Mr. NERD meets Ms. NERD
- are they compatible?
Written by Purple Raindrops
C H A P T E R 02
*Courtney's Pov*
" Kairita talaga kanina doon sa Admin Office. " narinig kong sabi ni Lourenz.
" Dapat kasi di mo na lang pinatulan yung mga yun. " sabi ko naman.
" Para ano? api-apihin nila tayo. Habang buhay ka na lang ba ganyan? Ang di kumikibo sa mga taong umaalipusta tayo at minamata tayong mga nerd? Nerd man tayo o Geek tao pa rin naman tayo at me pakiramdam. "
" Ayaw ko lang kasi ng gulo kasi the more na pinapansin natin sila mas lalo lang nila tayo pag-iinitan. *sighed* Di pa araw ng klase pero ganito na ang nangyari.. "
" Sorry Beshy.. Di ko lang kasi napigilan sarili ko kanina. Sige susubukan kong wag na patulan ang mga ganun pero di ko maipapangakong makakaya kong ganun ganunin nila tayo. "
Ngumiti na lang ako at ipinagpatuloy ang pagkain ng paborito kong cheesecake na binili ko kanina. Naandito kami ngayon sa may benches para maupo dahil magpapasa pa kami ng requirements, di kasi nakapasa kanina dahil sa gulo kaya eto kami nag-iintay kumonti ang mga taong pumipila sa may harap ng admin baka kasi pag pumunta kami ulit dun at maraming tao baka gumulo na naman.
Nung nasa admin na kami, me babae kami ay hindi, ako pala ang nakabangga. Papasok na kami nun sa office at sya naman ay papalabas kaya nakabungguan kami.
" S-Sorry Miss. " nakayuko kong sabi. Nakakahiya! Baka magalit sya.
" Oh its okey. " nang iniangat ko ang paningin ko, ngumiti sya kaya di ko mapigilan di sya gantihan ng ngiti. " Bago lang ba kayo dito? " tanong nya.
Tumango lang ako.
" Ah see.. By the way, i'm Sophie Lexa and you are? "
" Cou-Courtney at sya naman si Lourenz, bestfriend ko. "
" Oh nice to meet you guys.. " at kinamayan kaming dalawa. Then " Tara.. " maya sabi nya at di maalis ang ngiti sa mukha. Mukhang mabait naman sya unlike kanina sa lalaki at mga babae ramdam mo talagang mabait eto.
" H-ha? Eh bakit san tayo pupumunta? "
" Bago kayo di ba kaya tutulungan ko kayo at iga-guide dito sa Westbridge. Wag kayong mahiya or matakot di naman ako nangangat eh, nangangain lang. " tapos mahina etong tumawa kaya di ko napigilang ngumiti.
" Ambait nyo naman, Miss Sophie. " - Lourenz
" Oww.. Drop the formalities Lourenz, Sophie na lang or Ate Lexa na lang. :) " Wow! Ang bait nya talaga.. Maamo ang mukha at maganda tapos parang model ang katawan siguradong madami ang naghahabol ditong lalaki.
" Oh tara.. Pasok na kayo dito sa office. "
Ginaya nya kami sa loob ng office at tinulungan sa lahat ng bagay na kelangan naming gawin kaya di pa natatapos ang araw officially enrolled na kami sa Westbridge College.
" Thank you, Ate Sophie ha? "
" Wala yun Courtney.. Oh sya! Una na ako sa inyo ha? See yah sa pasukan, Lourenz at Courtney? " nagwave sya at umalis na. Ngumiti naman kami at nagpaalam din sa kanya.
" Ang bait nya Courtney nuh? "
" Oo nga Bhest eh.. Tinulungan nya tayo sa mga kelangan natin dito sa school. "
Hanggang makauwi na ako eh di pa rin maalis ang ngiti sa labi ko.
Sa Bahay..
" Oi insan, saan galing? " tanong ni Kuya Merck nang makasalubong nya ako papasok ng bahay.
" Sa Westbridge Kuya, nagpaenroll. " sagot ko naman.
" Oh i see. "
" Eh ikaw? "
" Malamang sa loob ng bahay nyo. " pamimimilosopong sagot nya.
" Si Kuya pilosopo eh. :3 ".
" Haha! Oh sya una na ako ha? " then ginulo nya ang buhok ko at umalis na sya.
Pinsan ko yun. Mabait at gwapo.. me dalawang kapatid yun, bale kambal sina Natasha at Kenny Rose. Half Korean sila.
