Kabanata 24

56 4 0
                                    


HINDI ko maidilat mabuti ang aking mga mata dahil sa mainit na sikat ng araw na dumadampi sa aking balat Sinubukan kong igala ang mga mata ko kahit kumukurap-kurap pa. At tanging mga puting bagay ang nakikita ko at pamilyar na pamilyar sa aking paningin.

Nasaan ako?

Tanong ko agad sa aking sarili. Ospital ba ito? Napapikit ako nang makaramdam ako ng kaunting sakit sa likod ko. Ilang oras na ba akong nakahiga rito? Ano bang nangyari sa akin bakit nandito na naman ako? Ininda ko pa lalo ang pag sakit ng likod ko dahilan siguro sa matagal kong pagkakahiga.

Sinubukan kong igalaw ang aking mga kamay ng dahan-dahan. "Gising na pala kayo, Sir. Kumusta may nararamdaman ba kayong kakaiba? Masakit ba ang ulo niyo o nasusuka? ito ang sunod-sunod na bunagad na tanong ng nurse nang makita ako.Hindi ko siya pinansin o tapunan man lang ng tingin. Pinilit ko ang sarili ko na bumangon sa pagkakahiga kahit medyo nahihirapan ako. Bakit medyo nahihill ako? Ano bang nangyari sa akin?

Iyong picture sa kuwarto ni Kathleen?

Si Erica.

Nanlaki agad ang mga mata ko nang maalala si Erica. Nasaan si Erica? Kasama ko lang siya kanina nasaan na siya? Bakit ako nandito? Kailangan kong makita si Erica baka umalis siya. Bakit wala na siya sa tabi ko? Tila naalala ko lahat ang nangyari nang makabangon ako sa pagkakahiga.

Panaginip.

Panaginip ba ito o hindi na? Kailangan ko mahanap si Erica, hindi pwedeng umalis siya, hindi niya ako pwedeng iwan! Halos mapraning na ako maisip ko palang si Erica. Dapat kasama ko siya kahit saan pa siya magpunta, hindi siya pwedeng mag-isa.

"Sir, dahan-dahan lang po—"

"Si Erica? Nasaan si Erica? Bakit ako nandito?" sunod-sunod na tanong ko sa kaharap kong nurse.

"Ho? Sino pong Erica, sir? Kamag-anak niyo po ba siya?"

"Bakit ako nasa ospital ulit? Saan niyo ba dinala si Erica? Kailangan ko siyang makita." Tinanggal ko ang suwerong naka-kabit sa akin at inalis ko ang kumot na nakapatong sa akin at sinubukang tumayo.

"Hindi po pwede, Sir!" gulat na gulat ang nurse sa ginawa kong pagtanggal ng suwero ng ganoong kabilis. Kahit dumugo pa ang kamay mo dahil sa biglaang pagkakahila ko para lang matanggal.

Sana hindi na lang ako nagising pa. Baka sakaling kasama ko pa rin si Erica hanggang ngayon. Hindi ko alam kung ano pa bang silbi ko sa mundo para mabuhay pa! Kung sana namatay na lang ako para hindi ko na nararanasan ang lahat ng ito.

"Tumabi ka!" malamig kong sabi sa Nurse. Dahil nakaharang siya sa dinadaanan ko Umiling-iling lang ito "S-sandali lang, sir. Hindi pa po kayo pwedeng umali!" Nang umambang tumayo ako ay pinigilan niya ako.

"Miss, hindi ako pwedeng manatili rito! Kailangan kong makita si Erica." Medyo tumaas ang boses ko. Konting-konti na lang ay maiirita na ako.

"Sir, hindi pa po kayo pwedeng ma-discharge. Tatawagin ko muna si Doc para ipaalam na nagising na po kayo."

Bakit kailangan pang ipatawag? Wala naman akong sakit! Hindi ko nga alam kung bakit pa ba ako napadpad sa lugar na kinaayawan ko! "Kailangan kong makita si Erica! Alin ba doon ang hindi mo maintindihan? Kanilangan kong umalis para hanapin si Erica dahil baka iwan niya 'ko!" giit ko sa kaniya.

Kailangan kong makaalis na rito sa ospital sa lalong madaling panahon. Hindi ako pwedeng iwan ni Erica dahil nangako siya na hindi niya ako iiwan. Mas lalo akong nagpumilit pa at sinubukang tumayo. "Sir, kumalma lang ho kayo. Hindi po kayo pwedeng umalis. Ipapatawag na lang po namin amh guardian niyo." Hinawakan niya ako sa braso para pigilan akong umalis.

When He Stared At The Moon (PUBLISHED UNDER UKIYOTO PUBLISHING HOUSE) Where stories live. Discover now