Kabanata 7

68 16 0
                                    

"Sir, heto na ho ang gamot niyo," saad ng Nurse at inilapag niya ang mga ito sa side table ko.

 "Salamat," maikling tugon ko at pinilit na nginitian siya.

Ala-una na ng tanghali at katatapos ko lang kumain ng tanghalian. Wala rin naman akong ibang ginagawa bukod sa panonood ng TV. 

Nakaktamad na rin kasi dahil paulit-ulit na lang ang palabas tuwing tanghali, ganoon din naman sa hapon. Kapag gabi naman gusto ko maaga matulog para maaga ko rin makasama si Erica sa panaginip ko.

Kasalukuyan ay nakahiga lamang ako sa aking kama at maghapong nakahiga. Simula kaninang umaga pa hindi nagpupunta si mommy dito. Baka hanggang ngayon ay galit pa rin sila sa akin. 

Si Kathleen lang ang tanging nagpupunta rito dahil dinadalhan niya ko ng pagkain, pero hindi rin siya nagtagal dito sa loob ng kwarto ko at umalis din ka agad.

Hindi pa rin niya ako kinikibo, kikibuin niya lang ako pag may importante siyang sasabihin sa akin, ang lamig din ng pakikitungo niya sa akin, mas malamig pa. Hindi ko na rin muna sinubukan na kausapin siya.

Napansin ko na hindi pa umaalis 'yung Nurse sa harapan ko. "Bakit nandito ka pa?" malamig na tanong ko. 

"Sinisigurado ko lang po, sir, na iinumin niyo lahat ang mga gamot niyo."

Kunot-noo ko siyang tinitigan. "Pa—" Napaputol ako sa sasabihin ko dahil bigla-bigla kong naiisip si Erica. 

Sigurado ako ayaw niya na nagiging ganito ako sa iba, ayaw niya siguro na nagsusungit ako sa iba.

"Iinumin ko ito, huwag kang mag-alala," mahinahon kong sagot. Susubukan ko na maging mahinahon sa lahat ng oras. "Sige po, sir, inumin niyo na po ang mga gamot niyo," nakangiting tugon nito.

Agad ko naman kinuha ang mga gamot 'ko at isa-isa ko itong ininom. Pero habang iniinom ko ang mga gamot ko ay nakatingin sa akin ang Nurse na ito. Hindi pa pala siya lumalabas ng kuwarto ko.

Pinasadahan ko siya ng tingin kahit nakakailang at sinubukan ko na huwag na magsalita. Baka kung ano pa ang masabi ko na hindi maganda. Inutusan siguro ito ni mommy na bantayan ako.

Bigla-bigla na lang akong napahilamos ng mukha. Shit! Bakit ko ba ito ginagawa? Pakiramdam ko konektado na ako kay Erica, tila buong sistema ko nanakaw na niya. Kaya ko nagagawa ang lahat ng ito dahil sa kaniya. Dahil sa mga payo ni Erica.

Pero hindi mo ba naisip, Seb, na panaginip mo lang siya.

Hindi siya totoo....

Pagkatapos kong inumin ang mga gamot ko ay inilapag ko na ulit ito sa side table ko. "Ahmm, Sir?" nahihiyang tanong nito.

Kalma, Seb. Huwag agad mainit ang ulo.

Gusto kong iumpog ang sarili ko habang sinasabi iyon sa sarili ko. 

"Ano iyon?" Sinubukan ko ulit huminahon. Kailangan kong kontrolin ang sarili ko dahil madali akong mainis at mayamot. Lalo na kapag pinipilit ako sa mga bagay na ayoko gawin.

"Ininom niyo po ba iyong gamot niyo kaninang umaga?" Kita-kita sa itsura nito ang pilit na ngiting iginagawa sa akin. Bumuntong hininga muna ako bago ko sagutin ang tanong niya.

"Yes," maikling sagot ko naman.

For sure, sinabi ni mommy sa mga Nurse ko na bantayan ako tuwing iinom ako ng gamot. Dahil nahuli niya ako noong nakaraan na itinapon ko ang mga gamot ko sa basurahan.

When He Stared At The Moon (PUBLISHED UNDER UKIYOTO PUBLISHING HOUSE) Where stories live. Discover now