Mr. NERD meets Ms. NERD
- are they compatible?
Written by Purple Raindrops
C H A P T E R 49.3
*Enzo's Pov*
Akala ko ay di ko na mararanasan 'to. Akala ko ay mananatili na lang akong tinatakbuhan ang nakaraan ko. Pilit tinatakasan at ayaw harapin. Ayaw maka-move on pero mali ako dahil nang nakilala ko si Courtney, lahat nagbago yun. Madaming nagbago sa akin. Hindi, mali pala ako. Nagbalik pala ang dating Enzo nung simulang mahalin ko sya. Higit pa yata sa dating Enzo eh. Tinuruan muli ako ni Courtney na magmahal ng totoo.. na wag matakot na masaktan. Pinakita nya sa akin na kahit nasaktan na ako, di dapat ako tumigil na magmahal dahil parte yun ng LOVE. Di ka matututo kung di ka nasasaktan. Well, i guess God planned all of this. Sa pustahan.. Yung tungkol kay Febbie. Naghiwalay kami ni Febbie kasi hindi pala kami ang para sa isa't isa. Kasi may nakalaan pala para sa akin at yun ay si Courtney. Maaga pa para sabihin yun pero dama ko lang. Di ko sya gustong tawaging si Ney. Si Ney kasi ibang tao. Ibang personality. Hindi sya ang minahal ko kundi si Courtney na NERD na may makapal na salamin.. na manang kung manamit. Baduy. Jologs. Yun ang minahal ko. Hindi yung bago nyang itsura. Alam ko, kinain ko na ang lahat lahat ng mga sinabi ko dati. Ganun talaga eh. Karma nga talaga. Good karma nga lang ang nangyari sa akin! But di ko naman pinagsisihang nangyari yun sa akin. Nagpapasalamat pa nga ako kung di namin pinagpustahan si Courtney, malamang di ko makikilala ang babaeng muling magpapatibok ng puso ko. Mais ano? Di naman. Nagsasabi lang ng totoo. :)
" Oh? Ano sabi ng doktor, Sweetcake? Ano daw dahilan kung bakit nagiging mahiluhin ka? Imposible namang buntis ka eh, wala namang nangyari sa atin nung nakaraang buwan. Hahaha. De joke lang, Sweetcake! " pabiro kong sabi sa kanya nung lumabas sya sa kwarto ng doktor sa hospital. Pumunta kasi kami dun pagkatapos ng isang araw na pahinga galing Baguio. Ipapa-check up daw nya ang pagiging mahiluhin nya nitong nakalipas na araw. Kung talagang may nangyari sa amin ni Sweetcake, iisipin ko talagang buntis sya pero wala namang nangyari eh kaya malabong buntis sya. Scratch that thing. Tss. -______-
Nagtaka ako dahil di nya kinagat ang biro ko, sa halip ay tiningnan lang nya ako ng seryoso ang mukha. Bakit? O_O
" May problema ba? Ano ba ang sinabi ng doctor at ganyan ang mukha mo? " hinawakan ko ang magkabilang balikat nya.
" Enzo.. Enzo, mabubulag ako. Di na ako makakakita! Mabubulag na ako! " nagulat ako sa sinabi nya. Parang tumigil ang ikot ng mundo ko. Ano 'to? Biro? Di magandang biro.
" A-Ano ka ba naman, Sweetcake! Kung makapagbiro ka naman eh, seryosong seryoso. Paano ka naman mabubulag eh, wala namang nangyari sa iyo. Ikaw talaga! " i tried to teased her. Gusto kong paniwalain ang sarili ko na joke lang yun. Na nagbibiro lang pala sya.. Kaso di sya tumawa o ngumiti man lang. Problematic lang ang reaction ng mukha nya. Wala akong nagawa kundi ang yakapin na lang sya. Ipadama na kahit ano ang mangyari, andito lang ako sa tabi nya.
