chapter 26

1.9K 33 8
                                        

* Mr. NERD meets Ms. NERD

- are they compatible?

Written by Purple Raindrops

C H A P T E R 26

*Enzo's Pov*

Bwesit! Ang sakit ng ulo ko at katawan.. Parang lantang gulay na ako sa ginawa ng gf ni Ice. Putek! Dagukan daw ba ako sa may locker room at sipain ang alaga ko. Paano kung mabaog ako? Magagamot ba ng sipa nya ang ginawa nya? Kahapon, sipa at dagok ngayon, ay ewan! Putek na amazona yun! Inabangan na naman nya ako sa may hallway at sinipa.. Kung di lang babae yun baka pinatulan ko na.. Pasalamat sya at mabait ako! Naku lang! >.< May araw din yung AMAZONA na yun! Grrr.

Lintik lang!

" Enzo, ang init naman ata ng ulo mo.. " sabi ng kasama ko ngayon. Nasa may rooftop kami. Di ko alam ang pangalan eh. Sumama lang sya sa akin. Di ko sya pinilit, kusa syang sumama..

" Ah? Babe, wala kasi ako sa mood na makipagflirt sayo. Masakit kasi katawan ko kaya kung pupuwede, umalis ka na dito.. " wala talaga ako sa mood ngayon. Ewan ko ba.. Marahil sa ginawa ng amazona na yun.. Nanghihina ako na parang pagod. Sus!

" Gusto mo, masahihin kita? Magaling ako magmasahe.. " malanding sabi nito habang nakalingkis sa akin. Hinaplos haplos pa ang dibdib ko. Kung sa ibang pagkakataon, matutuwa ako sa ginagawa nya kaso masakit talaga.. ang katawan ko. Kala nyo kung ano? Katawan lang.. Hmm. Buong katawan ko.

" Uhm, wala talaga ako sa mood eh. Next time na lang. " sabi ko ulit. Wala ako sa mood makipagkulitan sa hitad na to..

Marahan ko syang tinulak para magkaroon kami ng space sa isa't isa. Di na ako makahinga sa sobrang lapit nya eh.. " Tsk. Kainis naman.. Okey, aalis na ako. Basta call me if you want me.. " hinalikan pa ako pero umiwas na lang ako.

Ew! Asa! Mukhang paa ang echura mo 'Te kaya di kita tatawagan.. Baka nga di ko na sya maalala mamaya eh.

Nang nakaalis na sya. Huminga ako ng malalim. Whew! At lumapit sa railings, naglean ako dun at pinagsiklop ang palad ko.

Alam nyo may aaminin ako, hmm. Wait! Kapag naka100likes.(wattpad: 10votes) aaminin ko pero kapag hindi, wala akong aaminin next chapter. :D

Habang nakayuko akong nakasiklop ang mga palad ko, nakita ko sa baba ang mga naglalakad sa ground na mga iilang mga estudyante. Sari saring uri ng mga tao.. Iba't ibang personalidad. May mga kanya kanyang pinagdadaanan sa buhay.

Siguro mga 20minutes na akong nasa ganung sitwasyon ng may mapansin akong pamilyar na mukha at kilos na naglalakad dun.

Si Courtney at di sya nag-iisa. Sino naman ang kasama nya? Pinagpalit sa akin? Mukhang masaya sya ah na kasama eto.. Tss.

Di nagtagal, bumaba na ako sa rooftop. Di ko maintindihan ang nararamdaman ko.. Parang naninikip ang puso ko na di makahinga ng maayos. Di kaya may sakit na ako? Wew! Syempre wala.. Masama talaga ang pakiramdam ko sa ginawa ni Lourenz sa akin. Sino bang hindi di ba?

**

Few days later..

" Kasalanan mo to eh. " - Ice

" Kasalanan ko? Bat di si Jude ang pagsabihan mo, tutal sya naman talaga ang nakaisip ng pustahan na yan.. Lagi nyo na lang sa akin tinuturo ang mga kasalanan nyo at mga nangyayari sa atin! Porke ganito ako, ako na lang ang may kasalanan.. Ako ang may mali.. "

" Enzo.. " nagduet ang dalawa sa pagbanggit ng pangalan ko.

" Tss. " padabog akong tumayo sa upuan at akmang aalis na sa tambayan namin pero pinigilan ako ni Ice sa paghawak sa akin sa braso ko.

Mr. NERD meets Ms. NERD - are they compatible?(COMPLETED)Where stories live. Discover now