Mr. NERD meets Ms. NERD
- are they compatible?
Written by Purple Raindrops
C H A P T E R 38
** please, kung nabasa nyo man ang sequel neto. Wag nyo na lang po pansinin ang timeline, oras at date ng eksena. Magkaiba pa rin po to.. Though may mga parts na meron dun at dito but di nyo naman kelangang basahin yun para maintindihan ang story na to. Salamat. Enjoy reading! :)
*Courtney's Pov*
" Because I'm your knight and shining armor, Ney. "
" Huh? " Hanudaw?? Sorry. Slow ako e. Di ko gets ang sabi nya. Nyehehe.
" kasi MAHAL KITA! "
MAMAMAMAMAMAMAHAL NYA AKO? But?? Pero? Teka? Seryoso? Di nga? How can he loves me kung bago lang naming magkakilala. I mean, ok. I'm not ready lang talaga na makarinig ng ganun e. Parang pag may ganun na nagsabi sa akin, naaalala ko ang ginawa ni Enzo sa akin. Parang natrauma ako. ( _ _)
" Ahh.. Blue, baka.. "
" Mahal kita bilang kaibigan.. Kaya andito ako palagi para sayo. Di ba ganun naman talaga ang magkaibigan? Nagdadamayan sa oras ng kagipitan. " whew. Nakahinga ako ng maluwag. Parang nahimasmasan ako dun ah. Akala ko talaga, more than friends ang tinutukoy nya. Whew! Malabong mangyari din naman ata ang iniisip ko. Assuming ko naman para isiping mahal nya talaga ako na as in platonic love. Boink! Assuming na naman ako. Kaya ako niloko ni Enzo e. Tsk.
" O-Oo naman. Ganun talaga ang magkaibigan and i am very thankful na naging kaibigan kita, Blue. " nakakahiya na ganun ang iniisip ko sa sinabi nya. Naku naman! Pati kay Blue, assuming ko na. Erase! Erase! Delete!
Minasdan ko sya. Kung more than friends yung sinabi nya, di ko alam kung ano ba ang gagawin ko. Kung ano ang isasagot ko. Kaya laking pasalamat ko na di naman pala sya ng iniisip ko. Buti na lang talaga! I'm not ready pa kasi.. After of what Enzo did to me?
Akala ko, kapag nag-iba ang itsura ko, sabay ding magbabago ang nararamdaman ko kay Enzo pero hindi. Oo, mahal ko pa sya pero mas matimbang pa rin ang galit na nandito sa puso ko. Bitter marahil, oo. Move on? Nagagawa ko naman eh pero di pa tuluyan, sariwa pa kasi sa akin ang mga ginawa nya. At sa bawat araw na lumilipas, napatunayan ko sa sarili ko na talagang NAPAKATANGA KO na nagkagusto ako sa lalaki na yun. Naging bulag ako nang dahil sa kanya. Mahal ko pa nga sya pero it doesnt mean na maghahabol ako sa kanya ngayon. Kung apektado sya sa make over ko, good! Mabaliw sya sa akin! Ipaparanas ko sa kanya ang mga ginawa nya sa akin dati.
Hapon. First subject namin ng oras na yun. Wala pa ang guro kaya nagkwekwentuhan ang mga estudyante.. mga kaklase ko. Ako naman, busy sa pakikinig ng kanta sa phone ko. Inaaral ko ang tono dahil yun daw ang tutugtugin namin sa School Feast Day ngayong September.
" Alam mo ba ang latest tungkol kay Enzo? " dahil mahina lang naman ang volume ng pinapakinggan ko, narinig ko yun o baka talagang pinaparinig nila sa akin. Napaupo ako ng tuwid at simpleng nakinig sa pinag-uusapan ng dalawang CHEESE -- CHEESEmosa!
" Yup! I heard it. Di nga ako makapaniwala nung una e. "
" Agreeness 'te! " ano kaya tinutukoy nila?
" Sinong mag-aakalang marunong din palang magmahal ng seryoso si Enzo! " Wee? Tama ba ang narinig ko? Nakinig pa ako ng husto. " Infairness, maganda ang Febbie na yun kaya di nakakapagtakang nabaliw minsan si Enzo dun.. "
" Usap usapan. Sya daw ang dahilan ng pagiging Casanova ni Enzo and ngayon, bumalik eto at nakipagbalikan sa kanya. At di lang yun huh, pumayag daw si Enzo. Siguro nung una, pinahirapan nya pero talagang mahal nya si girl kaya tinanggap nya eto ulit marahil. "
YOU ARE READING
Mr. NERD meets Ms. NERD - are they compatible?(COMPLETED)
RomanceIsang nerd na nainlove sa lalaki na pinaglaruan lamang sya.. Pinagpustahan. Masakit di ba? FACEBOOK ACCOUNT: ENZO: https://facebook.com/enzo.perez.50767 COURTNEY: https://facebook.com/courtney.torres.794
