Kabanata 26

48 4 1
                                    


MOMMY MHERYLL PEREZ

"H-hello? Tita... S-si Seb po–" nanginginig at basag ang boses ni Cristine sa kabilang linya. Hindi ko inaasahan na bigla-bigla na lang akong nakakaramdam ng kaba nang sinagot ko ang tawag ni Cristine. Para bang may masamang nangyari.

"Anong nangyari kay Seb? Pagputol ko sa kaniya. Agad akong kinabahan dahil sa tono ng boses niya lalo na nang binanggit niya si Seb. Mas lalo pa akong kinutuban ng masama dahil hindi ito agad nakasagot. Baka may kung anong hindi magandang nangyari sa anak ko. Kanina lang ay masama na ang pakiramdam ko at hindi ko alam kung saan nanggagaling ang matinding kaba na nararamdaman ko.

"T-tita si S-Seb p-po... S-si Seb... tita... Naaksidente po sila ni Erica."

"Nahulog po sa bangin ang sinasakyan nilang kotse!" Hagulgol ni Cristine. Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ko ang sumunod na sinabi niya. Hindi ko alam kung anong gagawin ko dahil mas lalong kumakalabog ang dibdib ko.

Mababaw lang ang aking mga luha kaya agad akong napahagulgol sa mga narinig ko. Aligaga ang mga kilos ko at padaskol kong kinuha ang mga gamit ko. Madaling-madali akong lumabas ng bahay at agad na dumiretso sa garahe.

"Nasaan kayo? Nasaan si Seb? Anong nangyari sa kaniya?" sunod-sunod kong tanong. Walang ibang pumapasok sa isip ko Kundi ang mga sinabi niya na naaksidente Si Seb. Lutang at wala sa sarili. Hindi ko alam paano ko sisimulan. Nanginginig ang aking mga tuhod habang papasok ako ng sasakyan.

"Tumawag na ba kayo ng ambulansya? Saan ang eksaktong lugar naaksidente si Seb?" Dire-diretsong anas ko. Hindi ko na alam kung ano pang lalabas mula sa bibig ko ang mahalaga ay makapunta agad ako sa anak ko.

"Pupuntahan ko kayo agad. Tatawagan ko lang si Kathleen pero mauuna na ako."

"Nasa ospital na po kami nila Billy."

"Ayos lang ba si Seb? Si Erica?" Pinipigilan ko ang mga luha ko na huwag umiyak dahil mas lalo akong nanghihina kapag nag panic ako lalo.

"Tita...S-si Erica po kasi–" Tuluyan ng binalot ng tensyon ang buong katawan ko.

"Anong nangyari kay Erica? Okay lang ba sila ni Seb? Okay lang ba sila ha?" nagpapanic na tanong ko sa kaniya. Hindi na ako mapakali pa rito sa loob ng kotse at halos nanlalamig na rin ang aking buong katawan.

Tila ako nangangatog dahil sa mga kamay kong nanghihina. Mas lalo akong kinakabahan sa mga sinasabi niya. Halos humagulgol na ako kakaiyak. "Tita... W-wala na p-po si... Si Erica," humihikbing anas nito.

Na-estatwa ako sa kinauupuan ko. Naalala ko ang anak kong Seb, paano kung may masamang nangyari sa kaniya? Paano kung masama ang lagay niya?

Napatuptop ako sa aking bibig, Kung ano-ano na ang bumabagabag sa isip ko.
Mas lalo pa akong napahagulgol ng iyak nang marinig kong wala na si Erica. Erica is dead!

Jusko! Huwag naman sana mapahamak ang anak ko! Hindi ko kayang mawalan ng anak, hindi ko na kaya pang mawalan ng minamahal sa buhay.

"Patay na po si Erica..." mahinang anas nito sa kabilang linya at manginignginug pa. Naririnig ko ang kaniyang mga hikbi kahit mahina lang ang boses niya.

"Jusko! Kumusta na ang anak ko?!" tumaas ang tono ng boses ko sa labis na pag-aalala.

"Nasa kritikal po na kalagayan si Seb at wala pa po kaming balita sa lagay niya. Dinala na po si Erica sa morgue. She's dead-on arrival, Tita".

"Hindi ako makapaniwala na si Erica. Hindi ko alam na ganito ang magiging kahihinatnatan nila. I'm out of words. Naninikip ang dibdib ko dahil sa mga nalaman ko. Huwag naman po sana pati ang anak ko ay mawala. Hindi kakayanin!

When He Stared At The Moon (PUBLISHED UNDER UKIYOTO PUBLISHING HOUSE) Where stories live. Discover now