Kabanata 2

169 23 0
                                    


"Peles, Aljon Sta Maria."

Isa-isa tinatawag ang aming mga pangalan at isa-isa rin umaakyat ng entablado ang mga na tawag na pangalan. Ngayon ang araw ng aming pagsisitapos sa kolehiyo. Isang magarbong pagsisipagtapos ang inihanda ng aming Unibersidad.

"Perez, Sebastian Flores," tawag sa aking pangalan.

Agad akong naglakad paakyat sa entablado at kinuha ang aking diploma. Humarap ako sa maraming tao at nginitian ko sila. May mga photographer na kumukuha ng litrato isa-isa, kaya naman kinuhaan rin nila ako ng litrato.

Patuloy pa rin akong nakangiti at kinamayan isa-isa ang mga kawani sa entablado at nagpasalamat. Natapos ko na ang kursong matagal ko ng gusto, na maging isang Architect at matagal na ring pangarap ni daddy at mommy para sa'kin.

"Salamat po!" anas ko sa bawat isa sa kanila. Muli akong napabaling sa maraming tao, at kitang-kita ko si mommy at ang magandang kapatid ko na pumapalakpak. 

Pumukaw sa aking mga mata si mommy na tila ba'y umiiyak ito. Pinunasan niya pa ang mga mata niya ng hawak-hawak niyang tissue. Samantalang malawak lang ang kapatid ko na nakangiti sa akin.

Ngumiti na lamang din ako. Pagkababa na pagkababa ko ng stage ay agad akong sinalubong ni mommy at ng kapatid ko. 

"Congratulations, Kuya Seb!" masayang bati ni Kathleen at mabilis akong sinalubong ng mahigpit yakap.

"Thank you, Princess!" I said to her. Kumalas siya sa pagkakayapak at nginitian ako. Agad din lumapit si mommy sa akin.

"Congratulations, anak!" masayang bati rin ni mommy nang makalapit siya sa akin, niyakap niya rin ako. Kitang-kita mo sa kanyang mga mata ang kasiyahang hindi maitatago. 

"Thank you, mommy," sabi ko at nginitian si mommy. Mukhang mangangalay yata ang panga ko kakangiti sa araw na ito.

"Finally! Seb, anak, super proud si mommy sa'yo at alam kong alam mo na kahit hindi na natin kasama ang daddy niyo. Proud na proud din siya sa'yo!" Hinawakan ako ni mommy sa pisngi, may nangingilid na luha sa mga mata niya. Malambing ko siyang tinitigan pabalik.

Two months ago, my dad passed away. Inatake sa puso ang daddy. three weeks after my birthday, namatay na si daddy. Sariwang-sariwa pa ang mga alaala ni daddy sa amin. Lalo na ang biglaang pagkamatay niya, na hanggang ngayon ay masakit pa rin bawat isa sa amin. At hanggang ngayon ay hindi pa rin naiibsan ang pangungulila naming sa kaniya.

Me and my little sister lost our greatest father. Our hero died. My mother's better half gone. The head of our family, my anchor became our guardian in heaven.

Niyakap ko ulit si mommy ng mahigpit. "Thanks for being there, mom... Always," I said to her at niyakap ko ulit siya, pero this time isang mahigpit at puno nang pagmamahal. 

My dad is irreplaceable, I can't bring daddy back for my mother. No matter how much I waste my tears. Even I mourned every single day. It still can't be changed that he's dead.

"I love you, my son. Lahat kayang gawin ni mommy para sa inyong dalawa ni Kathleen. Wala na ang daddy niyoo at ako na lang ang mayroon kayo," sambit ni mommy.

"Awww... Why our family always like this. I mean, we're not used to do it — before, back then." my sister Kathleen said. At nakiyakap na rin sa amin ni mommy.

"I think, we are always going to do this from now on," my mom jokingly said, then she laughed. Una akong bumitaw sa yakap at ganoon na rin ang ginawa ni Kathleen. After that I faced my mom. 

"Do you think, mom... magiging proud si daddy sa akin?" I asked.

"Oo naman anak. Your Dad will always be proud of you at alam ko naman na lahat ng ginagawa mo ay hindi lang para sa amin, kundi para rin sa kanya," saad ni mommy.

When He Stared At The Moon (PUBLISHED UNDER UKIYOTO PUBLISHING HOUSE) Where stories live. Discover now