Kabanata 28

45 3 0
                                    

FRANCHESKA CASTILLO

Ngayon ko lang nakita si ate na ganun umiyak dahil sa sobrang saya. At sa wakas! Masasabi ko na rin talaga na isang tears of joy ang dahilan ng pag-iyak niya. Matapos naming malaman na nagising na si Seb ay nagsimula na nga kumilos si ate. Nalaman din namn na walang maalala si Seb dahil nagkaroon daw ito ng temporary loss of memory. Ayon sa doktor ni Seb, naging malaki ang epekto sa pagkawala ng alaala niya sa malaking aksidenteng nangyari sa kaniya. At ayaw ipaalam ni Mrs. Perez ang tunay na nangyari kay Seb kung bakit wala itong maalala.

Si ate Erica mismo ang nagplano ng lahat-lahat kung paano ko malalapitan si Seb. Hindi naman ako pinilit ni ate na gawin ito at mas lalong hindi niya ako inutusan para tulungan siya, at lahat ng ginagawa ko ay para kay ate at para na rin kay Seb. Kusang-loob ko itong gagawin at hindi labag sa loob ko 'to, gusto ko rin talaga tulungan si Seb kahit sa ganitong paraan man lang.

Si ate Erica mismo ang kumilos ng dapat kong gawin at naka plano talaga ang mga susunod naming hakbang para makalapit kay Seb. Minsan nabibilib din ako kay ate lahit patay na siya. Biruin mo dinaig ng teknolohiya ang mga sources na nakukuha ni ate. Hindi niya kailangan ng kahit anong tools or gamit para lang malaman ang lagay ni Seb.

Dahil ang kaisa-isang komunikasyon lang naming ni ate ay ang pagdalaw niya sa panaginip ko. Kinokontrol niya ang panaginip ko para magkausap kami, at nalaman ko rin na kaya niya rin manipulahin ang lahat nang makikita ko sa sarili kong panaginip.

"Sigurado ka ba na kaya mo 'tong gawin, Cheska? Kung hindi mo naman kaya hindi naman kita pipilitin."

"Ate, huwag ka mag-alala kaya ko 'to. Ngayon pa ba tayo aatras, e, nasa iisang ospital lang kami ni Kuya Seb. Hayaan mo na ako naman ang tumulong sa'yo."

"Ayoko lang kasi na mapahamak ka sa gagawin mo, o dahil sa mga plano ko. Alam mo rin naman na marami naman akong paraan para matulungan ko si Seb. Madadamay ka pa sa nangyayari sa aming dalawa," mahina siyang napabuntonghininga.

Ayos 'yung panaginip ko, ah, parang real na real! Dinaig pa 'yung 4D na sinehan sa sobrang detalye, mas malinaw pa sa kinabukasan ko 'yung panaginip ko. Maniniwala na talaga ako na ito talaga 'yung outside world. Isa lang 'yan sa mapaglarong tumatakbo sa isip ko.

"Hindi ba, ate Erica, ang sabi mo kaya mo ako nilapitan at nagpakita sa panaginip ko ay para humingi ng tulong sa akin? At ang sabi ko naman sa'yo na tutulungan kita sa aking makakaya."

"Pasenya ka na, Cheska. Hindi ko alam kung paano kita pasasalamatan dahil sa kalagayan ko. Wala na ako sa mundo niyo ni Seb, kaya hindi ko alam kung paano ako makakabawi sa'yo."

"Huwag mo na isipin 'yan, ate. Ang mahalaga magawa natin ng paraan ang gusto mong iparating kay Kuya Seb. Magtiwala ka lang sa akin, ate Erica, tutulungan kita. Sabihan mo lang ako kung ano ang dapat kong gawin at ako na ang bahalang makalapit sa kaniya."

"Salamat, Cheska."

Sa mga ilang linggo rin naming pag-uusap ni ate sa panaginip ko at nilatag niya lahat ng plano niya para makausap ko si Seb. Na-i-kuwento rin akin ni ate na simula raw nang magising si Seb ay nagpaparamdam daw siya rito. Medyo ang creepy ni ate sa sinasabi niyang paramdam. Pero sa bagay, kung si ate lang pala ang magpaparamdam o mag mumulto sa'kin ay ayos lang, no! Hindi ka na lugi dahil masyadong maganda si ate.

Ang sabi pa ni ate, sinimulan na raw niya makapasok sa panaginip ni Seb at nagparamdam dito. Pero ang sabi niya kinontrol niya raw ang panaginip ni Seb sa pamamagitan ng hindi niya pagpapakita ng mukha. Ayon pa kay ate ang nagagawa niyang pagpasok sa panaginip ng iba ay hindi lang basta ordinaryo. Bukod sa kaya niya kontrolin at manipulahin ang panaginip mo, kaya niyan rin ipakita sa panaginip mo ang nangyari sa'yo noon o sa makatuwid ay naibabalik din niya ang mga pangyayari tapos na o naganap na.

When He Stared At The Moon (PUBLISHED UNDER UKIYOTO PUBLISHING HOUSE) Where stories live. Discover now