* Mr. NERD meets Ms. NERD
- are they compatible?
Written by Purple Raindrops
C H A P T E R 19
** un! NakapagUD din. Pasensya na. Wala kasing panload at maitype. Anyway salamat sa pag-intay at enjoy reading. Paulit ulit noh? Haha. Problema ko talaga yun. Pagpasensyahan nyo na kung unli. :D
Dahil sa tagal bumalik nina Enzo at Jude, napagpasiyahan naming umalis na ni Kenny sa loob ng cafeteria. Pagkalabas namin, nakita ni Kenny sina Jude. Gusto ko pa sanang lapitan si Enzo kaso pasok na rin namin sa Soc.Sci ng mga sandali yun kaya nagpaalam na lang ako kay Kenny.
As i walking through the hallway. Oww-kay? Whats wrong with them? Bakit pinagtitinginan nila ako? Nakakailang namang maglakad sa hallway na pinagtitinginan ka nila.. ng ilang students na naroon :/ Dahil ba kasama ko sina Enzo kanina kaya ganun sila? Big deal ba talaga yun. Shemay. Medyo maarteng nerd na ata ako. Lol. Di naman bagay!
Konting steps na lang at nasa Soc.Sci room na ako. As i see, nakatingin din sila sa akin pagkapasok ko pero sanay na ako kapag binibigyan nila ako ng ganung tingin. Almost one month na ako at halos nakasanayan ko na ang lahat. Sino bang hindi di ba? Eh araw araw nilang ginagawa yun. Parang di talaga ako welcome sa Westbridge kahit isang buwan na ako dito. Hayyy! Life parang buhay nga naman. Akala ko makakatakas na ako sa mga naranasan ko noon sa high school pero hindi din pala. Pakiramdam ko, pinaparusahan ako ng Diyos pero i know pagsubok lang to para matuto akong mag-isa. Matuto akong tumayo sa mga sarili kong mga paa na di kasama ang bestfriend ko.
Kakaupo ko lang sa upuan ko ng may tumapik sa akin. Nilingon ko eto. Si Blue. Tagal ko na din pala syang di nakakausap at nakikita. Di ko alam pero bigla ding sumagi sa isip ko si BH Nerd. Til now nawewerduhan pa rin ako sa name nya sa fb. Kamusta na kaya yun? Di na ako nakakapag online nitong mga nakaraang araw, siguro dahil busy ako kay Enzo. Oops! Busy kasi lagi ko syang kasama. Yung kapag kasama ko sya ay nakakalimutan ko ang oras at yung ibang bagay na kalimitan kong ginagawa dati.
" Blue! " masaya kong sambit ng pangalan nya.
" Finally, natyempuhan din kita. Mukhang busy ka kasi palagi eh. "
Nagtaka ako. " Bakit naman? Ah eh. Oo nga eh. Hehe. "
" May dapat kasi akong sasabihin sayo eh. Noon ko pa sana dapat sabihin to kaso biglang nauunsyami kapag sasabihin ko na.. "
" Ha? Ano naman yun? Pinapakaba mo naman ako. " pero sa totoo lang, kinakabahan na ako ng konti. Kasi the way sya magsalita eh talagang importante yun na kelangan kong malaman.
" Tungkol kay -- "
" Good Morning, class! " biglang lumitaw ang prof namin sa kung saan galing. Joke. Bigla syang pumasok sa room eh kaya naunsyami na naman ang dapat sana sasabihin ni Blue sa akin. Naexcite tuloy ako na malaman yun. Excited na kinakabahan. Ano kaya ang dapat nyang sasabihin sa akin?
Nakita kong napakamot na lang ng ulo si Blue na umupo sa upuan nya.
Lumingon sya. Ngumiti ako at sinenyasan syang mamaya na lang kami mag-usap. Tumango naman sya.
*dismissal*
Naunang lumabas ng room si Blue kesa sa akin. Pagkalabas ko, lalapitan ko na sana sya nang may biglang humigit sa akin.
" Enzo! "
" Nagulat ba kita? " masuyo nyang tanong sa akin.
" Hindi naman. :") "
" Pasensya ka na kanina ha? Nag-usap lang kasi ni Jude eh. "
" Naku! Okey lang yun. ^_^ " nakita ko sa isang sulok ng mata ko si Blue. Gusto ko na talaga syang kausapin tungkol sa sasabihin nya kanina kaso kasama ko si Enzo.
VOCÊ ESTÁ LENDO
Mr. NERD meets Ms. NERD - are they compatible?(COMPLETED)
RomanceIsang nerd na nainlove sa lalaki na pinaglaruan lamang sya.. Pinagpustahan. Masakit di ba? FACEBOOK ACCOUNT: ENZO: https://facebook.com/enzo.perez.50767 COURTNEY: https://facebook.com/courtney.torres.794
