* Mr. NERD meets Ms. NERD
- are they compatible?
Written by Purple Raindrops
C H A P T E R 21
** this chapter was dedicated to Ms. Klea Joy. Isa sa mga readers ko. :)
*Courtney's Pov*
" Ano ka ba naman? Nahihibang ka na ba? You are really out of your mind, Courtney! Bakit ba hindi ka nakikinig sa amin? Casanova sya at kahit kelan di na yun magbabago, ano ka ba! Baka lokohin ka lang nya! Kahit barkada pa sya ni Ice, you are not excempted. " -_- okey? Kanina pa sya sermon ng sermon sa akin. Mga 30 minutes na simula nung sinabi ko yun. Nakakasakit na ng ulo at tenga! >_< Bakit ba ang daming against sa amin ni Enzo? Wala naman kaming ginagawang masama eh. :/ Naging kami lang pero kung pagsabihan nila/niya ako eh parang ang bigat bigat ng ginawa kong kasalanan.
" Pero bhest, mabait sya. Di nya gagawin ang sinasabi mo. Trust me! Nararamdaman ko yun.. "
" Oo, ikaw pinagkakatiwalaan ko pero sya hindi, kahit kami pa ng kaibigan nya, hindi magbabago ang pagtingin ko sa lalaking yun. Wag mo nga kasi ipagtanggol ang lalaking yun! Nabubulagan ka lang Courtney! Please bhest, makipagbreak ka na agad sa kanya bago ka pa masaktan.. " hinawakan nya ang kamay ko. Bakit ba? Kung kelan nakakaramdam na ako ng saya, bakit ganito? Minsan ko lang naranasan to.. na yung pagkukulang na hinahanap ko ay si Enzo ang pumupuno. Bakit kelangang hadlangan ni Lourenz ang kaligayahan ko? Bestfriend ko pa man din sya. Ano ang gusto nya, sya lang ang pwedeng sumaya sa aming dalawa?! Nakakasama lang kasi ng damdamin eh. Sa lahat ng tao, sya ang inaasahan kong susuporta sa akin pero bakit ganito, di ko maintindihan. Bakit sya ganyan?
Nabubulagan ba talaga ako? Pero hindi, nakikita ko naman sa mga mata ni Enzo na sincere sya sa akin kaya imposible ang sinasabi nya. Sa loob ng halos isang buwan, wala syang ginawa kundi pangitiin ako at ipakitang special ako sa kanya. Ni di ko sya nakitang nakikipag-usap sa ibang babae o yung ginagawa talaga ng sinasabi nilang casanova. Imposible talaga!
" Bhest, ayaw mo ba akong maging masaya? Ngayon lang ako sumaya ng ganito sa tanang buhay ko pero bakit tinututulan mo pa? Bakit? Bestfriend pa man din kita! " binawi ko ang kamay ko sa kanya at tumalikod.
" Oo, maari ngayon, masaya ka pero bukas, sa susunod na araw, linggo o buwan, paano? Di mo alam kung ano ang mangyayari.. Inaalala lang kita dahil bestfriend kita! Ayaw kitang masaktan sa huli. Ano bang nangyayari sayo ha? "
" Tama na Lourenz! Kahit ngayon lang, hayaan mo akong sumaya, pwede ba yun? " napabuntong hininga sya. Sa totoo lang, di ko naman gustong sabihan sya ng ganun pero sadyang nasasaktan lang ako sa mga pinagsasabi nya against ke Enzo.
" If thats what you want.. " pagkaharap ko, nakita ko syang naglalakad na palayo. Gusto ko syang habulin pero nanaig ang sama ng loob ko. Alam kong mali yun dahil bestfriend ko sya pero masama talaga ang loob ko eh.
" Lilipas din siguro yun. " nag-umpisa na rin akong naglakad papasok sa room namin.
**
Lumipas ang mga araw, di na naman kami nagkikibuan ni Lourenz. Alam ko kung bakit. Bakit ba to nangyayari sa akin? Sa aming dalawa ng bestfriend ko? Di naman kami ganito dati eh. :/ Konting tampuhan, agad kaming nagkakaayos. Di eto umaabot ng isang linggo pero ngayon, lagi na kaming nagkakatampuhan at ang tagal naming magkaayos. Di ko alam kung bakit ganun na ang nangyayari sa aming magkaibigan.
Sa ilang araw ding lumipas, palagi ko ding kasama si Enzo. Sa kabila ng di namin pagpapansinan ni Lourenz, masaya pa din ako kasi andyan si Enzo. Lagi nya akong pinapasaya. Hinahatid palagi sa amin. Basta ang saya nyang kasama. Yung tipong makakalimutan mong meron kang problema. Yung nandyan lang sya na kasama mo, kontento ka na. Basta ganun. :) Ang sweet nga nya eh! Talagang espesyal ako sa kanya kasi nararamdaman ko yun.
Kapag kasama ko sya, minsan nakakalimutan ko ang oras. Nakakalimutan kong may parents akong di na ako inaalala dahil busy sila sa kanilang trabaho. Nakakatampo pero naintindihan ko naman. Di ko na rin nabibisita ang mga pinsan ko dahil kay Enzo pero ayos lang. Basta kasama ko sya, okey na ang lahat.
