Mr. NERD meets Ms. NERD
- are they compatible?
Written by Purple Raindrops
C H A P T E R 49
** may special chapter si Blue after this chapter bago ang chapter 50 at epilogue. :) tapos bali me 2 o 3 parts ang ch.49 na 'to. Happy reading! Please wala sanang hater si Enzo. LOL.
- MeAndMyStories|Lhian
*Courtney's Pov*
" Sama na lang kaya ako? "
" Di nga pwede. Bawal 3rd year dun! Pang-1st year lang kaya yun.. Ano ka ba? " natampal ko na lang ang ang noo ko sa kakulitan nya. Halos magdadalawang buwan na rin ang nagdaan nung nagkaayos kami nung October. Isang buwan na din ang lumipas nang mawala ang papa ni Lou. Daming nangyari. Kelangan din naming mag-lie low sa pagbabanda dahil medyo busy at hectic na ang schedules namin nung nag-second semester. Saka nagiging mahiluhin na ako this past few days. Dunno why? Haist. Sa sobrang dami siguro ng activities na ginagawa namin. Puyat at overtime sa mga paperworks. Kung saan saan kami pumupunta para mag-tour and yung pinakamalayo so far ay Baguio. Pilit ngang sumasama si Enzo eh. Siraulo talaga!
" Psh. Kahit na! Nakakainis naman kasi eh! Ang layo kaya nun. Di kita mapuntahan. Hmmm, bakit hindi na lang kaya magbalik ako sa first year noh para makasama ako sa field trip nyo sa Baguio? " siraulo talaga 'tong Enzo na 'to! Sarap batukan! Kung anu ano ang pumapasok sa utak nya.
" Hibang ka ba? OA mo naman! Ilang araw lang naman ang field trip namin dun ah? Di naman ako matagal na mawawala.. "
" Wag ka na lang kaya sumama? " kinuha nya ang kamay ko at dinala sa pisngi nya saka nag-puppy eyes sa akin.
" Enzo!? "
" Eeh! Kasi naman dun ka magpapasko, paano naman ako dito? Mag-isa? Sina Jude at Ice kasama nila girlfriend nila, eh ako? Alone? Malamig ang pasko? Kawawa naman ako nun! " he's being childish sometimes. Natatawa na lang ako sa isip ko. At ang cute nyang gumaganun sya. Pramis!
" Malamig naman talaga kapag pasko ah! Wag ka ngang ganyan! Dito naman ako magba-bagong taon eh kaya wag mo ng isipin yun. 'to naman! Parang di naman ako babalik sa inaakto mo na yan eh. :| Ilang araw lang naman yun. Ok? "
" Eh, gusto ko ng mainit na pasko eh. *ngisi* Natatakot lang po ako na baka pagbalik mo, wala na! "
" Ang bastos ng salita nito! Teka, anong wala na? " O_O
" Bastos daw? Di kaya! 'to naman. Syempre mainit para may yayakapin ako sa simbang gabing malamig. Hehe. Eh basta yun na yun! Basta wala na.. Yung makalimutan mo ng mahal mo ako. Sweetcake, please? Wag ka na lang sumama? Dito ka na lang. Mamimiss kita eh. " kinurot ko na lang sya sa pisngi sa panggigil ko sa kanya. Mahina lang naman na ikinangiwi nya. :D
" Kung anu ano na naman ang pumapasok sa imagination mo. Makakalimutan ko kaya yun? Syempre hindi noh? Kaw talaga! Tigilan mo na kasi yang mga iniisip mo. Kung pwede nga lang na wag sumama eh pero para sa course ko yun.. para sa mga first year, para sa grade ko. "
" Ah basta! " Geez! Nagiging matigas na ang ulo nya. Nakuu naman oh!
" Enzo naman! Intindihin mo naman oh? Please? Please! Please Enzo! " ako naman ngayon ang humawak ng kamay nya. Tinitigan ko sya ng matagal. " Okey na sa kanya yan! Ayeeh! Wag na simangot ha! Sige ka, papangit ka nyan eh! Tapos wala ng babaeng magkakagusto sa'yo. Hehe. "
" Mas okey nga yun eh. Mukha lang naman ang habol nila sa akin, eh di sa kanila na! Basta ang puso ko ay nasa babaeng mahal ko. " kyaaah! Korni! Mais na mais! " Basta wag kang titingin sa ibang lalaki pag nandun ka na saka wag ka masyadong magsuot ng maiksing damit para di ka agaw pansin.. Promise me. Okey? " bigla akong napangiti dun sa sinabi nya.
YOU ARE READING
Mr. NERD meets Ms. NERD - are they compatible?(COMPLETED)
RomanceIsang nerd na nainlove sa lalaki na pinaglaruan lamang sya.. Pinagpustahan. Masakit di ba? FACEBOOK ACCOUNT: ENZO: https://facebook.com/enzo.perez.50767 COURTNEY: https://facebook.com/courtney.torres.794