" Di ako nagbibiro. Totoo ang mga sinabi ko. Di ba dati nung tinanong mo ako kung bakit nung high school pa ako eh ay wala naman akong salamin tapos sinabi ko ay mahabang kwento yun.. Enzo, naaksidente ako dati at naapektuhan ang mga mata ko dahil sa nangyari na yun. Inoperahan ako pero kelangan kong magsuot ng salamin to protect my eyes.. Dahil malabo na ang vision ko. Kanina.. Kanina sabi ng doktor, nakita nya na may kumplikasyong nangyari sa operasyon last 4years ago sa akin at may tendency daw na tuluyan ng mawala ang paningin ko at mabulag ako kapag di naagapan ito. Yung panlalabo at panghihilo, sign daw yun. N-Natatakot ako, Enzo. Paano kung tuluyan nga akong mabulag? Paano na lang ako, tayo? Natatakot ako, E-Enzo. " any moment, papatak na ang mga luha nya. Naaawa ako sa kanya. Di naman nya deserve ang mahirapan ng ganito eh. Okey na kami eh pero may nangyaring di inaasahan. Di ba talaga titigil ang mga pagsubok na darating sa amin? Di ba kami pwedeng sumaya ng walang ganito? Hay nakung buhay 'to! Leche talaga! Pwede namang ako na lang ang mahirapan, hindi si Courtney ah!
" Ssshh. Sweetcake, everything will be okey. Wag ka ng umiyak. Pwede pa namang maagapan di ba? Kaya wag kang mawalan ng pag-asa. Di ka mabubulag. Di ako papayag na mangyayari yun dahil gagawa ako ng paraan para makahanap ng solusyon para di ka mabulag. " i mean it. Kung ano ang kelangan at dapat para maging okey ang mga mata nya, gagawin ko. Wag lang sya mabulag. Wag lang sya mawalan ng paningin. Hinawakan ko ang pisngi nya. Namamasa na ang mga mata nya sa pag-iyak nya. Pati ako ay nahihirapan din kapag nakikita ko syang ganito. " Wag ka ng umiyak oh? Nasasaktan din ako eh.. Tahan na. Magiging okey din ang lahat. Magtiwala lang tayo at magdasal. "
" I'm sorry. Pinag-alala kita. Sana ay di ko na lang sinabi. Enzo, tara uwi na tayo. " tumalikod sya pero nahila ko agad sya pabalik sa akin dahil hawak ko ang isang kamay nya.
" Boyfriend mo ako. Ofcourse, mag-aalala ako. Walang magbabago kahit may nalaman tayong ganun. Ok? Mahal kita, Courtney. Nandito lang ako. Di kita iiwan. " niyakap ko muli sya. Alam kong nasasaktan sya. Ayaw ko lang na panghinaan sya ng loob eh.
Buhat nun, lagi na kaming magkasama. Nalaman ko din na kelangang magkaroon ng donor si Courtney ng cornea upang mapalitan ang cornea nya. Kaso wala kaming makita. Halos tatlong linggo na rin kaming naghihintay at naghahanap kaso wala talaga eh.. Nawawalan na din ng pag-asa si Courtney pero ako ang nagpu-push na wag syang mawalan ng hope.
Ngayon araw na 'to. Niyaya ko syang magsimba. Actually, palagi naman kaming nagsisimba na magkasama simula nung naging kami. Gusto ko lang magpasalamat sa KANYA sa bawat araw na nagdadaanan na magkasama kami. Nagpapasalamat ako na kahit may pinagdadaanan si Courtney, hindi NYA pinaghihintulutan na magkahiwalay kami lalo na at higit nya akong kelangan ngayon. Napapansin ko din na malimit ng lumalabo ang paningin nya, minsan nga ay di nya ako makilala kapag malayuan. Kinakabahan ako. Paano nga kung mawalan sya ng paningin? Hindi na nya ako nakikita? Natatakot din ako. Hay!
