* Mr. NERD meets Ms. NERD
- are they compatible ?
C H A P T E R 16
Di alam ni Blue kung tama etong ginagawa nya na nagpapanggap na ibang tao gamit ang facebook at kunwaring di nya kilala si Courtney. Dahil na rin siguro sa hiya kaya nya yun nagagawa.
Tutok na tutok ang mga mata nya sa laptop nya kung saan account ni Courtney ang nasa screen.
Kanina pa nakalog out si Courtney pero di pa rin siya natitinag sa pagtingin sa account nito.
Parang nahuhulog na nga talaga ang loob nya rito dahil sa pinapakita nyang pag.aalala. Di naman kasi mahirap mahalin si Courtney sapagkat mabait eto kaya siguro madaling siya ibully ng mga tao sa Westbridge.
" Blue, sa harap ka naman ng laptop mo. Nakung batang to! Di ka ba nasasawa dyan! " galit na sabi ng mama nya sa kanya. Nakasanayan na rin nyang pagalitan sya ng mama nya dahil sa pagkaka.adik nya sa computer.
" May sinisearch lang ako Ma. " pagsisinungaling nya.
" Search search ka dyan! "
" Mama talaga.. Teka Ma, " tumayo si Blue at lumapit sa mama nya.
Pagtataka ang nasa mukha ng mama nya. " Bakit? "
" Yung kay Frex.. Galit ka pa rin ba sa mama nya? " mukhang naoff guard ang mama nya sa biglang pagtanong nya nito.
" B-bakit mo natanong yan? " tumingin sa ibang direksyon ang mama nya.
" Kasi napakatagal na ng panahon nang di na kayo nag.uusap ng mama nya eh. Siguro naman its about time para magbati na kayo.. "
" Blue, pinagbigyan na nga kita kay Frex kaya wag kang umasang yan ay pagbibigyan ko. " tumalikod ang mama nya pero nagsalita muli si Blue.
" Ma, alam kong masakit tanggaping wala na si tito pero di naman nya kasalanang mawala ang kapatid mo eh. Kung nawalan ka ng nakakatandang kapatid, nawalan din sya. Nawalan sila ni Frex, nawalan ng ama at maging ng mga kapatid nya. Di pa ba sapat na naghirap sila dahil sa ginawa ng mga magulang nyo? Nagmahal lang naman sila.. " tumigil saglit ang mama nya pero agad ding naglakad ulit. Napailing na lang si Blue dahil dun.
Simula ng mag.asawa ang magulang ni Frex, tinakwil ng lolo ni Blue ang tito nya dahil di nila matanggap na nag.asawa eto ng mahirap at sinaway sila nito.
Namatay ang papa ni Frex dahil sa sakit na cancer. Maagapan sana eto kung napagamot agad kaya lang walang pera nun na pampagamot ang asawa niya. Ang magulang din ng mama ni Blue ay tinikis ang anak na may sakit. Hanggang sa huling sandali nito ay di man lang nila tinulungan hanggang namatay na rin ang mga magulang nito.
Laking pasalamat pa rin ni Blue na sa kabila ng lahat, pinayagan sya na makilala ang pinsang si Frex kahit na di pa rin matanggap ng mama nito ang katotohanan.
(a/n: ang gulo ko talaga! Pov na naman. :D Pasensya na.. Pov na talaga gagamitin. Swear. <3)
< Enzo's Pov >
Ibig kong matawa sa ginawa ko.. Sa pag-a-advice sa kapatid kong si Irish. Well, im not really good in advices lalo na kapag tungkol sa love.
Di ko nga inaasahang makapagsasalita ako ng ganun sa kapatid ko.
Napailing na lang ako. Me matino rin pala akong nasasabi. Haha. Papunta ako ngayon sa tambayan namin. Medyo madalang na rin ang pagpunta ko dun kaya papasyal muna.
Pagkapasok ko, nakita ko sina Jude at Ice. Himala. Kumpleto ulit kami ngayon.
" Naks! Kumpleto tayo ngayon ah? At mukhang seryoso kayong dalawa dyan ah. " ang bungad ko sa kanila.
YOU ARE READING
Mr. NERD meets Ms. NERD - are they compatible?(COMPLETED)
RomanceIsang nerd na nainlove sa lalaki na pinaglaruan lamang sya.. Pinagpustahan. Masakit di ba? FACEBOOK ACCOUNT: ENZO: https://facebook.com/enzo.perez.50767 COURTNEY: https://facebook.com/courtney.torres.794
