* Mr. NERD meets Ms. NERD
- are they compatible?
Written by Purple Raindrops
C H A P T E R 25
*Courtney's Pov*
Kinabukasan, usap usapan na ang break up namin ni Enzo. Ang bilis ano. Di pa nga ako nakakabawi sa nangyari sa amin, eto na.. Alam ko namang madaming natuwa sa hiwalayan namin eh. Di na ako magtataka.. Habang sila natutuwa ako naman nasasaktan. Broken into pieces na di mo alam kung paano mo bubuuin.
Tulad kanina, nagkasalubong kami ni Enzo sa hallway, parang di nya ako kilala at masaklap pa nun. He's happy with other girl. Agad agad? Nakakatawa pa sya ng ganun kasama ang ibang babae tapos ako eto, parang nadudurog ang puso ko sa sakit. Deserve ko ba to dahil sa katangahan ko? Ang masaktan ng todo.. Ang magmukhang katawa tawa sa maraming tao..
Nung lunch time, nagkita kami ni Lourenz sa cafeteria. Niyaya nya kasi ako na dun kami kumain. Nagdadalawang isip pa nga ako dahil ano pa dapat kong ipunta dun? Baka maya, pagtinginan lang ako ng mga estudyanteng naroon at pagtawanan. Di ko na kayang kinukutya nila ako at ikinatuwa. Buti nga at pagkaupo ko roon sa isang bakanteng table sa gilid ng side ng cafeteria saka din dumating ang bestfriend ko.
" Best, sorry, kung nakinig lang sana ako sayo di mangyayari to eh. Di ako masasaktan ng ganito. Sorry, ang tanga tanga ko! Sorry.. " agad kong sabi sa kanya. Kasalanan ko naman talaga to ee. Kung pwede ko lang ibalik ang nakaraan, ginawa ko na.. Pero alam kong imposible ang iniisip ko. Wala akong kakayahan..
Akala ko, papagalitan nya ako, sesermunan sa nagawa kong mali pero sa halip ay niyakap nya ako. Lalo akong napaiyak nun.. Ramdam kong tunay ko nga syang bestfriend. " Ssh. Don't be sorry. Hindi mo naman kasalanan eh. Kasalanan yun ng Enzong yun at nang mga gag* nyang barkada! Humanda lang sila sa akin! Di ko papalampasin ang ginawa nila sayo.. Mga hayop! " napaangat ako ng tingin sa kanya.
" B-Best, anong gagawin mo? "
" Basta! "
Dahil dun, di ako mapakali nung kinagabihan. Iniisip ko kung ano ang binabalak ni Lourenz. I admit, may concern ako kay Enzo. Saka hindi naman instant na agad na mawawala ang pagmamahal mo sa tao di ba? Moving on is so hard to do.
Moving on? Handa na nga ba ako magmove on? Parang di ko pa kaya.. Natatakot ako. Di ko pa kayang igive up feelings ko for him. Parang umaasa pa akong maaayos ang lahat. Pero.. masakit eh. *sighed*
Kelangan kong mag-isip ng mabuti.
Ilang weeks din akong di nakakapagonline kaya naisipan kong magfacebook. Bigla kong naisip si BH Nerd. Ang misteryoso kong friend sa FB. Sino kaya sya sa mga estudyanteng nasa WC? Kilala ko kaya sya? Mabait din ba sya sa personal katulad nang kapag nasa chat kami? Di ko alam.. Baka katulad din nya si Enzo. Mabait sa una tapos sasaktan sa huli. Wooh! Parang natrauma ata ako ah.
E-mail Address: ney.torres12@yahoo.com
Password: ******
Click log in.
Notification: 29
Messages: 1
Friend Request: 2
Chineck kong una ang inbox. I felt na galing kay BH yung message. Di nga ako nagkamali. Nung unang msg. nangangamusta sya, pangalawa, tinatanong nya kung bakit ang tagal ko na daw na di nakakapag online at pangatlo. Ikinagulat ko yun. Ganito ang mensaheng natanggap ko.
* Hi Courtney, kamusta ka na? Ilang araw na kitang inaabangang magonline pero bigo ako. Busy ka ata. Matagal ko na tong gustong sabihin sayo kaso kapag sasabihin ko na, may biglang nangyayari.. Ewan ko ba! Personal ko sana tong sasabihin sayo kaso naunsyami lang ulit. Kung mabasa mo to sa mismong araw na nasent ko, ngayon, sana wag mo ng gawin ang binabalak mo pero kung hindi baka huli na ang lahat. Baka nagawa na nya ang gusto nya. Sasaktan ka lang nya. Paaasahin! Ney, pinagpupustahan ka lang nina Enzo at ng barkada nya, pinagpupustahan nilang mapapasagot ka nya. Ayaw kong masaktan ka dahil alam kong may gusto ka kay Enzo. :( Pero sya wala! Sorry kung di ko agad nasabi nung una tayong nagkakilala. Di ko kasi alam kung maniniwala ka sa akin eh. *
YOU ARE READING
Mr. NERD meets Ms. NERD - are they compatible?(COMPLETED)
RomanceIsang nerd na nainlove sa lalaki na pinaglaruan lamang sya.. Pinagpustahan. Masakit di ba? FACEBOOK ACCOUNT: ENZO: https://facebook.com/enzo.perez.50767 COURTNEY: https://facebook.com/courtney.torres.794
