chapter 49.2

1.5K 24 0
                                        

Mr. NERD meets Ms. NERD

- are they compatible?

Written by Purple Raindrops

C H A P T E R 49.2

*Courtney's Pov*

" Seriously, bakit mo nga ba ako sinundan dito? Bakit di mo nalang pinahinga ang sarili mo dahil christmas vacation na? O di kaya magbonding kayo ng parents mo ngayong pasko? Bakit kelangang pumunta ka pa dito para lang makasama ako? You wasted your time and money. Madami namang -- " napapikit na lang ako ng hinawakan nya ang batok ko at walang babalang hinalikan.

" Shut up! Or else i will kiss you everytime you ask. I'm warning you. I'm damn serious, Sweetcake! " ok? Nosebleed. Penge ngang tissue. " Not all the time, you need an answer in every question you asked. Di ba pwedeng makiramdam na lang? Yung tipong 'Actions speak louder than Words' para makuha mo ang sagot? Yung di na kelangang sabihin kasi nakikita na sa kilos. " oh sya na talaga! Galing magrason eh! Patatahimik ako sa pamamagitan ng halik nya? Galing! Nakakatuwa! =_______= Bakit ngayon ko lang nalaman na may pagkamaniac sya? De joke lang. Mas tamang sabihin na mahilig syang manghalik ng di nagpapaalam. Nagiging daily routine nya na nga ata eh.

" Ok. Ok! Di na magtatanong. Hmmm. Sabi mo eh. " alam ko naman yung sagot dun eh, kaya lang gusto kong marinig sa kanya mismo. Di naman sa maarte o ano. Ewan ko ba! Pero ang sarap kasi pakinggan na marinig ang dahilan nya eh.

" Galit ka ba? " tanong nya.

" Hindi ah! Bakit naman ako magagalit? May dapat ba akong ikagalit? Wala naman di ba? " di naman ako sa galit. Medyo nagtatampo lang. Alam ko, minsan nagiging immature ako pero minsan lang naman yun. Haist.

" Eh bakit nakasimangot ka dyan? " >_____< nag-umpisa na naman syang mangulit sa akin. Tss.

" Di po ako nakasimangot. Tingnan mo nga oh! Nakangiti ako. " ngumiti ako para ipakitang di ako nakasimangot para tumigil na sya.

" Sows! Halatang pilit naman yang ngiti mo eh. " tumayo ako at umalis na dun sa pinag-uupuan naming dalawa. Baka kasi kapag tumagal ako dun, eh bumigay ako. =_____= At masabi kong gusto ko lang marinig ang dahilan nya kaya ako nagkakaganun. Maliit lang naman na bagay pero pinapalala ko pa kaya much better, iignore ko na lang di ba? Pssh.

" Oh, saan ka pupunta? Galit nga oh! Uyy! Sorry na! " di ko sya pinansin. Patuloy lang ako sa paglalakad habang sya sunod ng sunod. Pero the more na lumalayo ako sa kanya, bumibigat naman ang nararamdaman ko. " Naku naman oh! Sweetcake naman! Ano bang problema mo? Pasko na mamaya eh tapos magkakaganito pa tayo? Di magiging memorable ang pasko natin dito sa Baguio kung ganito tayo. Sweetcake naman! Wait for me! " haist. Nagiging moody na 'ata ako. Juju. Si Enzo kasi masyado akong ini-spoiled kaya nasanay na ako. (__,)

" Babalik na ako sa hotel. " mahina kong sabi pero sapat para marinig nya.

" Ano?! Maaga pa ah! 8am pa lang ng umaga, babalik ka na dun? Tapos mamaya may mountain trekking kayo.. Di ka ba pupunta? Lubusin na natin ang mga sandaling nandito tayo.. Minsan lang 'to mangyari. It was also our first christmas together. Sweetcake! " naabutan na nya ako. Pinigilan nya ako sa pamamagitan ng paghawak sa balikat ko. " Okey. I'm sorry kung ano man ang nagawa ko. Please? Ayaw ko ng ganito tayo. Baka mamaya, mauntog ka at bigla na lang pumasok sa isip mo na iwan ako. Sweetcake please? " di rin ako tumingin kay Enzo kahit iniharap na nya ako sa kanya. *deep breath* Nakakainis talaga! Bakit ganito ko na lang sya kamahal? Kahit anong isip ko ng sagot sa tanong ko, wala akong maapuhap. Meaningless. Tama sya. Di lahat ng bagay kelangang me sagot na sasabihin pa, yung iba makikita mo lang sa kilos at gawa. " Dahil ba di ko sinabi ang dahilan kung bakit kita sinundan dito sa Baguio kaya ka nagkakaganyan? " dahil dun, nalipat ang tingin ko sa kanya.

Mr. NERD meets Ms. NERD - are they compatible?(COMPLETED)Where stories live. Discover now