Kabanata 3

132 22 0
                                    

"Kuya Seb! Kuya Seb!" matiniis na sigaw ni Janna.

Ang batang ito ay mahilig mag-saranggola. Tuwing dadapit ang hapon ay nag-aabang na ito ng oras niya para makalabas upang makapag laro ng kaniyang saranggola. 

Kung sa bagay, masarap talagang mag-laro ng saranggola kapag sumapit na ang malamig na hapon. Mahangin din kasi kapag ganitong oras.

Nanliit ang aking mga mata. "Oh? Bakit, Janna?" anas ko sa kaniya. Tumakbo siyang lumapit sa akin kaya agad ko naman siyang sinalubong.

Nang makalapit na siya sa akin ay lumuhod ako para pumantay ang taas naming dalawa. Nagulat naman ako nang may bigla siyang itinuturo. May tinuro siya sa bandang gilid niya. 

Napakunot ako sa ulo ko ng wala sa oras dahil hindi ko naman mawari ang gusto niyang iparating sa akin.

Tumayo ako para tignan ang nasa paligid niya. Tinignan ko rin ang itinuturo niya kanina, ngunit hindi ko pa rin maintindihan. 

Hinawakan ko ang magkabilang tuhod ko upang muling tignan siya. Puno ng pagtataka ang mukha ko, nagpapahiwatig na hindi ko makita ang gusto niyang ipakita sa akin.

Tumayo ulit ako ng mutiwid at abala ulit sa pagtingin sa palid. Baka may makita ako na kakaiba, kakaiba na gusto niyang ipakita sa akin. Habang abala ako ay kinalabit niya ako sa aking braso, at may itinuturo na naman. Medyo tinaasan niya ng kaunti ang pagturo niya para matanaw ko agad iyon.

Tila'y nagpapahiwatig siya na sundan ko ang itinuturo niya. Kaya ini-angat ko ang ulo ko para sundan ang kanina niya pa tinuturo. Noong una, hindi ko maintindihan kung ano ang gusto niyang ipakita sa akin. Pero kalaunan, naintindihan ko rin naman ang nais niyang ipabatid.

Sumabit pala ang kanyang saranggola sa may sanga ng puno ng mangga. Nang makita ko ang gusto niyang ipakita sa akin, napahawak na naman muli ako sa aking magkabilang mga tuhod at ibinaling ulit sa kanya ang atensiyon ko. Gusto niyang kunin ko ang sarrangolang sumabit sa puno.

Hinaplos ko ang kanyang ulo bago ako magsalita. "Gusto mo ba kunin ni Kuya ang saranggola mo?" Ngumiti ako sa kanya.

Hindi ito kumibo. Pero ngumiti ito sa akin at sabay tumango. Sinyales na gusto niya nga kunin ko 'yong saranggola niya. Tumayo ako ng matuwid at nagsimulang maglakad papunta sa matayag na puno ng mangga. Kung saan sumabit ang saranggola niya sa sangang nito. 

Naramdaman ko na sumunod naman siya sa akin.

Habang naglalakad ako patungo sa may puno, may mga naghahabulan. Hinahabol ng isang babae ang batang lalaki, habang sila ay nagtatakbuhan. Hindi ko namalayan ang aking sarili na nakatitig na pala ako sa isang maganda at maputing babae. Dahilan ng pagtigil ko sa aking paglalakad.

Kakaiba bigla ang aking naramdamn...

Kakaiba sa pakiramdam...

Isang babae. Hindi lang siya basta isang babae, magandang babae kung lilinawin ko.

Makinis at maputi ang kaniya mga balat. Pantay din ang kulay nito.

Napatingin naman ako sa kanyang labi.

Labing kumukurba...

"Kuya Seb."

Bumalik lamang ako sa aking katinuan nang kinalabit ako ni Janna. Tinuro niya ulit 'yung saranggola niya na sumabit sa may sanga ng puno ng mangga. 

Natawa na lamang ako, nakanguso na kasi siya sa akin. Mukhang magtatampo pa yata. I just patted her head. Tulad ng madalas kong ginagawa sa kaniya.

Nginitian ko muna siya bago magsimulang maglakad sa aking paroroonan. Nang makarating na kami sa may puno, tinignan ko kung gaano kataas 'yung punong aakyatin ko. Mukhang mapapalaban ako ng wala sa oras nito.

When He Stared At The Moon (PUBLISHED UNDER UKIYOTO PUBLISHING HOUSE) Where stories live. Discover now