Mr. NERD meets Ms. NERD
- are they compatible?
Written by Purple Raindrops
C H A P T E R 34
*Blue's Pov*
Isang buwan ang nakalipas, almost 6weeks nang simulang bihira kong makita si Courtney kaya di ako makapaniwalang ibang Courtney ang makikita ko ngayon gabi. Blonde ang buhok, walang salamin, nakaboots na may heels, nakatshirt na off shoulder at hindi na blouse ang suot na pang-taas, nakamini skirt at higit sa lahat, lumitaw ang tunay nyang ganda. Madaming nagulat at isa na ako dun sa pagtungtong nila ng stage. Ibang iba sa una kong nakilala.
Nakita ko kung paano nya tingnan si Enzo na halos katabi ko lang. Mga limang tao ang layo namin sa isa't isa. Di ko mapangalanan kung ano ang ibig sabihin ng titig na yun. Sumayaw sila nang matapos ang programa. Gusto ko syang lapitan pero wala akong sapat na lakas na loob lalo na at tila nag-uusap sila ni Enzo. Aksidente kong narinig ang mga pinag-usapan nila. Di naman sa tsismoso, malapit kasi ako sa kanila.
Galit. Ayan ang isa sa mga naramdaman ko sa mga salita ni Courtney. Naisip ko, napagtagpi tagpi ko na parang gustong balikan ni Courtney si Enzo, what i mean is gantihan? Wala lang. Naramdaman ko lang sa mga bawat salitang binibitawan nya. Galit? Biglaang pagbabago? Di ba nakakapagtaka naman yun..
" Blue.. " bulong nya nung niyakap ko sya. Nasa garden kami ng mga sandaling yun. Niyaya ko sya dun pagkatapos nilang mag-usap ni Enzo. Sinabihan ko sya na walang madadalang mabuti ang galit na nararamdaman nya para kay Enzo.
" I'm sorry.. " hinging paumanhin ko nang bumitaw ako ng pagkakayakap sa kanya. Ewan. May nagtulak kasi sa akin na yakapin ko sya. Oo, maganda sya ngayon. Sino ba namang hindi magagandahan sa kanya di ba? Ang puti nya. Bumagay ang kulay ng buhok nya sa balat nya. Hmm, mali. Lalong gumanda sya ngayon kasi wala ng salamin na humaharang sa mukha nya. Naging maayos na sya manamit. Pero kahit nagbago man sya ng pananamit at itsura, sya pa rin ang babaeng lihim kong minamahal. Minahal ko kung ano sya.
Siguro sa ngayon, kuntento na ako na hanggang tingin lang muna, hanggang usap. Hahanap pa ako ng tamang oras, tyempo para sabihin ang totoong nararamdaman ko sa kanya.
Nabigla ako nung sya naman ang yumakap sa akin. " Thank you, Blue. Thank you kasi andyan ka.. " ngumiti ako. Ang ganda ng lips nya nang napatingin ako sa mga labi nya. Nakakatuksong halikan pero i won't take advantage. I respect her.
" Ganyan naman ang magkaibigan di ba? :) " i wish na sana higit pa sa magkaibigan.
**
The next morning, trending ang banda nila. Pinag-uusapan ng lahat. Ako, nakikinig lang. Wala naman akong close sa school, maliban kay Frex at Courtney. Habang abala ako sa pagbabasa ng notes, biglang tumigil ang nagtsistismang estudyante at tumahimik.
Bakit kaya? Hinanap ko ang dahilan kung bakit sila natahimik. Nakita ko si Courtney sa may pintuan, kasama ang tatlo nyang kasama kagabi sa Acquaintance Party. Marahil hinatid sya. Kaya naman pala tumigil sa pagkwekwentuhan ang mga tsismosa dahil sa kanya. Soc. Sci kasi ang subject namin ngayon kaya magkaklase kami.
May lumapit sa kanyang lalaki.
" Hi Pretty. Pwede ba kita yayaing maglunch mamaya? " tanong nito.
Ngumiti si Courtney. Papayag kaya sya?
" Sorry, may kasama na kasi ako mamaya. Di ba, Blue? " napaupo ako ng diretso sa sinabi nya. Wala naman kaming napag-usapan ah. Kumindat sya sa akin. Ah! Palusot lang pala.
" A-Ah! Oo. "
Lumapit sya sa akin. Parang model kung maglakad at umupo sa tabi ko.
" Yan? Bakit sya? Eh nerd yan e. Ang panget! Di kayo bagay. " sabi ng lalaking tinanggihan nya. " Tayo ang bagay! " lumapit din sa amin yung lalaki. Tiningnan ko si Courtney kung ano ang isasagot nya rito. Tumayo sya.
YOU ARE READING
Mr. NERD meets Ms. NERD - are they compatible?(COMPLETED)
RomanceIsang nerd na nainlove sa lalaki na pinaglaruan lamang sya.. Pinagpustahan. Masakit di ba? FACEBOOK ACCOUNT: ENZO: https://facebook.com/enzo.perez.50767 COURTNEY: https://facebook.com/courtney.torres.794
