chapter 33

1.8K 27 2
                                        

Mr. NERD meets Ms. NERD

- are they compatible?

Written by Purple Raindrops

C H A P T E R 33

*Courtney's Pov*

SCANDAL?

Di kaya ano yun.. SPG ang kelangan? :O

Noooo. Iba yun! Yun ang pangalan ng banda namin. Scandal Band! Bakit? Yun din ang una kong tanong kung bakit ganun ang pangalan ng grupo namin kay ate Sophie. Sabi ko baka mamisinterpret ng iba ang meaning.

SCANDAL means iskandaloso, yung nakukuha namin ang atensyon ng mga tao kaya scandal. Hindi SCANDAL na *toot*. Kung papakinggan, ang sagwa pero may dating sya. Ang cool nga kung iisipin. Di mo maiisip na banda pala yun..

Acquaintance Party ngayong gabi. Sabi ni ate, dito daw kami unang sasalang. Kinakabahan ako. First time e. Whew. Nerd? May banda na? Haha. Nakatatawa di ba? Di pa rin talaga ako makapaniwala na bubuo kami ng ganitong grupo. Rockstar pa ang dating.. Kapag tinitingnan ko ang itsura ko sa salamin, parang ibang tao na ang kaharap. Madami akong pinag-aralan, paggitara, voice lessons, paglakad ng nakaheels. Pagpili ng tamang damit. Haist. Madami! Di ko alam kung paano ko yun natutunan ng ganun kabilis. Sa loob ng halos 6weeks.

Bago magsimula ang programa, nakita ko si Lourenz. Tila ang lalim ng iniisip. Sayang ang relasyon nila ni Ice pero kahit anong sabihin ko, mas pinili pa din nya ako. Swerte talaga ako sa kanya pero naghihinayang talaga ako sa kanila. :"

Nang tinawag na kami ng emcee, ako ang naunang lumabas.. ako ang unang pumunta sa gitna ng stage. Gusto kong ako ang unang makakita ng magiging reaksyon ng mga tao kapag nakita na nila ako.

Dala ang gitarang binigay sa akin. Pumuwesto ako sa bandang gitna kung saan kitang kita ako. Tinapat sa amin ang spotlight kasabay nun ang pagtahimik ng paligid.

Di ko inaasahang makikita ko si Enzo sa harapang bahagi ng mga audience kahit madilim. Di sya nag-iisa. May kasama syang linta. Gets what i said? :D

Nagkatitigan kami pero ako ang agad bumawi ng tingin. Nakita kong walang naging reaksyon sa mga mata nya. Ni di man lang sya nagulat na makita nya ako. Walang epekto? Walang epekto kahit tuldok na makita nya ang bagong ako? Pero okey lang.. Nagsisimula palang ako.

" .. I miss when you say good morning, but its midnight..

Going out of my head alone in this bed..

I wake up to your sunset

And it's drivin' me mad

i miss you so bad

And my heart heart heart is so jet lagged

heart heart heart is so jetlagged (2x) .. "

at bilang pagtatapos ng kanta, lumiyad ako at inangat ang gitara. Ehem. Rockstar! \m/ Imaginine nyo lang na kaming apat ang kumanta nun kaso sa apat namin, si Nicole ang drummer. Naggigitara din sya kaso mas type daw nya ang drum. Ang cool di ba? Si Khim ang pinakabata sa amin at baby face. Kung nakikita nyo lang sya magagandahan din kayo sa kanya kaso nga hanggang kwento lang ako. Wala tayo sa TV e.

Nung matapos na ang palabas, sayawan na ang nangyari. Dun kami nagkahiwalay na apat. Si Khim at Nicole, may ginawa na di ko naman alam kung ano. Si Bhest, nandun nakaupo. Ayaw ako samahan dito sa dance floor. Nyay! Nag-iba lang ang itsura, talande na ata ako. :/ Someone asked me to dance kasi. Eh mabait ako kaya pumayag ako.

" You're so pretty. " sabi nya.

" Thanks. " tipid kong sagot. Nakakailang. Sweet song kasi ang kanta kaya halos magkayakap na kami.

Malapit ng matapos ang kanta nang may lumapit sa amin.

" Pre, pwede ko ba sya makasayaw? " my eyes widen and i gasped secretly.

" U-Uh? Sure. Sige.. " wala na akong nagawa nang ibigay na ako ng guy kay.. kay Enzo. Tss. Kinuha ni Enzo ang kamay ko at nilagay sa balikat nya. Ang kamay naman nya ay nasa bewang ko. Awkward.

Di ako nagsalita. Tahimik lang ako hanggang matapos ang kanta tapos may sumalang na naman na kanta ay di pa rin nya ako binibitawan. Ano naman kaya ang gusto nitong ipahiwatig?

