chapter 24

1.9K 34 4
                                        

* Mr. NERD meets Ms. NERD

- are they compatible?

Written by Purple Raindrops

*Lhian/MeAndMyStories*

C H A P T E R 24

** ayeah! Salamat po sa mga nagbasa nito. :))

*Courtney's Pov*

Kinakabahan ako habang hinihintay ang sagot nya. Natatakot ako. Sana panaginip lang to. Sana di totoo ang narinig ko.. Sana ----

" Oo, tama nga ang narinig mo. " napapikit na lang ako para pigilan ang mga luhang pilit tumutulo. Masakit na marinig. " Pinagpupustahan ka lang namin ng boyfriend ng pinsan at bestfriend mo. Bakit? Akala mo ba may magkakagusto sayo? Haha. Tanga na kung meron man o di kaya bulag! " di ko inaasahang maririnig ko sa kanya yun. Di ko talaga eneexpect na masasabi nya sa akin ang mga bagay na yun..

" Enzo.. B-Bakit? Anong kasalanan ko para gawin mo to sa akin? "

" Wala. Napagtripan lang kita! Di ko din kasalanang tatanga tanga ka at mabilis mong maniwala sa akin. Sabik ka talaga sa pagmamahal at atensyon. Poor nerd! " dumilat ako. Tiningnan ko sya ng malungkot. Ni wala syang emosyon. Nakasmirk lang sya sa akin. Di ko alam kung ano ang dapat kong sabihin sa kanya. All this time, niloloko lang nya ako. Pinaglaruan at pinaikot. Tama sina Lourenz at Natasha. Nabulag ako sa pinakitang huwad na pagmamahal ni Enzo. Ang tanga tanga ko!

Nilapitan ko sya at walang babalang sinampal sya. " Minahal kita pero bakit? Dahil ba nerd ako? Dahil ang baduy kong pumorma? "

" Oo dahil ganun ka! Dahil di tayo bagay! Dahil kahit kelan di ako magkakagusto sayo at kahit kelan di pa ako nagmamahal ng totoo! Pare pareho lang kayong mga babae! Pakitaan lang ng maganda, nahuhulog na! Courtney, casanova always casanova! Wala pang babaeng magpapatino sa gaya ko! "

Daig ko pa ang nasampal sa mga sinabi nya. Pinapamukha nya talagang ang tanga tanga ko.. Alam ko kulang pa ang sampal sa ginawa nya sa akin pero yun lang ang kaya ko. Sana kung panaginip lang to, magising na ako! Masakit talaga! Masakit malaman ang totoo. Minahal ko sya ng totoo dahil akala ko mahal nya ako.

Napansin kong unti unti nang dumadami ang mga estudyanteng pumapasok kaya pinunasan ko ang mga luha ko.. Lumayo ako ng konti sa kanya. Ni wala akong makitang awa o concern sya sa akin. Ano pa ba ang aasahan ko di ba?

Hiya, sakit, halo halong emosyon ang mga nararamdaman ko. Hiya kasi di naman pala totoo ang mga ginagawa nya tapos ako, parang tanga na kinikilig at tuwang tuwa. Sakit dahil niloko nya ako at pinaasa.

Kung magsosorry sya at hihingi ng second chance, maari ko syang patawarin pero i know niloloko ko lang ang sarili ko at pinaasa dahil di naman yun mangyayari sa nakikita ko sa kanya ngayon.

" Sige. Una na ako sayo. May pasok na kasi ako. " tumalikod na sya sa akin. Yun lang yun? Andali lang talaga sa kanya ang mga nangyayari! Parang wala lang talaga ako. Walang konsensya at puso.

Gusto ko syang habulin pero nagmumukha na akong ewan nun. Kahit sa huli, dapat me matira pa ako para sa sarili ko. Kahit konti bigyan ko ng awa ang sarili ko. Kahit yun na lang ang matira sa akin.. Wala na akong natira para sa sarili ko dahil lahat nun binigay ko kay Enzo pero nauwi sa wala ang lahat.

Kung nakinig lang ako sa kanila, di mangyayari to. Kung di ako nagpasilaw sa pinakita nya, di hahantong sa ganitong masasaktan ako. Sa huli nga talaga ang pagsisisi.

Oo na! Tama na kayo! Pero masisisi nyo ba ako? Nagmahal lang ako at kahit sino namang tao na pakitaan ng ganun ni Enzo, mahuhulog sa kanya lalo na kung di nya alam ang tunay na pagkatao nito. Wag ka ng magmalinis! Hmp. Naiinis ako sa sarili ko dahil sa katangahan ko. T.T

Mr. NERD meets Ms. NERD - are they compatible?(COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora