* Mr. NERD meets Ms. NERD
- are they compatible?
Written by Purple Raindrops
C H A P T E R 20
* hirap pagsequel. Mahirap makalimutan. XD visit this page for more stories of mine. :) http://m.facebook.com/KiligMomentsAndPerfectMatch?refid=17&m_sess=soDtnS7C-orz_MPs6&ref=wizard salamuch po! (:
< Enzo's Pov >
" Haha. Bro, paano ba yan napasagot ko sya! " ang masaya kong pagbabalita kay Ice. Pumunta ako sa hilera ng mga tindahan ng pagkain, snacks at pangmerienda para ibili si Courtney ng pagkain sabay tawag sa kanya. Panalo ako sa pustahan kahit medyo sablay tong dalawa kong kaibigan, okey na rin dahil ibibigay pa rin nila ang napanaluhan ko kahit tagilid pa sila. Yuhoo!
" Enzo, tigilan mo na yan. Di ka ba takot sa karma? Bago pa mangyari sayo yan eh itigil mo na.. " sabi nya sa kabilang linya. Sarap kutusan tong yelo na to! Karma na naman daw. Di ba sya nagsasawa sa kakasabi nun sa akin. Tumawag ako sa kanya para ibalita yun hindi para makinig sa word of wisdom nya. Naku! Psh! Mga weirdo talaga tong mga barkada ko simula nung naging committed sa babae eh naging ganito na. Tss. Ibang iba sa nakasama at nakilala ko. Isuntok ko sa kanila ang karmang sinasabi nila eh! Ilang beses ko bang sasabihing di ako takot dyan. Pft.
" Karma? Di yan uso sa akin tol! " matapos kung bumili ng pagkain, umalis na ako roon.
" Tss. Believe me, iba ang tama ng karma! Baka di mo kayanin. " Iba na talaga tong tama ni Ice. Kung anu ano na ang pinagsasabi. Pinagtawanan ko na lang sya. Nakakatawa naman talaga ang sinabi nya eh.
" Whatever bro. Oh sya! Kita na lang tayo sa school days. I have to go. " kelangan ko ng ibaba ang tawag dahil baka iniintay na ako ng girlfriend ko kuno. Haha. Di ko keri ang title na yun.
" Okey! " pahabol ding nyang sagot sa akin bago ko ini-end ang tawag.
Bahagya pa akong lumingon sa mga hilera ng tindahan habang nililisan ang lugar na yun, pakiramdam ko kasi may nagmamasid sa akin kanina habang nakikipag-usap ako kay Ice. Hmm, pakiramdam ko lang siguro yun.
" Hi sweetcake! " malambing kong tawag sa kanya nung natanaw ko syang nakaupo sa isa sa mga benches. Lumingon sya at ngumiti sa akin.
*dub.dub.dub*
Hala? Ano yun? Eto na naman po ang weirdo kong nararamdaman. Di pa rin ako tinitigilan. Ano ba talaga to? Di maexplain eh! Basta na lang sumusulpot.
" Ang tagal mo naman. :) " i shrugged na lang and nilapitan sya ng husto. Kung ano man ang nararamdaman ko ay ikinibit balikat ko na lang, ang mahalaga, i WON! Kahit ano man ang sabihin ng mga kaibigan ko, ako pa rin si ENZO na pinakamatinik sa chix, ang sikat na CASANOVA ng WESTBRIDGE COLLEGE at walang makakaagaw nun. *evil smile*
" Ahm, sorry, tumawag kasi ako kay Ice to inform na tayo na. :) " magiliw kong sabi tapos inakbayan sya. " By the way, eto pala binili ko para sayo. " binigay ko sa kanya ang binili ko.
" S-salamat. Ang sweet mo naman.. " ngumiti sya tapos yumuko. Waring nahihiya sa akin. May part sa akin na parang totoo tong pinapakita ko, na im very nice to her. Nahahawaan na ata ako ng pagkaweird ng mga kaibigan ko.
And everytime i saw her smile, meron feeling na di ko mapangalanan kung ano yun. Her smile was genuine. Eto yung ngiting alam mong totoo, na masaya sya.
< Courtney's Pov >
Nung sinagot ko si Enzo nung araw ng sabado na yun. Ang saya, ang saya ko. Di ko maipaliwanag. Hindi dahil sa una ko syang boyfriend kundi yung feeling na yung time at atensyon na di ko nakukuha sa parents ko, sya ang pumuno. I dont know. Basta yun ang nararamdaman ko. I feel really special kahit nerd ako para sa kanya. Alam ko na medyo maaga pa talaga para sagutin ko sya pero nakikita ko naman na pinapakita nyang seryoso sa akin. He always makes me happy. Makes me smile. Makes me special.
YOU ARE READING
Mr. NERD meets Ms. NERD - are they compatible?(COMPLETED)
RomanceIsang nerd na nainlove sa lalaki na pinaglaruan lamang sya.. Pinagpustahan. Masakit di ba? FACEBOOK ACCOUNT: ENZO: https://facebook.com/enzo.perez.50767 COURTNEY: https://facebook.com/courtney.torres.794
