chapter 28

1.8K 26 2
  • Dedicated kay Mejoven Alega
                                        

Mr. NERD meets Ms. Nerd 

- are they compatible? 

written by PurpleRaindrops

 

C H A P T E R 28 

* kung may di nakaintindi sa last chapter, marahil di un nagbabasa. Basahin nyong maigi ung ch. 26 para malaman nyo kung anu hinihingi ni Enzo sa mga readers.. Pasensya na din kung natagalan ng update, sira ung cp na pang update ko, i mean sira ung keypad, para magtype kaya pinagtyagaan ko na lang ung isa kong cp na touch screen. Hassle! Sino may 6630 na casing ibigay nyo sa akin, wala kasing stock na ganung unit sa bayan. Lol.

--

" May dahiLan kung bakit mo nakiLaLa ang isang tao.. Maaring kaiLangan nyang ayusin ang buhay mo o ikaw ang dahiLan ng kanyang pagbabago.. " 

*Courtney's Pov*

" Revenge?! " ulit ko sa sinabi ni Ate Sophie sa akin. Bigla na lang nya kasi yung sinabi nung nag-uusap kami.

" Na uhh.. Its sweet revenge, Honey! Ibabalik lang natin kay Enzo kung ano ang ginawa nya sayo.. It's about time na magtanda na sya.. na matuto na sya na di dapat pinaglalaruan ang damdamin ng mga babae! Ang maranasan na nya ang karma na dapat para sa kanya. Kelangan na nyang igive up ang title nyang 'The Great Casanova' dear kasi may magpapatino na sa kanya.. " paliwanag nya sa akin.

Kahit ano pa yun, paghihiganti pa rin yun.. Kahit galit ako kay Enzo, di ko tipo ang maghiganti sa taong nanakit sa akin. Emotionally o physical man yan, ayaw ko! Isa pa, mahal ko si Enzo! Kahit kelan, di ko sasaktan ang taong nanakit sa akin. Okey. Martir na kung martir! Tanga na kung tanga. -_-

" Ate, kahit may ginawa sa akin si Enzo. Di ko pa rin gusto maghiganti sa kanya.. " giit ko.

" Ney, di mo naman sya gagawan ng masama eh. Ipapakita mo lang na mali ang ginawa nya sayo.. Kaya nga sweet revenge di ba? " di ko pa rin maintindihan ang gusto nyang sabihin. Masyado kasing pre occupied ang utak ko simula nung break up namin ni Enzo kaya di ako nakakapag-isip ng maayos.. " Ganito, para maintindihan mo.. Ipapaliwanag ko.. Gusto kita imake over, gusto kitang tulungan na ipakita ang ganda mo sa kanya para isipin nyang nagkamali sya sa ginawa nya sayo.. na maling pinagpustahan ka nya.. Gusto ko maghinayang sya na pinakawalan ka nya.. Isa pa, ayaw mo bang gumanda? Ayaw mo bang ipakita sa mga tao, sa buong Westbridge na di ka lang basta nerd na inaapi nila. Di ka lang babaeng may makapal na salamin at nagsusuot ng mga old fashioned na mga damit.. " *hawak sa magkabilang balikat* " Ipakita mo sa kanilang mali sila. Magtiwala ka sa sarili mo! Alam kong may tinatago kang kakayahan na ikakagulat nila. Maniwala ka sa akin.. Be yourself! Confident! Wag mong ikulong ang sarili mo sa takot at alinlangan.. "

" pero.. " wala naman akong balak na ibago ang sarili ko para sa iba. Kontento na ako kung ano ako ngayon.

" para rin sayo to.. " dagdag nya pang sabi sa akin.

Papayag ba ako? Di ko alam.. Kasi wala talaga sa isip ko ang paghihiganti eh... pero parang nabubuyo ata ako sa sinasabi ni Ate Sophie. Gusto kong may magbago sa akin para di na ako maliitin ng mga tao pero natatakot ako.. nag-aalangan.

Mr. NERD meets Ms. NERD - are they compatible?(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon