Mr. NERD meets Ms. NERD
- are they compatible?
Written by Purple Raindrops
C H A P T E R 32
" LOVE comes without warning.
no banners, no flashy sign, nor wakeup calls..
It is always there, but don't take it for granted.. 'cause one day it will be GONE..
and you'll find out that you're LOSING SOMEONE.. "
*Enzo's Pov*
" Anak ng tokwa naman Ice oh! Bat ka ba nanununtok? Ha? Anong problema mo ha? " pinunasan ko ang dugo na nasa gilid ng labi ko at tinulak tulak sya ng dalawang kamay ko. Bigla na lang nya akong sinugod nang suntok nung magkita kami sa tambayan. Nagulat ako sa ginawa nya. Sino ba naman ang hindi?!
" Ikaw! Kasalanan mo 'to e! Kung di dahil sa'yo, sana di kami nagbreak ni Lourenz! Kasalanan mo 'to Enzo! Dahil sa lintik na pustahan na yun, nawala si Lourenz sa akin! " tinulak tulak din nya ako. Nagtulakan kaming dalawa. Parang ewan lang kaming dalawa e.
" Kasalanan ko!? Bakit? Ako lang ba? Lahat tayo involve dun kaya hindi lang ako ang may kasalanan! Wag nyo ngang isisi sa akin lahat! Bwesit! Ako na lang kasi palagi nyong nakikita kapag nagkakaproblema kayo sa mga syota nyo! " malakas ko syang tinulak at lumabas ng kwarto. Iniwan ko sya dun.
Lagi na lang ako ang mali! Ako ang sinisisi. -.- Porke ako ang chickboy, ako na agad? -.- Putek talaga!
Kinabukasan, di kami nagkibuan ni Ice. Bahala sya. Kung di nya ako pansinin ayos lang. Sya unang nanuntok eh. Ang sakit kaya ng ginawa nya. Parang muntik ng matanggal ang panga ko dahil sa suntok na yun. Tsk.
" Ang sarap ng buhay casanova ano? " napatingin ako sa nagsalita. Sino naman 'tong FC na to?
" Kilala ba kita? " umalis sya sa pagkakasandal sya pinto ng CR at lumapit sa akin.
" Maybe? Di ko alam. " mukha nga syang pamilyar pero di ko matandaan kung saan ko sya nakita.
" Tss. Ayos ang sagot ah! Pero sige, sasagutin ko pa rin ang tanong mo.. Oo, masaya. Enjoy! Sobrang enjoy. "
" Ganun? Pero hanggang kelan? May hangganan din yan, Enzo Perez. Babalik sya para ikaw naman ang masaktan. " what? Labo kausap. Di ko gets. Pasensya. Ano naman daw ang tinutukoy nya? O_o
" Ano? Di kita maintindihan. " tinap nya lang ako at lumabas na sya ng CR. Ano daw? Umalis na lang na ganun ganun ang sinabi nya. Laboooo! Ay ewan! Wag na nga lang pansinin!
*Courtney's Pov*
Iba ang nararamdaman ko ngayon. Paano ba naman? Halos straight na one week na akong gumagamit ng gitara, uhmmm, di lang naman ako kundi sina Lou, Khim at Nicole. Sa ikli ng panahon na nakasama ko ang dalawa, naging palagay na ang loob ko sa dalawa. Mabait naman sila at katulad ko may mga dahilan din sila kung bakit pumayag sa plano ni Ate Sophie.
" Para saan ba talaga 'to ate Sophie? Yung ginagawa namin? " curious ko talagang tanong sa kanya.
" Oo nga, 'te. Akala ko ba magmimake over kami para di na kami maliitin ng mga estudyante dito. " tanong din ni Khim na lumapit sa amin. Magkasing taas lang kami at payat sya. Maputi at masiyahin. Pangmodel ang katawan.
" Kayo talaga! Almost three weeks pa lang nga tayong nagsisimula e. Wag kayo masyadong excited. Malapit na! Malapit na malapit na ang iniintay nyong araw! At sinisigurado ko, mapapanganga sila kapag nangyari yun. Basta girls, madami akong plans for you. Just enjoy every thing happens. "
YOU ARE READING
Mr. NERD meets Ms. NERD - are they compatible?(COMPLETED)
RomanceIsang nerd na nainlove sa lalaki na pinaglaruan lamang sya.. Pinagpustahan. Masakit di ba? FACEBOOK ACCOUNT: ENZO: https://facebook.com/enzo.perez.50767 COURTNEY: https://facebook.com/courtney.torres.794
