Mr. NERD meets Ms. NERD
- are they compatible?
Written by Purple Raindrops
E P I L O G U E
*part 2*
Pagkarating ko ng Pilipinas, una at agad kong pinuntahan ang bestfriend ko sa kanilang bahay. Si Lourenz. Graduate na rin sya gaya ko sa kursong Culinary. Nagulat sya nung makita ako, hindi nya marahil ine-expect na makikita ako. Lalo syang gumanda dahil she looks very feminine ngayon unlike before na may pagka-boyish kung kumilos.
" I miss you, Bhessy! Ang tagal mong nawala ah! Wala kami natanggap na balita tungkol sa nangyari sa'yo simula nung umalis ka. Ano ba ang nangyari at hindi ka agad umuwi? Kamusta ka na? Okey ka na ba? Yung mga mata mo? " niyakap nya ako. Gumanti din ako ng yakap sa kanya. Namimiss ko talaga ang bestfriend ko. Sobra! Wala kasi akong gaanong close dun sa states nung nag-aaral pa ako.
" Okey na ako. Successful naman ang naging operasyon sa mga mata ko. Laking pasalamat ko nga sa Diyos eh. Namimiss din kita, Bespren! Basta! Mahabang kwento kung bakit hindi agad ako nakauwi eh pero ang mahalaga nandito na ako. Di ba? Kamusta ka na pala? Kayo pa rin ba ni Ice? " ngumiti sya sa akin saka tumango.
" Okey naman ako. Eto, kahit papaano nakaraos sa apat na taong pagsusunog ng kilay. Oo eh, kami pa rin. Hehe. " kiming tawa nya.
" Wow! Consistent ah. Mahal nyo talaga ang isa't isa noh? " saka naman dumating si Ice.
" Bhabe, may bisita pala kayo. " dinig kong sambit nya kahit hindi pa sya tuluyang nakarating sa sala. " Kaninong kotse ang nasa labas? " napatingin sya sa akin na nakaupo sa sofa na gulat na gulat at parang hindi makapaniwala sa nakita. " Courtney? Ikaw ba yan? Long time no see ah! Kamusta ka na? Ang tagal mong nawala and.. you look great! Gumanda ka lalo. Akala ko, tuluyan ka ng alam mo na kaya hindi ka na nakabalik dito sa Pinas agad. " lumapit sya sa amin at hinalikan si Lou sa pisngi saka umupo din sa sofa.
" Long story, Ice. Pero okey na ako, yun ang mahalaga. "
" Sabagay, tama ka. Sayang at wala na si Enzo dito.. " doon bumalik ang dahilan kung bakit ako bumalik dito sa Pinas. Nabuhay ang curiosity ko sa sinaad nya at tinanong ko sya.
" What do you mean, Ice? "
" Nasa Baguio kasi sya ngayon at nagtatrabaho. Simula nung nag-graduate kami, dun sya pumunta hanggang sa makahanap na sya ng trabaho. Sabi nya, may mga masasayang moments daw kayo dun kaya pinili nyang dun pumunta at manatili. In short, hinihintay ka nyang magkita kayo at umaasa syang babalik ka dito sa Pinas. Mahal ka pa rin nya, Courtney. "
" Talaga? " hindi ko napigilang ngumiti sa sinabi ni Ice. Mahal pa rin ako ni Enzo. *_______*
" Oo, tour guide ang trabaho nya dun.. Forever alone nga ang peg ng casanova na yun dun eh. Haha. Sa maniwala ka at sa hindi, kahit wala ka dito, never syang nagsyota ng iba. Ganun ka talaga nya kamahal ng ugok na yun. Deads na deads sa'yo. Iba talaga ang epekto ng pagka-nerd mo sa kanya. " may biglang pumasok sa isip ko nung sinabi ni Ice ang mga yun.
" Pumunta kaya tayo dun! Tayong lahat na magbabarkada. I'm sure, enjoy yun! Pwede magdala ng ibang friends na kakilala. The more, the merrier daw eh! " patayong sabi ko sa dalawang mag-couple. Kuntodo ngiti pa ako habang inanunsyo yun sa kanila.
" Seryoso ka? Hindi mo alam ang sinasabi mo.. " sagot ni Lou sa akin.
" Oo, my treat pa nga eh! Para pangbonding na rin natin yun. Ano? Game kayo? Ang tagal ko rin naman kasing di nakakapunta dun eh.. "
" Kelan naman? Mukhang maganda nga yang iniisip mo.. Isasama ko si Jude tutal pinsan mo naman yung gf nya eh. I'm sure magugulat at sasaya si Enzo kapag nakita ka nun.. "
YOU ARE READING
Mr. NERD meets Ms. NERD - are they compatible?(COMPLETED)
RomanceIsang nerd na nainlove sa lalaki na pinaglaruan lamang sya.. Pinagpustahan. Masakit di ba? FACEBOOK ACCOUNT: ENZO: https://facebook.com/enzo.perez.50767 COURTNEY: https://facebook.com/courtney.torres.794
