chapter 46

1.5K 23 0
                                        

Mr. NERD meets Ms. NERD

- are they compatible?

Written by Purple Raindrops

C H A P T E R 46

*Courtney's Pov*

Naiilang ako sa mga titig ng kanyang mama at papa sa akin. Nakakahiya! Ano na lang ang iisipin nila? Na ang cheap kong babae kasi nasa kuwarto ako ng anak nila natulog. Siraulo kasing Enzo 'to. Inuwi na lang sana nya ako di ba? T_____T Nakakainis talaga! Sobra!

Yumuko na lang ako para itago ang mukha ko. Parang namumula na ata sa hiya. >3<

" Lorenzo, bakit di mo sinabing may girlfriend ka na pala? " O_O di pala alam ng papa nya na chickboy sya? " Ano 'to, bastusan? Basta mo lang pinapasok sa kwarto mo ang gf mo? Ang babae, pinapakilala dapat muna sa magulang bago ipasok sa kwarto. Wala kang respeto! Ni di mo muna pinakilala sa amin ng mama mo! " PATAY! Galit yata papa nya. T.T

" Pa! Enzo lang! Wag na Lorenzo! I really hate when someone calling me in that name. :| Saka Pa, di bastusan yun. Balak ko naman talagang ipakilala sya sa inyo kapag nagka-ayos na kami kaso nauna nyo ng nalaman. Nauna kong pinasok sa kwarto ko. Hehe. " ano ba yan? Bakit parang ang hahalay ng mga salita nila. -_____- Pinasok talaga eh noh?

" Wala kang pakialam kung Lorenzo ang itawag ko sayo! Bakit? Nagpabinyag ka na ba ng bagong pangalan at Enzo na! Tigil tigilan mo nga ako! " napakamot ng ulo si Enzo. Di ko maiwasang di mapangiti. Ang cool pag Enzo ang pangalan nya pero pag Lorenzo? Hehe. Ewan! Nakakatawa pakinggan! Peace Enzo! " Iha, gaano na ba kayo katagal ng anak kong ito? " baling nito sa akin.

" Eh.. " tiningnan ko ng diretso ang papa nya. Gaano nga ba? =_____= Eh di naman matino ang naging relasyon namin e? Saka di pa kami nagkakaayos, bakit pinapalabas nyang kami pa rin. Pssh. Mamaya, lagot talaga sya sa akin. Dami na nyang atraso.

" Four months, Pa.. " matalim syang tiningnan ng papa nya nang sya ang sumagot rito. >:D

" Ano ba ang nagustuhan mo dito sa anak namin? " tanong ng papa nya ulit. Uhm, parang job interview lang eh. LOL.

" Ah, eh. " ano nga ba? Hmp. Naku naman! Bakit kelangang malagay ako sa alanganing sitwasyon na 'to. :|

" Syempre, pogi anak nyo eh. :D Nagtatanong pa talaga kayo.. " sabad ulit ni Enzo.

" Ikaw ba ang kinakausap ko? Bakit ikaw ang sagot ng sagot dyan? :@ Di makasagot 'tong girlfriend mo dahil ikaw ang sabat na sabat dyan! "

" May bibig e. Hehe. Ahh, Pa, Ma. Si Courtney po pala. Ganda nya noh? Bagay talaga kami di ba? Sweetcake, parents ko. " awkey?? Ngayon pa nya pinakilala. Adik netong Enzo na 'to! Nagulat na lang ako nung binatukan sya ng papa nya.

" Kanina pa tayo dito nakaupo. Ngayon mo pa ipapakilala. Umayos ka nga dyan. Magpakalalaki ka sa harap ng nobya mo. Hindi yung parang bata ka. " nakita kong ngumiwi si Enzo sa ginawa ng papa nya.

" Tama na yan, Hon. Kumain na tayo.. Nasa harap tayo ng pagkain. " singit ng mama niya. " Iha, kain ka lang ng kain. I'm sure, pinagod ka ng anak ko kagabi. " hagikgik na wika ng mama nya sa akin.

" Sige po.. " Ha? Teka? Ano daw? Pinagod? >///< Waah! What does it mean? Naku naman! Nakakahiya!

" Ma talaga! Kelangang ipangalandakan eh? *evil smile* "

" Aba! Bakit? Anong gusto mong isipin ko? Damit mo ang suot nya. Naku Enzo! Naka-ilang round ba kayo ha? Hahaha. " kyaaah! Hiyang hiya na ako.

" Ma, walang nangyari sa amin. Magkatabi lang kami.. Tulog kaya sya. Paanong may.. Mama talaga! :D Kung ano ano ang iniisip. Nakakahiya kay Courtney.. "

Mr. NERD meets Ms. NERD - are they compatible?(COMPLETED)Where stories live. Discover now