Kabanata 13

57 10 6
                                    

"Buti na lang nagpakita ka na sa akin," pambungad ko nang makita si Erica. 

"Grabe ka naman! Huwag mo naman masyadong ipahalata na na-namiss mo 'ko," si Erica.

Siguro kung makikita nila akong tulog ngauyon, malamang ay makikita nilang nakangiti ako kung matulog. Sa wakas dinalaw na rin ako ng antok kaya heto na ako sa panaginip ko kasama si Erica. At ayon na nga. Nakita ko na si Erica at sobrang saya ko na.

Masyado kang mababaw, Seb.

"Sobra, sobra kitang namiss. Pakiramdam ko nga ilang araw na kitang hindi nakasama." nakangiti tugon ko sa kaniya.

Kasalukuyan ay nasa burol kami at masarap ang pagkakaupo. Presko at malamig ang simoy ng hangin, bago kasi ako nakatulog ay inisip ko na sana ay magkita kami sa burol. 

Sa lahat ng lugar na napuntahan ko sa panaginip ko kasama si Erica sa burol ang pinaka paborito ko. Dahil na rin siguro si Erica ang nagdala sa akin dito.

"Ano na ang balita sa'yo, Seb?" tanong niya. "Wala, ganoon pa rin. Wala pa pa rin akong maalala at wala rin yatang balak sabihin sa akin ni mommy ang totoo."

Nanliit ang mga mata nito. "Anong ibig mong sabihin? May nangyari ba? Nag-away ba ulit kayo ng mommy mo?"

"Noong nakaraan, pagkagising ko sa panaginip ko iyong araw mismo na sumakit 'yong ulo ko. Nagkaroon kami ng onting patatalo ni mommy. Hindi naman ako nagalit sa kaniya, naiinis lang ako hanggang ngayon. Hindi ko lubos maisip na hindi niya pa rin kayang sabihin sa akin ang totoo."

"Baka may tinatago sila sa'yo?" konklusyon niya.

"Sa tingin ko nga, pero iyon na nga ang matagal ko ng naiisip. Baka may ayaw silang sabihin sa akin. Pero kahit ano pa man ang 'yon kailangan ko iyon malaman."

Tumango-tango lang ito. "May nahanap ka na ba na impormasyon tungkol sa babaeng napanaginipan mo?"

"Wala pa rin. Hanggang ngayon hindi ko pa rin napapanaginipan pa ang babaeng iyon. Pero malalaman ko rin iyon dahil sabi mo tutulungan mo ako, Erica."

"Oo naman. Tutulungan kitang malaman kung sino man siya. Para malaman mo na ang buong katotohanan," paniguradong sambit nito.

Bigla ko na lang naisip si Cheska. Ang galing lang kahit sa panaginip ko nakokontrol ko rin kung sino ang pwede kong maisip. 

Naalala ko na naman pareho sila ng sinasabi ni Erica, na baka girlfriend ko iyong babaeng iyon. Pero kahit sumakit yata ang ulo ko hindi ko pa rin lubos maisip na girlfriend ko nga siya.

Dapat man lang may maalala ako kahit papaano. Pero kasi, iyong panaginip ko na 'yon para ngang sobrang lapit namin sa isa't-isa at tinawa ko pa siya na love?

Maaaring tama sila, pero paano naman kung gawa-gawa lang iyon ng isip ko? "May sasabihin ako sa'yo, Erica," panimula ko sa pagtatanong tungkol kay Cheska.

"Hmm?" Nagtaas ito ng kilay. "May babae akong nakilala sa ospital, parang katulad mo siya." "Katulad ko? Anong ibig mong sabihin?" kunot-noong tanong nito.

"Sa sobrang pagkamiss ko kasi sa'yo parang nakikita ko ang katauhan mo sa kaniya. Alam mo 'yon, noong una kami magkita sobrang positibo niya sa buhay kahit na may sakit siya," kwento ko pa.

Pero huwag ka mag-alala, Erica. Mas maganda ka pa rin sa kaniya.

"Ah, pasyente rin siya?" Tumango ako. "Oo, may sakit siya, leukemia ata? Sa pagkakaalam ko. Sobrang putla ng kulay niya, pati na rin ang labi niya. Tapos maiksi pa ang buhok niya."

When He Stared At The Moon (PUBLISHED UNDER UKIYOTO PUBLISHING HOUSE) Where stories live. Discover now