" Sigurado ka ba talagang gusto mong makita at makilala ang mga magulang ko? " tanong nya sa akin nung pauwi na kami galing sa pagsimba.
" Oo naman. Masama ba yun? Para legal talaga ang relasyon natin. Saka nakilala mo rin naman ang mga magulang ko eh kaya dapat makilala ko rin ang sa'yo.. " nginitian ko sya habang nagmamaneho ako ng kotse. Simula nung nalaman namin yun, di ko na sya pinapayagang magdrive ng kotse at pinaggagamit ng contact lens. Dating salamin nya ang muling pinasuot ko sa kanya para di lumala ang panlalabo ng mga mata nya. Hindi ko na rin sya pinapasama sa mga gig ng banda nya para di sya mapagod.
Ngumiti din sya sa akin. Ay! Kinikilig ako. Haha. Teka, akala nyo ba babae lang ang kinikilig? Mali kayo. Lalaki din kaya. Kayo talaga. :)
Nang nakarating na kami sa kanila, bigla akong kinabahan pero di na pwede umurong. Nandito na eh. Saka gusto ko talagang makilala ang mga parents nya. Gusto kong ipakita sa kanila na seryoso ako at talagang mahal ko ang anak nila.
" Handa ka bang mamatay para sa anak ko? " tanong ng papa nya. Nakaupo kaming lahat sa sofa. Kaharap namin ni Courtney ang papa at mama nya. Ano ba namang tanong yun? Gusto nya ata akong mamatay eh. Paano na lang si Sweetcake ko.
" Hindi po! " sagot ko na nakatingin sa mga mata ng papa nya habang pinipisil ni Courtney ang kamay ko.
" Aba! At bakit ang lakas ng loob mong makipagrelasyon sa anak ko kung hindi naman pala? " patay! Mukhang nagalit sa sinagot ko. >.<
" Sir, dahil nabuhay po ako para alagaan at mahalin siya, hindi po para mamatay at iwan syang nag-iisa. Mahal ko po ang anak nyo kaya di ko gugustuhing mamatay at malayo sa kanya. " natahimik ang papa nya sa sinagot ko. Tama naman ang sagot ko di ba? Kelangan ako ni Courtney tapos iiwan ko lang sya. Hmp.
Katahimikan ang namayani sa ilang segundong nakalipas. Ayaw ko namang maging bastos ako sa paningin nila. Sinagot ko lang naman ang sa tingin ko ay tama.
" You impress me. Karapat dapat ka nga sa anak ko. Sana lang ay di mo saktan ang anak ko. Wag mong sayangin ang binigay kong tiwala sa'yo.. Mahalin mo sya ng buong puso. Tandaan mo, mahal din namin ang anak namin kaya ayaw naming nasasaktan sya. " umangat ang mukha ko sa pagkakayuko sa sinambit nya.
" Makakaasa ka, Sir. Mamahalin ko po ang anak nyo at di ko sasaktan. " tumayo ako at nag-bow sa kanya bilang respeto.
" Umupo ka na, iho. And don't call me Sir again, Tito na lang. Masyado kasing pormal. " ngiting banggit nya.
" Opo, S-- ay, Tito. " parang nabunutan ako ng tinik dun ah. Nakahinga ako ng maluwag. Mabait din naman pala ang mga magulang nya. Yung mama nga nya eh pinaghanda ako ng meryenda saka dun pa ako pinakain ng dinner. Welcome na welcome ako dun. Nakakatuwa naman! Sana ay lagi kaming ganito.. Masaya. Pero, natatakot pa rin ako sa maaring pagkabulag ni Courtney.
Itutuloy..
YOU ARE READING
Mr. NERD meets Ms. NERD - are they compatible?(COMPLETED)
RomanceIsang nerd na nainlove sa lalaki na pinaglaruan lamang sya.. Pinagpustahan. Masakit di ba? FACEBOOK ACCOUNT: ENZO: https://facebook.com/enzo.perez.50767 COURTNEY: https://facebook.com/courtney.torres.794
