Kabanata 9

48 13 6
                                    

"Parang ang tahimik mo ngayon, ah?" Pambasag nito sa katahimikan. 

"Hindi naman," anas ko. Hindi ko pa rin kasi maintindihan. Kaya para tuloy akong lutang at hindi makausap ng maayos.

Hanggang ngayon naalala ko pa rin kasi 'yung napanaginipan ko noong isang gabi. At hanggang sa sarili kong panaginip nagagambala ako. Sobrang naguguluhan na ako sa misteryong bumabalot sa pagkatao ko. Mas lalo lang tuloy ako nag-iisip.

"Huy!" Nagulat ako nang sikuhin ako ni Erica.

"H-ha?" tugon ko. Tila nawawala na ako sa sarili ko. Ay mali. Wala na talaga ako sa sarili.

"Bangag ka ba? Imposible naman na kulang ka sa tulog?" Kumunot ang noo

Nilagay niya ang kamay niya sa kaniyang baba. "Hmmm... 'Di ka naman puyat dahil araw-araw tayong nagkikita sa panaginip mo." 

"Hindi kaya..." Lumingon ito sa akin at tumitig sa akin ng nakakadudang tingin.

"Ano 'yon?" Napatingin ako sa kaniya ng seryoso. "Haysst! Wala!" Umiwas ito ng tingin. 

"Ano nga 'yon?" Pinandilatan ko siya.

"Baka kasi may hang-over ka sa reality," sagot niya. 

"Sira! Hindi naman ako lasenggero at isa pa, bakit naman ako mag-iinom? Bawal nga sa akin 'yon!" saad ko naman.

"Sabi ko nga, eh. Hindi ka nga na hang-over." Napakamot ito sa ulo. 

"Pero bakit parang ang tahimik mo? feeling ko tuloy nasa reality na rin ako."

Sana nga, Erica. Kung alam mo lang. Mas okay kung kasama kita sa realidad. 

"Huwag ka mag-alala wala pa tayo sa outside world," pabiro kong sagot.

"Mukhang ayos ka naman. Ayan, oh! Lakas mo nga mang-alaska!"

"Sakto lang, slight lang." ngumisi lang ako.

"Parang ewan! aanhin mo pa ako rito sa panaginip mo kung hindi mo rin naman pala sasabihin sa akin kung ano yung bumabagabag saiyo."

Sasabihin ko ba sa kaniya? Baka sakaling matulungan niya ako, tutal siya na rin nagsabi matutulungan niya ako maka-alala. Baka 'yung babaeng nasa panaginip ko ay kilala niya, na may kinalaman sa buhay ko.

"Basta diyan ka lang sa tabi ko, Erica. swak na swak na ako!" saad ko at ngiinitian ko ito. 

"Hindi na ako nagbibiro, Seb. May konting naalala ka ba? O may gusto ka bang sabihin sa akin o kahit tanong lang?"

"Ano ba 'yon?" Serysosong-seryoso ang ekspresyon ng mukha ni Erica. Tila ba'y alam niya na may gusto akong sabihin? 

"O teka. Bakit parang alam mo 'yung sasabihin ko?"

"Wala naman akong alam!" agad na sagot nito.

"Ang defensive mo naman!" pang-aasar ko.

"Ano ba kasi 'yung iniisip mo? Halatang-halata kaya na may iniisip ka. Nag-aalalaa lang naman ako sa'yo. Baka mamaya niyan bumalik na naman yung walang gana sa buhay na Seb na una kong nakilala,"

"Ang gusto ko lang naman ay matulungan ka," dagdag pa nito.

"Napanaginipan ko ulit siya..." panimula ko.

Titig na titig si Erica sa akin. "S-Sino?"

Nagtama ang aming mga tingin. "'Yung babaeng napanaginipan ko noon, bago ka pa dumating sa panaginip ko," diretso kong sagot.

When He Stared At The Moon (PUBLISHED UNDER UKIYOTO PUBLISHING HOUSE) Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