Kabanata 4

84 18 0
                                    

"Hindi ko maintindihan, Erica," pagtatakang tanong ko. 

"Parang totoo ba, Seb?" anas niya.

Anong ibig niyang sabihin? Bakit alam niya na hinahanap ko siya? Manghuhula ba siya kaya nalaman niya? Pilit kong iniisip kung ano ba ang mga nangyayari sa panaginip kong 'to. Puno ng kuryosidad at pagtataka ang aking isipan.

"Erica..." Umiling-iling ako sa harap niya.

"Hindi ito totoo, Seb," seryosong sambit niya. Malamnan niya akong tinitigan na tila ba nangungusap ang kaniyang mga mata. Hindi niya maaaring malaman.

"Erica, anong sinasabi mo?" Kumakalabog ang dibdib ko pabilis ng pabilis ang bawat paghinga ko.

"Panaginip mo lang 'to, hindi ba, Seb?" diretso pa nitong sabi. "A-alam...m-mo?" saad ko.

Alam niyang nanaginip ako? Alam niya na isa ko lang panaginip ito? Sino ka ba talaga, Erica? Bakit nalalaman mo ang lahat ng ito?

Nahihiwagaan na ako kay Erica. Unting-unting binabalot ng misteryo ang aking panaginip dahil sa kaniya. Hindi siya basta ordinaryong babae sa panaginip ko. She's even more.

"Oo, isa itong panaginip," pagkukumpirma niya na para bang alam na alam niya ang bawat salitang binibitawan niya.

"Panaginip mo lang ang lahat ng 'to, lahat ng nakikita at nararamdaman mo ngayon ay hindi totoo," dagdag pa niya.

"P-pero p-paano? Paano mo nalaman na panaginip ko 'to?" agad kong tanong sa kanya. Nagpalakad-lakad ako sa harap niya.

"Anong ibig mong sabihin?" dagdag na tanong ko pa. Napasapo ako sa aking mukha. Impossible.

"Matagal mo nang alam na hindi ito totoo, Seb, na panaginip mo lang ito, hindi ba? panghuhuli niya sa akin.

"Ayaw mo lang aminin sa sarili mo, Seb. Na bawat paggising mo, alam mo na ang lahat ng ito ay panaginip lamang," dagdag niya pa.

Napayuko ako bigla, hindi ko alam kung paano ko sisimulang magsalita. "H-hindi! i-imposible!" giit ko. Paano niya nalaman na panaginip ko nga ito? Kung panaginip ko nga talaga 'to.

Ibig sabihin...

Hindi rin siya totoo?

Anong klaseng tanong ba iyan, Seb?

Malamang, Seb, alam mo namang panaginip mo lang ito pero umaasa ka na totoo si Erica. Kahit alam mo naman talaga sa sarili mo na hindi naman siya totoo at sa panaginip mo lang siya nakikita, katulad nito.

"Alam mo, Seb, bahala ka. Bahala ka kung ayaw mong maniwala sa akin," nakahalukpkip nitong sabi at sabay tumalikod sa akin.

Nagsimula itong maglakad palayo sa akin.

Pero nilingon niya 'ko. "Alam mo sa sarili mo na panaginip mo lang ito, pero hindi mo lang matanggap dahil malulungkot ka na hindi pala totoo lahat nang nakikita mo," seryosong saad niya.

At tuluyan na ulit akong tinalikuran. Isa nga lang ba itong panaginip? Bakit parang hindi ko matanggap sa sarili ko na isang panaginip lang pala ang lahat ng ito? Bakit hindi ko makumbinsi ang sarili ko na hindi totoo ang lahat ng ito?

"Sandali, " maikli kong anas. Huminto siya sa kaniyang paglakad.

"Oo tama ka. Alam ko na panaginip lang lahat ito. Aminado ako sa sarili ko, pero, Erica, pakiramdam ko lahat ng ito ay totoo. Hindi ko alam kung bakit ako masaya at excited ngayong nasa panaginip kita, Basta ang alam ko lang masaya ako na kasama kita ulit dito sa panaginip ko, totoo man o hindi, " seryoso kong saad.

"Hindi ba, iyon naman ang importante? Ang masaya ka," dagdag ko pa.

Tama siya, ayaw ko lang aminin sa sarili ko na panaginip lang talaga 'to, dahil itinuring kong tunay ang panaginip ko, kahit na alam ko na kahit kailan hinding-hindi ito mangyayari sa realidad.

When He Stared At The Moon (PUBLISHED UNDER UKIYOTO PUBLISHING HOUSE) Where stories live. Discover now