Mr. NERD meets Ms. NERD
- are they compatible?
Written by Purple Raindrops
C H A P T E R 04
*Courtney's Pov*
Pangalawang araw ng pasukan.
Ano na naman kaya ang bagong mangyayari sa akin ngayon?
Kahit papano naging panatag ang loob ko sa mga sinabi ni Maam at ni Lourenz kahapon sa akin.
Bakit kasi wala akong tiwala sa sarili ko? Haiist. Takot at duwag ako harapin mag-isa ang pagsubok/challenges/consequences.. Mahina.. Marupok!
Lahat na ata nasa akin eh..
Nasa ganun akong pag-iisip nang may biglang humarang sa akin..
Nakayuko kasi ako kaya di ko agad nakita ang mukha ng humarang sa akin. Ano ba yan! Ang lapad kaya ng daan, humarang pa talaga sya sa akin, pag-angat ko ng ulo.
" Hi. " nakangiting bati nya sa akin.
Sa akin ba talaga? O nagkakamali lang ako.
Di ko sya pinansin at nagpatuloy lang ako sa paglakad pero hinarangan nya ulit ako.
Ano ba problema nito? O_O
" Aah eh.. Excuse me, padaan muna ako. " nakayukong sabi ko sa kanya.
" No! " mariin nyang sagot sa sinabi ko.
" H-ha? " baka pagtripan na naman nya ako. Jusko naman!
" I said NO! Di ka makakaraan dito unless kung papayag kang makipagdate sa akin. "
Ha? Ano daw? Date?? Ano to? Joke? Ginu-good time ata ako nito eh! Baka naman me camera dyan tapos biglang lalabas at sasabihan ka ng nasa Wow Mali ka na. :D syempre echus lang yun! Imposible naman yun eh.
ESTÁS LEYENDO
Mr. NERD meets Ms. NERD - are they compatible?(COMPLETED)
RomanceIsang nerd na nainlove sa lalaki na pinaglaruan lamang sya.. Pinagpustahan. Masakit di ba? FACEBOOK ACCOUNT: ENZO: https://facebook.com/enzo.perez.50767 COURTNEY: https://facebook.com/courtney.torres.794