" Ang ganda mo ah! Di agad kita nakilala. So, dapat ka bang magpasalamat sa akin? Dahil sa nagawa ko sa'yo? " hambog nito! Bat naman nya naisip na nang dahil sa ginawa nya eh nagbago ako. Matalinong chickboy.

" Oh, thanks for that compliment. By the way, wag ka masyadong assuming.. " lumayo ako sa kanya ng konti, " Kasi walang gamot sa mga assuming, ikaw din.. Baka matuluyan ka. >:) "

" Oh? Palaban na! Alam mo, naging hottie ka lang eh pumapalag ka na sa akin! " hinila nya ako palapit sa kanya ng husto na ikinabigla ko. Ano na naman kaya ang inaakto nya na 'to?

" Ano ba problema mo? Ano bang paki mo kung ano ako ngayon? Oo, tama ka! Nang dahil sa ginawa mo, nang dahil sa sinaktan mo ako, nagbago ako. Oo, nagpapasalamat talaga ako sa'yo.. Sa ginawa mo sa akin. Nakakapagod na kasing inaapi at kinukutya ng mga tao kaya ginawa ko to! "

" Di ako makapaniwalang sa higit isang buwan, nagbago na ang gaya mo. Pinabilib mo ako.. Naging matapang ka na at palaban, di gaya ng dati, mahina, iyakin at tatanga tanga! " parang nagpanting ang tenga ko sa mga sinabi nya. Kelangan pa talagang ipamukha yun sa akin?

Inalis ko ang mga kamay nya sa bewang ko at tinalikuran sya. " Not too fast, Courtney! " agad naman nya akong hinila pabalik sa kanya. Kaya ang nangyari, na-out balance ako at nasubsob sa braso nya. Niyakap nya ako. :/

" Hayaan mo na kasi ako. Nerd ako di ba? Pinahiya sa enrollment, ininsulto, pinaikot at sinaktan pero bat ngayon, ayaw mo ko bitiwan! "

" Wala lang! Sinusubukan ko lang kong katulad ka pa rin ng dati kahit nagmake over ka na.. parang ang hirap paniwalaan na sa ikling panahon eh nagbago ka na. "

" At ano ang nalaman mo sa ginawa mo? " di nya ako sinagot. Ngumiti lang sya ng nakakaloko. Nambubuwesit ba? -.-

Binitawan na nya ako after nun at iniwan. Tiningnan ko syang naglalakad palayo sa akin. Napailing na lang ako. Di pa rin nagbabago. :/

Pagharap ko sa ibang direksyon, may nabangga akong lalaki. Tiningnan ko kung sino, si Blue. " Blue! "

" Courtney.. "

**

Since di ko makita si Lourenz, sumama na lang ako kay Blue nung niyaya nya akong lumabas ng auditorium. Tumambay kami sa garden.

" Wag kang magpadala sa galit mo.. " Huh? Bigla na lang kasi syang nagsalita nang tahimik lang kaming dalawa.

" Ha? "

" Alam kong galit ka kay Enzo sa ginawa nya sayo pero sana wag kang magpadala sa galit mo, baka masaktan ka lang sa huli.. "

Di ako sumagot. Di ko alam kung ano ang isasagot ko sa kanya. Natatakot ako sa magiging sagot ko sa kanya.

Kinabukasan, naging usap usapan ang paglabas namin sa Acquaintance Party nung nakaraang gabi. Madaming napahanga at napabilib pero meron ding napataas ng kilay.

" The Scandal band. *palakpak ng apat na beses* Sa tingin mo ba, kahit nagdamit ka ng bonggang bongga, nagcontact lens at nagmake up, mababago nyo na ang katotohanang mga nerd kayo? " minasdan ako ni Ayu mula ulo hanggang paa. " Panget ka pa rin. Pwe! "

" Panget? Baka naman malabo ang mga mata mo, Ayu? Bakit di mo try patingnan ang mga mata mo baka may diperensya na yan.. " mataray kong sabi sa kanya.

" Aba't! Lumalaban ka na ngayon. " akma nya sanang sasabunutan ako pero nahawakan ko ang kamay nya.

" Sige, subukan mo lang idampi ang mga kamay o palad mo sa anumang parte ng katawan ko. Baka makalimutan kong mabait ako at patulan na talaga kita! " pinanlakihan ko sya ng mata. Nagulat sya at napaatras. " Di na ako papayag na aapihin mo pa ako at saktan, Ayu! Wala na ang Courtney na inaapi nyo dati! Ibang tao na ako kaya wag na wag mo akong susubukan! " marahas kong tinabig ang kamay nya at nilampasan sya.

Akala nya, magpapaapi pa ako! Nagkakamali sya! Namumuro na sya sa akin. Tama na yung mahina at tatanga ako dati! Napapagod din ako.

** WAG po DEMANDING! Salamat. Thank you sa pag-abang!

Itutuloy..

Mr. NERD meets Ms. NERD - are they compatible?(COMPLETED)Where stories live. Discover now