" Sweetcake.. "
" Oh? Kanina ka pa ba dyan? "
" Bago lang naman.. Ang lalim ata ng iniisip mo, may problema ba? " umupo sya sa tabi ko.
" Wala naman.. Naiisip ko lang sina mama saka ang pinsan ko. Di ko na kasi sila gaanong nakikita at nakakasama eh. " pinagsiklop ko ang mga palad kong tumingin sa malayo.
" Ano ka ba? " napalingon ako sa kanya nang bigla nya akong hinawakan sa kamay. Eeh! *u* Nakaramdam ako ng konting parang daloy ng kuryente sa kamay ko. " Di pa ba ako kontento sa'yo para maging masaya ka? "
" No! Masaya ako sa'yo pero di ko lang maiwasang di sila maalala. Namimiss ko na kasi sila. "
" Uuwi din mga parents mo saka yaan mo, pupunta tayo sa mga pinsan mo one of this days. Sasamahan kita para di mo na sila mamimiss. Okey? "
Napangiti tuloy ako nun, " talaga? " tumango sya kaya niyakap ko sya. " Salamat. Di mo alam kung gaano ako kasaya na nakilala kita at naging tayo. Sana di ka mawala sa akin. "
*Enzo's Pov*
Almost one week na since naging kami ni Courtney. Kelangan makagawa na ako ng paraan kung paano sya maibreak dahil.. i dont know, weird, habang tumatagal lalong nagiging iba ang nararamdaman ko. There is a feeling na parang ewan di ko mapangalanan eh. Tulad ngayon, di ko mapigilang di tugunin ang yakap nya. Kasi kapag ginagawa nya yun, parang may feeling na masaya ako at contented.
Nooo! No way! Ano to? Parang sinasabi kong parang gusto ko na sya? No! Di pwede! Di ako magkakagusto sa gaya nya! Never! Kelangan ko na syang ibreak bago pa lumala tong nararamdaman ko. Damn! Ano ba tong Courtney na to! Baka may ginagawa syang di maganda o kababalaghan kaya nagkakaganito ako! >.< Naku lang ha? Di ko pa kayang igive up ang pagkaCASANOVA ko at di ko na hahayaang papalpak pa to bukod kay Sophie. Once is enough! Saka nakakamiss na yung mga chix na naghahabol sa akin kaya di pwedeng magkagusto ako sa nerd na to! At sa kanya pa talaga? Di noh!
Dami ko pa namang plano pag nagbreak kami nito. Hang out with lots of girls. Haha :D Pakasawa toda max talaga!
" Sweetcake, " Eww! " hatid na kita sa inyo. " hanggang kelan ba ako magpapanggap ng ganito? Nakaka.. Haist. :/
" Sige.. "
Tiningnan ko sya. Bakit everytime na tingnan ko sya may kakaiba. Basta! Ay naku! Nababaliw na ata ako dahil sa nerd na to! Kung ano ano na kasi iniisip ko at pumapasok sa utak ko na di nagproprocess ng tama. Naku lang talaga! Dyusme! Para na akong bakla sa point of view ko na to! Parang di na ako ang dating Enzo sa mga nakaraan kong pov. -_______-
*Blue's Pov*
Sila na. Nakakasakit ng damdamin. Di ko man lang nagawang pigilan. Kung ano man mangyari kay Ney, kasalanan ko dahil di ko nasabi sa kanya ang nalalaman ko. Hayyy! Kalat na kalat sa Westbridge na sila at nakikita ko talagang masaya si Ney sa Enzo na yun. Nakikita ko ding madaming naiinis sa kanya dahil kay Enzo. Di ba nya eto naiisip? Mas lalong daming magagalit sa kanya dahil naging sila? Dadami ang mambubully sa kanya. Di nya naiisip yun dahil nabubulag sya sa huwad na pagtingin sa kanya ni Enzo. Ang galing lang umarte ni Enzo. Pwede na sya maging artista. PangFAMAS ang arte.
" Hoy 'insan! Kung hawakan mo yung ballpen para mababali na to! " puna ni Frex na kadarating.
" Ikaw pala.. "
" Umamin ka nga sa akin, simula nung nalaman mong si Courtney at Enzo eh ganyan ka na. "
Ano ang gusto nitong palabasin? " Ano? Di kita maintindihan.. "
" Ganyan ka.. Masyado ng mainitin ang ulo. Akala mo susuong sa away. Mahal mo na ba yang Courtney na yan ha? Apektado ka eh. Umamin ka nga? "
Itutuloy..
BINABASA MO ANG
Mr. NERD meets Ms. NERD - are they compatible?(COMPLETED)
RomanceIsang nerd na nainlove sa lalaki na pinaglaruan lamang sya.. Pinagpustahan. Masakit di ba? FACEBOOK ACCOUNT: ENZO: https://facebook.com/enzo.perez.50767 COURTNEY: https://facebook.com/courtney.torres.794
