Kabanata 19

44 6 1
                                    

PAALALA: Ang mga susunod na kaganapan ay dumaan sa maayos na pag-aaral at pagbabasa mula sa web article at iba pa. Ang sarili kong storya ay sarili kong batas kaya paalala lang po, hindi po ako ganoon kagaling sa mga terms kaya po ang iba dito ay sarili kong gawa at tanging nasa imahinasyon ko nag mula. Sana ay maunawaan niyo pa rin ang ibig na nilalaman ng kabanatang ito. Salamat po.

"KUMUSTA naman sa bahay niyo?" ito agad ang pambungad sa akin ni Erica. "Ayos lang," tipid na sagot ko. "Ha? Anong ibig mong sabihin sa ayos lang?" Kunot-noong tanong nito. Habang abala sa pagbubunot ng damo. Nakaupo lang kami sa likod ng bakuran nila Manang Sinang at nagpapahinga lang sandali at nagpahangin. Oo nga pala! Ang sabi ko ikukuwento ko kay Erica ang lahat dahil namimiss ko na siya. Kaso hindi ko alam kung paano sisimulan.

"Sinurprise ako ng mga kaibigan ko pagkauwi namin. Tapos nakilala ko rin yung ibang kasama namin sa bahay, sila Manang Aida, Lara, Nina at Diane."

"Masaya ka naman?"

"Oo naman, pakiramdam ko nga ang dami kong oras na nasayang dahil sa pamamalagi ko sa ospital. Hindi lang sa mga kaibigan ko pati na rin sa trabaho ko."

"Masasabi ko naman na masaya ako dahil nararamdaman ko naman ang mainit nilang pag tanggap sa akin nang makauwi ako," dagdag ko.

"Alam mo na ba ang totoong nangyari sa'yo?" biglang sumeryoso ang tanong niya."

"Hindi pa. Kinakabahan ako sa totoo lang," pag-amin ko. Hindi ko alam kung bakit hanggang sa panaginip ko kinakabahan pa rin ako. "Ang totoo, natatakot din ako, Erica." Namamaos ang aking boses.

"Kaya ka nga nakauwi na sa inyo para malaman mo na rin ang katotohanan. Diba iyan naman talaga ng dahilan mo? Ang malaman ang katotohanan." Alam ko, ito naman talaga ang purpose ko. Pero ang hirap lang talaga na maririnig mo na ang katotohanan bukas. Baka hindi ko kayanin.

"Hinahanda ko lang ang sarili ko sa mangyayari sa akin. Baka mapabalik na naman ako sa ospital." Napakamot ako sa ulo ko.

"Kailan daw sasabihin?"

"Sa pag gising ko. Ako na mismo nagsabi kay mommy na bukas na kami mag-usap tungkol doon. Ang traffic kasi sa pag-uwi namin kaya alam ko napagod din sa biyahe si mommy, katulad ko."

"Bukod sa kinakabahan o natatakot ka, ano pa ang iba mong nararamdaman? Excited ka ba na malaman ang totoo?"

"Hindi ko masabi kung excited ba ako? Kung may iba pa ba akong nararamdaman bukod sa kinakabahan ako." Ayoko muna isipin hangga't maaari. Gusto ko wala akong iniisip o bagabag sa aking panaginip, lalo na kapag kasama ko si Erica.

"Ah, Basta! Kapag nalaman no na ang katotohanan huwag na huwag mong sisisihin ang sarili mo. Huwag ka rin magagalit kahit anong mangyari kasi wala naman may kasalanan." Minsan, mas natatakot ako sa sinasabi ni Erica sa akin. Para bang may iba siyang pahiwatig o ibig sabihin.

"Napapansin ko na lagi mo sinasabi sa akin 'yan? May gusto ka bang sabihin sa akin?"

"Ha? Wala naman. Nagpapa-alala lang ako sa'yo, kasi baka mamaya bumalik ka sa dating Seb na una kong nakilala." Hindi naman kailangan mag-alala ni Erica sa akin. Sa katunayan kapag ganyan ang mga sinasabi niya, doon lang ako binabagaba o nag-iisip ng kung ano.

Baka kasi may hindi magandang mangyari. "Malaki ba talaga ang pinagbago ko?" tanong ko kay Erica. Kahit kasi mismo ako sa sarili ko nagugulat na lang sa mga kinikilos ko. Minsan hindi ko rin maintindihan ang mga kinikilos ko. Minsan okay naman ako, masaya at komportable. Minsan naman malungkot ako o may kung anu-anong iniisip. Ang gulo lang.

"Oo naman! Successful ako dyan sa mga plano ko," anas naman niya at kitang-kita ang excitement sa mga mata niya. Nanliit ang aking mga mata. "Plano? Anong plano?" Nagkasalubong ang dalawa kong kilay.

When He Stared At The Moon (PUBLISHED UNDER UKIYOTO PUBLISHING HOUSE) Where stories live. Discover now