Mr. NERD meets Ms. NERD
- are they compatible?
Written by Purple Raindrops
C H A P T E R 07
*Courtney's Pov*
Nasa kotse kami..
Kotse ni Enzo. Ang ganda ng kotse nya, black ferrari.. Sya na gara sa kotse!
Kanina pa kami dito pero di kami nag.uusap, nagmamatyagan lang. >3<
Ang awkward eh. :">
" Okey ka na ba? Ako na humihingi ng pasensya sa ginawa ni Ayu sayo kanina.. " bigla nyang sabi sa akin.
" O-Okey lang.. Sanay na ako saka wala ka namang dapat ipag-sorry eh. " Oo, sanay na talaga, kaw ba laging ibully sa mga school na pinapasukan mo eh pero me time na natutrauma talaga ako. Sagot ko habang hawak hawak ang polo nya na suot ko na hinubad nya kanina, aksidente kong naamoy ang pabangong naroon.. Hmmm, lalaking lalaki.. ang bango.. Hmmm.. Jusme! Parang gayuma.. Nyaii!
" Ahmm, Courtney.. " medyo naalangan siyang sambitin yung pangalan ko.
Napalingon ako sa kanya. " B-Bakit? "
" I want to apologize sa ginawa ko nung enrollment days.. Di ko sinasadya. " di sinasadya? Tss.. Nasaktan na ako eh! Me magbabago ba pag magsorry sya di ba wala?
Syempre, di ko yun sinabi. Wala akong lakas ng loob para isumbat yun sa kanya. " Ayos lang. Nakalimutan ko na yun. " Plastic! Plastic! Plastic ka Courtney!
" Talaga? Sorry talaga at salamat ha? Ambait mo pala.. "
Ngumiti lang ako ng pilit.
" Pupunta na lang tayo sa mall para mapalitan ang punit mong uniform.. Bibilhan kita ng damit. " sabi nya sa akin na nakangiti. Bakit ganun? Parang di naman nya tipo ang manakit ng damdamin ng babae at magpaiyak. Tila mabait naman to.. basta ang gaan ng pakiramdam ko sa kanya.
" Ha? Wag na.. Uuwi na lang siguro ako. Nakakahiya naman eh. "
" No, i insist. Please wag mong tanggihan ang offer ko. :) " pamimilit nya..
" Ah ehh. S-sige na nga.. Kung yun gusto mo. "
" Salamat talaga. Nga pala, gusto kong magpakilala ng pormal sayo. Ako nga pala si Enzo Perez. " pagpapakilala nya kahit kilala ko na naman sya. He offered his hand. Medyo napangiti ako. Bihira lang kasi ako makakita ng ganun na makikipagshake hands pa pag nagpapakilala eh. :">
Inabot ko ang kamay nya. " Courtney Torres. :))) " saad ko naman.
Pagkabitiw nya sya sa kamay ko, pinaandar na nya ang sasakyan nya at pumunta kami sa mall.
Nakakahiya.. pero pinilit kong maging komportable na kasama sya.
He buy me shirt and jeans tapos niyaya nya ako kumain sa may greenwich. Treat daw nya..
Di ko alam kung ano ba talaga motibo nya kung bat nya to ginagawa.. Kung bat nya ako tinulungan kanina sa pambubully sa akin.. Kung bat concern sya sa akin..
Mahirap mag-assume ng isang bagay na alam mong imposibleng mangyari.. pero bakit sa puso ko, masaya ako sa ginagawa nya kahit nung una, nainis ako sa ginawa nya dati sa akin nung enrollment..
*Ayu's Pov*
Kalat sa Westbridge ang ginawa ni Enzo kahapon. Natural lang na pag-usapan yun ng buong madla dahil...
Ang CASANOVA na si Enzo Perez, concern na sa mga binubully ko? Ged. Sinong di magugulat dun? At sa Nerd pa na yun sya naging ganun! Bakit? Bakit ganun sya? He threaten me na kung gawin ko ulit yun sa NERD na yun, sya makakalaban ko!
YOU ARE READING
Mr. NERD meets Ms. NERD - are they compatible?(COMPLETED)
RomanceIsang nerd na nainlove sa lalaki na pinaglaruan lamang sya.. Pinagpustahan. Masakit di ba? FACEBOOK ACCOUNT: ENZO: https://facebook.com/enzo.perez.50767 COURTNEY: https://facebook.com/courtney.torres.794
