chapter 14

2K 31 2
                                        

* Mr. NERD meets Ms. NERD

- are they compatible ?

C H A P T E R 14

note:

wag masyadong dibdibin ang kwento dahil nakakamatay ang katangahan ni Courtney. XDDDDD JOOOKEEE!

< Enzo's Pov >

" Ako na! " sabay agaw sa kanya si Courtney. Nakita kong nabigla sya sa ginawa ko. Epal nitong lalaking nerd na to ah. Dapat ako lang ang tumutulong kay Courtney para mahulog siya sa akin ng tuluyan. Kung ganyang lagi siyang pumapapel baka di ako pansinin ni Courtney dahil bagay silang dalawa. Parehong nerd. Lol. (Laughing Out Loud) Ahaha!

" Enzo? O.O " nagulat si Courtney sa presensya ko. Di nya siguro inaasahang andun na ako ng mga oras na yun.

" Okey ka lang ba? Di ka pa rin pala tinatantanan ni Ayu. Wag kang mag.alala makakatikim na sila sa akin sa ginawa nila sayo.. Di sila nakikinig sa akin! "

" O-Okey lang ako.. Tsaka wag na Enzo, baka lalo lang nila ako pag.iinitan eh. Ayos lang ako. Kaya ko naman tiisin yung mga ginagawa nila eh.. " tumayo sya at pinagpag ang mga basurang dumikit sa katawan nya.

" No, sumusobra na talaga sila eh. Mamaya pupuntahan ko siya but for now kelangan mo ng magpalit ng damit. Maduming madumi ang damit mo. " inakay ko siya at inalalayang maglakad paalis dun. Dinaanan namin yung nerd na lalaki at di siya pinansin. Hmp. Epal!

" Blue.. " narinig kong mahinang sabi ni Courtney dito.

" Okey lang Courtney. Sige pasok na ako. Basta pag kelangan mo ako, andito lang ako. " di ko alam pero parang me laman ang sinabi niya at bakit ganun na lang ang concern nya kay Courtney.

" Kaibigan mo ba yun? " di ko mapigilan itanong.

" Si Blue? Parang ganun na nga.. Kaklase ko siya sa isang subject. Dun kami nagkakilala. Mukha naman siyang mabait. Bukod sayo, siya lang naman maayos makitungo sa akin sa lahat ng kaklase ko rito. "

" Ganun ba? May gusto ata yun sayo? "

" Ha? Paano mo nasabi? Wala ah.. Magkaibigan lang kami nun. "

" Concern na concern siya sayo.. Kitang kita ko yun sa mukha nya. Iniisip ko baka may gusto siya sayo kasi lalaki din ako. Nararamdaman ko kapag may gusto ang isang lalaki sa babae. "

" Kaw talaga.. Wala ah! Mabait lang talaga yun. Siguro dahil pareho kaming nerd kaya ganun. Alam nya ang feeling pag ginaganun. Teka, ahmm.. Nagseselos ka ba? "

Nagulat ako sa diretsang tanong niya sa akin. Di ko inaasahang itatanong niya sa akin yun. Nagseselos nga ba ako kaya ganun ako? Imposible ata!

" Eh ah.. Kasi naman, ayaw kong may umaaligid aligid at lumapit sayong mga lalaki bukod sa akin. Alam mo namang may gusto ako sayo eh. " napakamot ako ng batok. Ano ba to! Feel na feel ko talaga ang sinasabi ko. Thats so gay. -.-

Ngumiti siya. " Bakit ka napangiti? "

" Wala lang.. Seloso ka pala. "

" Ah oo eh.. Gusto ko kasi pag akin, akin lang. Lalo na kapag may nililigawan ako. Ayaw kong may kaagaw. Yeah! Napaselfish ko. Ayaw mo ba? Yaan mo --- "

" No Enzo.. Ayos lang naman sa akin yun. Kasi sabi nila, pag nagseselos daw ang isang tao ibig sabihin nun may gusto talaga sayo at mahal ka talaga.. "

Tae! Lakas ng loob na sabihin nya talaga yun ah.. Kung alam nya lang. Galing ko talaga umarte at sa dialogue. Haha!