Ako naman pure Pinay. Yung mga magulang ko parehong business ang inaatupag, ni walang time sa akin pero okey lang. Naintindihan ko naman dahil para din naman daw sa akin ang ginagawa nila at pag me importanteng okasyon, gumagawa sila ng paraan para makasama ako kaya ayos lang sa akin kahit bibihira kami magsama.
" Oh Courtney, nandito ka na pala. Kamusta ang pag-enroll nyo? " sya naman si Nanay Leony, kasambahay namin. Sya na halos nagpalaki sa akin at nakakasama ko simula pagkabata.
" Okey lang ho 'nay. Naka-enroll na ho kami ni Lourenz. "
" Aba'y mabuti naman kung ganun. Saglit at ipaghahanda kita ng meryenda mo. "
" Teka lang Nay, ano po ginagawa ni Kuya Merck dito kanina? "
" May pinabibigay sa parents mo.. "
" Ganun po ba? Sige ho akyat po muna ako. Tawagin nyo na lang ako kung nakahanda na yung meryenda. :))) "
Tumango lang eto at ako'y umakyat na. Di ko inabalang tanungin pa kung ano ang pinabibigay ni kuya Merck. Alam ko namang tungkol sa isa sa mga family business namin yun eh.
Nung nakapasok na ako sa kwarto, i glance at the mirror. Lumapit ako at tinanggal ang salamin ko.. Nung minsang nakita ako ni Lou na wala akong salamin, sinabi nyang mas bagay daw sa akin yung ganun at maganda daw ako.
Naisip ko, pag permanenteng wala akong suot na salamin.. magbabago na ba ang lahat?
Wala na bang magbubully sa akin?
Wala na bang aalipusta sa akin?
Kung sakaling oo, alam ko kaplastikan lang yun. Nanaisin kong gusto nila akong maging kaibigan kung ano ako ngayon hindi yung binago ko ang sarili ko para sa kanila.
I dont want to change myself just to please everyone or anyone..
Huminga ako ng malalim at sinuot muli ang salamin ko.
*Blue's Pov*
" Blue, kelan ka ba magpapaenroll ha? " tanong ng mama ko sa akin.
" Next week na lang, Ma. "
" Anong next week? Pasukan na next week.. "
" Eh ma, tinatamad pa ako magpaenroll ngayon eh. "
" Stop that silly reason! Magpasama ka na lang sa pinsan mong si Frex tutal dun sya nag-aaral sa Westbridge. "
Umiling iling na lang ako sa kakulitan ni Mama. " Sige ho.. Bukas magpapasama ako sa kanya. "
" At isa pa Blue, bawas bawasan mo yang pagiging adik sa computer ha! Kung hindi sisirain ko yan. "
" Ma naman! " pero pinandilatan na lang nya ako ng mata.
Aissh! Wala na akong magagawa kundi ang sumunod na lang. Ayaw ko namang mapagalitan ni Mama eh at ayaw ko rin mawalan ng computer. Halos eto na ang bestfriend ko.. Wala kasi akong kaibigan na as in maturing na totoong kaibigan dahil sa Nerd ako. Yeah nerd ako! Tahimik lang at kumbaga Online Geek dahil sa pagka-adik ko sa computer.
Pag wala akong ginagawa, i'll just sit in the front of my computer para makipagchat sa kahit kanino.. Siguro best way yun para makatakas ako sa realidad. :/ Sa harap ng computer, walang nakakilala ng tunay kong pagkatao.. walang nang-iinsulto at walang nagdidiscriminate sayo dahil sa nerd ka..
Gumagamit ako ng UN (username) at picture na tila mysterious ang dating. Dahil dun, madaming nakaka-caught ng attention sa pagiging mysterious epek ko sa chatroom.
Ganyan si Blue Hiro Marquez.. Online Geek/Nerd!
*sighed* Bakit ba ganun?
Pag nerd, agad iniisip nila panget eto? inaalipusta na! Ni hindi man lang nila kilalanin muna ang tao bago sila manghusga.
YOU ARE READING
Mr. NERD meets Ms. NERD - are they compatible?(COMPLETED)
RomanceIsang nerd na nainlove sa lalaki na pinaglaruan lamang sya.. Pinagpustahan. Masakit di ba? FACEBOOK ACCOUNT: ENZO: https://facebook.com/enzo.perez.50767 COURTNEY: https://facebook.com/courtney.torres.794
