seb? Saan kaya ang kahahantungan ko sa paghahanap ng katotohanan? Kapag nakakapag-isip ako ng mga ganitong bagay mas minamabuti ko na magpahinga na lang.

Para mapahinga rin ang utak ko kakaisip. Baka mas lalo ako mapalayo sa katotohanan. Kanina pa napapaikot-ikot ang tingin ko sa buong silid, wala na rin kasi akong ginagawa. Natapos ko na rin ang ginagawa kong drawing. Sa katunayan ay natapos ko na noong nakaraang araw ang ginawa kong drawing na burol. Hindi pa ganoon ka pulido ang gawa ko at medyo nakukulangan pa ako sa detalye. Sana maging maganda ang maging kalabasan patapos ko.

Kinuha ko ang ginawa kong drawing sa may side table ko. Binabalak ko na dagdagan pa ang gawa ko rito. Isasama ko sa larawan na ito si Erica dahil siya ang sinisimbolo ng burol para sa akin. At balak ko rin lagyan ito ng malaki at bilog na buwan dahil siya rin ang sumisimbolo ng buwan para sa akin. Dahil siya ang nagbigay ng liwanag sa madilim kong gabi at sa madilim kong buhay na nababalot ng misteryo.

Ewan ko ba, itong ginuhit ko na larawan ay siya ang bumubuo at sumisimbolo nito. Dahil siya ang unang nagdala sa akin sa maganda at hindi ko malilimutan na burol. Habang pinagmamasdan ko ang gawa ko ay naiisip ko na naman si Erica. Kahit sa paggising ko ay naalala ko siya.

Minu-minuto, oras-oras at araw-araw ko siyang naiisip. Para bang na-mimiss ko siya kahit na lagi ko naman siya nakikita at nakakasama sa panaginip ko. Maski sa pagkain ko naala ko pa rin siya. Napatingin tuloy ako sa malaking orasan, ala-sais y media na pala ng gabi. Pati ang oras ang bumibilis na rin. Parang kanina lang din ay kagigising ko lang. Tuluyan na ba akong nabaliw?

Sa gitna nang aking pagmumuni-muni ay nakarinig ako ng pagbukas ng pinto. Agad ko naman itong nilingon kung sino ang pumasok sa kwarto. Si Mommy pala. Akala ko ay si Mommy lang ang pumasok. Kasama pala niya si doc.

"Seb, anak! May magandang balita ako sa'yo," masayang sabi nito sa akin nang makalapit ito sa akin. Kasunod niya sa likuran niya si doc. Napaisip naman ako bigla sa sinabi niyang magandang balita.

Sasabihin na ba niya sa akin ang totoo?

Pero mukhang malabo na sabihin niya sa akin iyon.

Sobrang saya yata ni mommy?

When He Stared At The Moon (PUBLISHED UNDER UKIYOTO PUBLISHING HOUSE) Where stories live. Discover now