" Ah hehe parang ganun na nga. :) Tara na.. Magpalit ka na. Nangangamoy ka na kasi. Hahaha! Joke! " inamoy amoy niya ang sarili nya. Totoo ang sinabi ko. :DD

" Ang baho ko na nga! Naku nakakahiya naman. =______= "

" Okey lang yan.. Maganda ka pa rin naman eh. :D " Lalo kang pumangit sa lagay mo. Haha! Tsk. Tsk. Naku Courtney! Malapit na.. Malapit ka na talagang mahulog sa akin. Sisiguraduhin ko yan.

< Blue's Pov >

Kitang kita ko kung paano buhusan nung Ayu na yun si Courtney ng isang trash can na punong puno ng basura mula sa 2nd floor. Walang nagawa si Courtney kundi ang tingnan ang buo nyang katawan na nanlilimahid ng basura. Di ko mapigilan mainis sa ginawa ng Ayu na yun. Nakita ko pa kung paano eto tumatawa sa nakita nyang itsura ni Courtney.

" Ayos ka lang ba? " stupid question.. nakita ko na ngang ganun ang sitwasyon nya, itatanong ko pa yun.

Di pa nga nakakasagot si Courtney ay siya namang paglapit rin ni Enzo. Timing talaga lagi tong lalaki na to. Aist. Wala na akong nagawa nang inaakay at tinulungan siya nito.

Mukha pa siyang nainis sa pagtulong ko kay Courtney. Maari kayang nagseselos sya? Nakikita ko yun sa mata nya.. Di kaya talagang di na niya tinuloy ang anumang balak nya dati? At nahulog na nga ang loob nya kay Courtney? Maari ba yun?

Umalis na ako sa lugar na yun at nagtungo sa classroom namin.Pero kahit naglalakad ako yun pa rin nasa isip ko. Kaya di ko napansing may nakabangga ako.

" Ano ba! Di tumitingin sa dinadaanan eh! " kung makapagsalita siya eh parang me nakakahawa akong sakit. :/

" S-Sorry.. Di ko sinasadya. "

" Look! .. Ow! Kaya naman pala. Tatanga tangang nerd pala nakabangga ko. " ang nakabangga ko ay walang iba kundi si Ayu.

" Sa susunod, titingin ka sa dinadaanan mo or better yet magpalit ka na ng salamin. Baka kasi sa sobrang kapal ng salamin mo, di mo na makita ang dinadaanan mo! " tinulak nya ako pagkatapos nun. Ang sama talaga ng ugali nun. Naku lang!

< Ayu's Pov >

Nakakairita lang! Di tumitingin sa dinadaanan ang nerd na yun! Bagay talaga sila ng Courtney na nerd na yun. Tatanga tanga! Sabagay parehong nerd!

Tinapik tapik ko ang damit ko. Baka naman kasi me germs at mahawaan ako ng pagkatanga ng mga nerd!

Pabalibag kong binuksan ang pinto ng tambayan namin nang dumating ako dun.

" Hey! Dahan dahan naman! Masisira ang pinto nyan eh. " - irene

" Tss! " tangi ko na lang sinabi.

" Noh ba problema mo ha? At mukhang mainit na naman ulo mo.. " - Mavil

" Wala to! Nerd kasi na yun, di tumitingin sa daan, nabunggo ako. Haist! Never mind.. "

" Si Courtney? " duet nilang tanong.

" No, si Boy nerd.. "

" Oh! "

" Alam nyo ba kung ano ginawa ko sa babaeng yun kanina? "

" Ano naman? "

" Binuhusan ko lang naman ng isang punong punong trash can ng basura. Haha. "

" Ginawa mo yun? Buti di ka nakita ng dean sa ginawa mo.. At di ka pinaguidance ng nerd na yun.. "

" Haha! Takot lang ng dean sa akin at ng nerd na yun. " proud kong sabi.

" Naks! Haha. Yabang teh ah? "

" Haha. Oo naman.. Di kaya makapalag yun mga yun pag kinausap ko.. "

" Oh ikaw na. Haha. " habang nagkakatuwaan kaming tatlo, walang anu ano ay may biglang bumukas ng malakas sa pinto.

" BLAAAAAGGG! "

charannn.. itutuloy..

Mr. NERD meets Ms. NERD - are they compatible?(COMPLETED)Where stories live. Discover now