chapter 10

2.4K 47 10
                                        

Mr. NERD meets Ms. NERD

- are they compatible?

Written by Purple Raindrops

C H A P T E R 10

*Courtney's Pov*

" NAKIPAGDATE KA KAY ENZO, COURTNEY! Di ba sabi ko sayo wag kang makikipagkita dun! Paano kung mapahamak ka? " yun agad binungad na bati ni Lourenz sa akin nung nagkita kami ng Lunes na yun. Kakababa ko lang nun ng kotse at mukhang inabangan nya talaga ako.

" P-Paano mo nalamang nagdate kami ni Enzo? "

" Nakita kita nung sabado na yun kasama si Enzo.. Nasa mall din ako nun. "

" S-Sorry Lourenz.. Alam kong magagalit ka sa ginawa ko pero.. Lourenz, mabait naman si Enzo eh.. He care for me and.. He likes me. Baka hindi naman talaga sya ganun tulad ng sinasabi nyo.. "

Gulat ang nakita ko sa mukha nya.

" Likes YOU? Tama ba ang narinig ko? Gusto ka nya? Baka niloloko ka lang nun at nagpaniwala ka naman agad! Please lang! Wag ka agad maniwala sa mga pinagsasabi nya lalo na at di pa kayo lubos magkakilala.. " hinawakan nya ang dalawang kamay ko.

" Eh? Mukhang seryoso naman sya sa akin eh.. Sabi nya he's willing to wait until im ready nung he ask me to be his gf.. Kaya nililigawan nya ako ngayon. "

" My God Courtney! Wag ka nga agad magpapaniwala dun! Wag na wag mong sasagutin yun! "

Flashback...

" Come on Courtney! Hop in. " Enzo told me kaya sumakay na ako sa kotse nya. Paalis na ang kotse at napatingin pa din ako sa nakatayong si Ayu.

Buong biyahe ay tahimik lang ako.

" Tahimik ka ata? Me problema ba? " tanong nya sa akin.

" Wala naman.. iniisip ko lang ang nangyari kanina. " sagot ko naman.

" Wag mo na isipin yun.. "

Tumahimik na lang ako at di na nagsalita muli pero maya maya nagtanong ako sa kanya.

" San ba tayo pupunta? "

Ngumiti sya. " Sa Salon ng Tita ko.. "

" Anong gagawin natin dun? "

" Papagandahin ka. Di ba sabi ko i want you to be perfect sa date natin thats why ginagawa natin to. "

" Ang ibig mong sabihin? Magmemake up ako? "

" Exactly! Basta sila na bahala dun. Sila na bahala sayo. "

" Enzo, sorry ha? Pero di ko na ata mapagbibigyan ang gusto mo.. "

Biglang napalitan ang masaya nyang mukha ng tila disappoint na reaksyon. " Why? Di mo ba gusto ang binabalak ko sayo? "

" No.. That what i mean.. Kasi ano.. Allergy ako sa mga make up kaya ayaw ko.. Please understand. "

" Ok. If thats what you want. " sagot nya habang patuloy syang nagmamaneho.

" Enzo, uhm, sorry kung di ko nagagawa ang mga gusto mo like yung damit na pinili mo kanina, di lang --- " naputol ang sasabihin ko nung tumigil bigla ang kotse at humarap sya sa akin at nagsalita.

" No! Dont mind it, Courtney. Wala akong dapat ikainis o ano pa man.. Yun ang gusto mo eh.. Igagalang ko yun. " hinawakan nya ang kamay ko at ngumiti sya.

Gumaan ang loob ko dahil sa sinabi nya.. Akala ko kasi magagalit sya o maiinis sa akin dahil sa pagtanggi ko sa mga gusto nya eh pero mali ako. Aminado akong di ko pa sya lubusang kilala pero alam kong mali ako nung hinusgahan ko sya nung una ko sya nakita at nung sinabihan nya akong di nababagay ang pangalan ko sa itsura ko.

Mr. NERD meets Ms. NERD - are they compatible?(COMPLETED)Where stories live. Discover now