chapter 8

2.4K 50 0
                                        

Mr. NERD meets Ms. NERD

- are they compatible?

Written by Purple Raindrops

C H A P T E R 08

** Note: kung di nyo po naiintindihan kung bat me ibang character sa ibang kwento ko na nandun din sa isa kong kwento. its because pinagcoconnect ko sila.. Sequel daw tawag dun or maybe series.. At kapag certified reader kita from the start maiintindihan mo talaga mga kwento ko. hoho. xoxo.

-

*MGA BABAE SA BUHAY NI ENZO*

*Irene's Pov*

I't can be!

Di talaga maari ang sinabi ni Mavil kanina.

Si Enzo Perez? Magkakagusto sa isang nerd?

Napaka-imposible talaga! Di mga ganun ang tipo nya.

Pero bakit ganun na lang ang concern nya sa Nerd na yun? Tss.

Di ko talaga matanggap dahil isa ako sa mga pinaiyak ng Enzo na yan!

Pero sa kabila ng lahat di ako nagalit sa kanya..

Alam ko namang nung naging kami, di nya ako seseryosuhin pero ako lang talaga nag-assume.. Ako umaasa na baka seseryosohin nya ako..

Pero akala ko lang yun..

" Enzo! " tawag ko sa kanya nung nakita ko syang nasa labas ng gate ng Westbridge.

" Oh Irene! Ano meron? " sinalubong nya ako na nakangiti.

" Siraulo ka! "

" Aray ko naman! Saka di ako siraulo! " pagkasabi ko kasi nun sinampal ko sya kaya napa-Aray sya.

" Bakit ka ba na nananampal ha? Sakit nun ah! " hawak hawak pa nya ang pisnging nasampal ko. Alam kong masakit yun dahil namula eto.

" Bat concern na concern ka sa nerd na yun kahapon ha? Me gusto ka ba dun? "

Tumawa sya.. Tawang nakakaloko. 

" So yun pala ang reason kung kaya sinampal mo ako? Dont tell me nagseselos ka? Haha! Kung ano man ang dahilan kaya ako concern sa kanya nasa akin na yun at wala ka ng pakialam.. Bahala ka kung ano isipin mo sa ginawa ko kahapon. " then umalis na sya.

Ni hindi nya dineny o tinanggi man lang ang tanong ko.

" Totoo nga.. "

*Courtney's Pov*

Nakalabas na ang mga kaklase ko sa Soc.Sci maliban sa aming dalawa ng kapwa ko nerd.. Lalaki sya. Blue Hiro ang pangalan. Pinagtripan pa nga kaming dalawa na bagay daw kami dahil pareho kaming nerd.

Mga tao talaga!

Palabas na ako ng room nung tinawag nya ako.

" Courtney right? " tanong nya. Tumango ako. Nagtataka ako kung bat nya ako tinawag.

" Me kelangan ka ba sa akin? "

Nakita ko sa mukha nya ang pag-aalangan. 

" Next time na lang siguro.. "

" Ha? " ano daw? Di ko sya maintindihan.

" Wala.. Wala.. O-Okey lang ba kung maging magkaibigan tayo? " nahihiya nyang sabi sa akin.

" O-Oo naman.. Parang yun lang eh. " ngumiti ako sa kanya.

Akala ko nga nung nasa harap sya kanina ng klase, masungit ito. Ni hindi man lang kasi ngumingiti.

Mr. NERD meets Ms. NERD - are they compatible?(COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora