chapter 31

1.8K 26 3
                                        

Mr. NERD meets Ms. NERD 

- are they compatible? 

Written by Purple Raindrops

C H A P T E R 31

*Enzo's Pov*

Ngayon ko lang napansin na ang cute ko pala? HAHAHA. Baby face. Di lang gwapo, cute pa! WAHAHAHA. May aangal ba ba?! XDDDDD

Sinuklay ko ang buhok ko habang nasa harap ng salamin at tiningnan ang kabuuan ng mukha ko. Whew!

Nagpogi sign ako sabay sabi, " Etong mukha na to ang kinahuhumalingan ng lahat ng mga babae sa school namin. Hahaha. " Ok. Mukha na akong tangang kinakausap ang sarili ko sa salamin.

Nagsasabi lang naman ako ng totoo. Di ako mayabang OK?! Wag ng umangal kasi dyan!!! :P

Tatlong linggo na ang nakalipas simula nung wala na kami ni Courtney. This week, halos di ko na sya gaanong nakikita pati nung kaibigan nyang AMASONA. Bakit kaya?! Teka nga! Wala akong pakialam sa kanila. Pft.

Pssh. Why do i have to think of that girl?! Hay naku! Makapasok na nga sa Westbridge.

Tutal mabait ako ngayon, dumaan muna ako kina Jude dala ang kotse kong black ferrari. Isasabay ko na sya papuntang school. Trip ko lang.. Mabait kasi ako ngayon..

Nyak! Parang sinabi ko na ring masama ako. Bwahahaha. Laptrip Bro!

*beep beep*

Busina ko. Di naman nagtagal lumabas ang kumag. Mukha pang bagong gising. 8am na kaya ng umaga. Tsk. Tsk. Malala talaga tong Jude sa akin kung magising.. Brokenhearted nga pala ang loko.

" Ikaw lang palang sira ka. Ingay mo! Bakit ba? Natutulog ang tao eh. " kamot nito sa ulo nya.

" Friday ngayon. Gala tayo ni Ice. Saka pwede ba? Umayos ka nga! Daig mo pa ang namatayan ah! Magmove on ka nga sa Kenny na yun.. Kung ayaw na nya sayo, hayaan mo! Wag mo ng ipilit kung ayaw na.. "

" Game ako sa galaan pero sa sinasabi mong tigilan ko na si Kenny, di ko gagawin yun! Saglit lang, magbibihis muna ako. "

After 15minutes, lumabas na sya at mukhang nagbihis lang talaga. " Hoy! Nagbihis ka lang? Nagmumog ka ba? Naligo? " tanong ko nung patalon syang umupo sa kotse ko.

" Sus. Wag ka ngang maarte tol! Mabango pa rin naman ako kahit di ako nagmumog at naligo! HAHAHA. "

Sira talaga tong si Jude. Napa-Eww na lang ako! Nakakadiri!

Sa Westbridge.

Naglalakad kami papasok ni Jude sa hallway. Ang tanga lang eh? Alangan namang tatakbo?! >:D Nang makasalubong namin si Ice. Mukhang masaya tumakbo sa amin.

" What's up Ice! " nag-apir kami at pinagtama ang kamao.

" Grabe! Ganda ng nangyari kahapon sa akin. Haha. " parang baliw. Tatawa e, wala namang nakakatawa. Lakas ng tama ng lalaking to talaga.

" Ano naman? " usyosong tanong ni Jude.

" Basta. Mga ganung bagay, di pinagsasabi. Haha. Ganyan ang gentleman, Bro! "

" Baka gentledog? " -Ako " Aray! Ano ba? Bat mo ako binatukan? "

" Sira! Di ako aso. "

" Adik to! Dinaanan ka namin sa inyo ah? Wala ka dun.. "

" Natural! Dito ako eh. " ako naman ang bumatok sa kanya. Ang kulit! Akala mo kung sinong tahimik, makulit din pala!

" Mga sira kayong dalawa. Tama yan! Baka tumino na ang mga ulo nyo sa kakabatok nyo sa isa't isa. Haha. " singit naman ni Jude.

Mr. NERD meets Ms. NERD - are they compatible?(COMPLETED)Where stories live. Discover now