Mr. NERD meets Ms. NERD
- are they compatible?
Written by Purple Raindrops
C H A P T E R 35
** author's note: don't stick with the title.
*Courtney's Pov*
" ...what if i never knew
what if i never found you,
i never had this feeling in my heart..
How did this come to be..
I don't know how you found me..
But from the moment I saw you,
Deep inside my heart I knew.. "
Ngumiti ako sa kanya. Medyo awkward nga lang kasi we're close to each other. He asked me to dance after naming kumanta ng Scandal band. Nakakahiya namang tumanggi. kaya ayun, sumayaw kami. Wag ka! Walang malice yun. Magkaibigan kasi kami di ba?
" Bat ganyan ka kung makangiti? " tanong ni Blue sa akin.
" Wala naman. " tumigil ako sa pagsayaw at minasdan sya. Tinanggal ko ang kamay ko sa leeg nya. Dahan dahan kong inangat ang kamay ko saka kinuha ang salamin nya, " Ang gwapo mo kung wala kang salamin.. Mas bagay sayo. "
" Wait.. Wait Courtney. I can't see anything. " pumikit pikit pa sya. Nanibago siguro mga mata nya kasi walang salamin.
" Oops. Sorry.. " binalik ko ang salamin nya sa mga mata nya. " Gusto ko lang kasing makita kang walang salamin.. " hinging paumanhin ko. Nakakahiya naman ginawa ko. My bad! Curiousity strikes kasi.
" O-Okey lang yun.. Di lang kasi ako sanay na wala akong suot na salamin. "
" Salamat talaga at sinamahan mo ako dito sa gig namin ha? Nakakailang kasi. Medyo di pa ako sanay sa mga ginagawa namin. Naninibago pa ako. Kumakapa pa.. "
Blue looked at me. Walang kibo. Basta nakatitig lang sya sa akin. " Blue? Are you okey? "
" Ah oo. Abcdfjklmnshh.. " ha? Ano daw? Medyo di ko narinig kasi napalitan na ng rock ang sweet song na tinutugtog. Fail naman!
" What?? " tanong ko.
" Ha? Wala.. Wala yun. Tara, upo na tayo. I know pagod ka na.. " wala na akong nagawa kundi ang umupo na nga since pagod na rin naman ako. Ano ba yung sinabi nya? Asar kasing tugtog na yun. Di ko tuloy nadinig. Aist. Never mind na nga lang nga. Di naman siguro mahalaga yun.
I saw Enzo dancing in the dance floor after a couple of minutes na umupo kami ni Blue. Talandeng lalaki yun! Iba na naman ang kasama nyang babae. What The Fudgeebar! Ano ba ang meron sa kanya na maraming nagkakandarapa sa kanya? Ang harot pa kung sumayaw. Ewan ko ba kung bat ako nainlove sa siraulo na yun!
" Blue, punta muna ako sa CR. " paalam ko. Tumango naman sya.
Nang nakapasok na ako sa CR, nagulantang na lang ako ng may biglang tumakip ng bibig ko at humawak ng dalawang kong kamay.
" Aahumph.. Ampusha poshh.. " takte naman oh! Sino ba to? Baka rapist to! Killer! Waaah! Wag naman sana!
Bigla akong kinabahan at natakot. Pinasok nya ako sa isa sa mga cubicle at hinarap sa kanya. Nanlaki ang mga mata ko nang malaman ko kung sino ang taong gumawa nun. Papatayin nya ba ako sa niyerbos? At of all people, sya pa talaga ang gagawa nun sa akin.
Binitawan nya ako kaya naman mabilis ko syang tinulak palayo sa akin. " Ano ba, Enzo! Papatayin mo ba ako sa takot ha?! " galit kong sigaw sa kanya.
YOU ARE READING
Mr. NERD meets Ms. NERD - are they compatible?(COMPLETED)
RomanceIsang nerd na nainlove sa lalaki na pinaglaruan lamang sya.. Pinagpustahan. Masakit di ba? FACEBOOK ACCOUNT: ENZO: https://facebook.com/enzo.perez.50767 COURTNEY: https://facebook.com/courtney.torres.794
