Kabanata 15

53 8 2
                                    

Sinubukan kong ngumiti sa harap nila. "H-hello," nahihiyang ani ko. 

Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong sabihin sa kanila. Kahit anong pilit ko ay hindi ko sila maalala. Tapos pinalibutan na nila ako.

Bakit mo kasi pinipilit, Seb? Malamang wala ka naman talagang maalala.

Nakakalungkot lang isipin na wala akong maalala. Na-curious naman ako kung anong klaseng pagkakaibigan ang mayroon kami. Kung naalala ko lang sila baka marami na akong nasabi sa kanila.

Tinitigan ko lang silang lima at nagpapalit-palit ang mga tingin ko sa kanila.

Ang awkward! Pero mga kaibigan mo raw sila, Seb! You must be friendly in front of them.

"Bro, kumusta ka na?" bati sa akin ng isang lalaking, matangkad at mareno ito. Katabi niya ang isa pang lalaki na matangkad rin pero maputi naman. Mas lumapad pa ang ngiting binigay ko sa kanila. 

"Ayos lang," maiksing tugon ko. Napapakamot ako sa ulo ko.

Wala akong masabi sa kanila.

Seb, kailangan mo umisip ng kahit anong sasabihin sa kanila. Nakakahiya kung wala ka man lang masasabi.

Pero siguro naman maiintindihan nila ako dahil alam naman nila na wala akong maalala. Siguro naman naabisuhan sila ni mommy bago nila ako dalawin dito. 

"Alam namin, bro, na wala kang maalala at naiintindihan naman namin kung hindi mo pa kami maalala," sabi noong morenong lalaki.

"Ako nga pala si Benjo. Kaibigan mo 'ko simula high-school pa tayo." Pagpapakilala naman nitong si Benjo.

Benjo?

Pilit ko pa rin inaalala kung may maalala ba akong Benjo, pero wala pa rin akong matandaan. Hirap kasi sa akin, pinipilit kong may maalala sa ganitong kundisyon ko. Parang gago lang!

Hay na'ko, Seb. Huwag mo na nga ipilit pa! Wala ka ngang maalala kaya hindi mo sila kilala.

"Pasensya ka na pala, Seb, kung ngayon ka lang namin nabisita. Naging busy kami sa trabaho ang dami rin kasing kailangan gawin. Kaya ngayon lang kami nakapunta," saad naman sa akin ng isang babae na nakasalamin at may mahabang buhok, maputi, hindi mataba hindi rin mapayat at medyo maliit.

Wala akong ibang ginawa kundi ang tumango lang sa kanila. I don't know what to say.

Kailang kong mag-isip ng sasabihin. Hindi naman pwede na agad akong magtanong tungkol sa akin, tungkol sa kalagayan ko kung bakit wala ako maalala. Unang-una, iisipin nila bakit ako magtatanong sa kanila kung pwede ko naman itanong kay Mommy.

"At sila nga pala si Tin, Lizza, Billy at Patrick. Mga kaibigan mo kami simula high-school." Pagpapakilala ni Benjo. Tinuro niya pa isa-isa ang mga kasama niya. At tinandaan ko maigi ang mga mukha at pangalan nila para masigurado na maalala ko sila.

Si Lizza pala ang nagsabi sa akin ng Architect Perez. Si Tin naman 'yung babaeng nakasalamin at may mahabang buhok. Mas matangkad si Lizza kaysa kay Tin.

"Pre, ako ito si Billy. Alam kong hindi madali sa'yo na maalala kami agad kaya huwag ka mag-alala tutulungan ka namin na maalala mo kami," ani Billy. 

Siya 'yung katabi ni Patrick. Matangkad din ito katulad ni Benjo, pero mas meztiso si Billy hindi tulad ni Benjo na may golden brown ang kulay.

"Girlfriend ko si Lizza, kaklase natin siya nung high-school." 

Napatingin ako sa direksyon ni Lizza katabi niya si Billy, nasa bandang kanan ito ni Billy. Siya 'yung unang bumati sa akin. Palangiti ito at may maamong mukha. Ngumiti rin ito sa akin kaya ngumiti rin ako pabalik.

When He Stared At The Moon (PUBLISHED UNDER UKIYOTO PUBLISHING HOUSE) Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt