Mr. NERD meets Ms. NERD
- are they compatible?
Written by Purple Raindrops
E P I L O G U E
*Courtney's Pov*
" Courtney, may balak ka bang itago ang kalagayan mo sa amin ng Papa mo? Kung hindi pa dahil sa boyfriend mo, hindi namin malalaman na.. na mabubulag ka.. Bakit hindi mo agad sinabi sa amin ang tungkol dito? Bakit? "
" Do you really care about it? "
" Ofcourse, we care! We are your parents. Ano ba namang tanong yan? Mahalaga yun para sa amin dahil anak ka namin! Di namin kayang nakikita kang nahihirapan. " bumangon ako sa pagkakadapa sa kama ko at humarap kay Mama na nakaupo sa tabi ko.
" Talaga? " sarcastic kong tanong. " Pero bakit ganun? Lumaki ako na halos si Yaya Leony lang ang kasama ko buong buhay ko. Oo, maaring kasama ko kayo sa mga birthday ko pero sapat ba yun? Sapat ba yung mga materyal na bagay na binibigay nyo sa akin? Puro na lang kayo trabaho.. Ni minsan ba, nagstay kayo dito sa bahay na higit dalawang araw na kinakausap nyo ako? Kahit dito nga sa bahay, trabaho pa rin ang inaatupag nyo eh. Tapos nung nabuntis ka, Ma, lalo kayong nawalan ng time sa akin. Pinamukha nyo talagang mahalaga pa ang baby na yan kesa sa akin. Nasaan kayo nung kelangan ko kayo? Wala di ba! Dahil nasa trabaho kayong dalawa. Tinanong nyo ba ako kung okey ako o kung may problema ba ako o wala! Tapos sa sabihin mo, you care for me? Yan ba ang sinasabi nyong magulang ko? Ni hindi nyo man lang nga naiisip ang nararamdaman ko everytime na aalis kayo at pupunta ng abroad para sa business nyo. You don't really care about me, Ma. Selfish kayo! " malakas na sampal ang natanggap ko mula sa mama ko. I was depress kaya nasabi ko na ang mga yun. Sa tendency na pagkabulag ko at sa dami ng mga iniisip ko, hindi na ako nakakapag-isip ng maayos.
" How dare you to talk to me like that? I'm your mother! We work hard for you, Courtney! For your future and needs, for us! Kaya wag mo kaming susumbatan! Kung hindi kami nagtatrabaho, mararanasan mo ba 'tong buhay na meron ka ngayon? " bulyaw ni Mama sa akin. Sa galit nya, tumayo eto at dinuro duro ako.
" Di ko kelangan ang buhay na ganito ngayon kung hindi ko naman nakakasama ang mga magulang ko. It's not important! Mas gugustuhin ko pa ang simpleng buhay at kasama ko ang mga magulang ko. Masaya kahit hindi masasarap ang ulam, walang magarang bahay at kotse, ang mahalaga kumpleto kaming magpamilya at magkasama araw araw. Yun lang! Magkasama nga tayo sa iisang bahay pero parang wala ding tao dahil puro kayo trabaho. Nandito nga ang katawan nyo pero ang mga utak nyo nasa mga negosyo nyo. Bakit hindi nyo matanggap na may mga pagkukulang din kayo? Akala nyo palagi kayong tama. Akala nyo perfect kayo! " i burst out and i started to cried also. Ayaw ko namang magkaganito kami eh pero sobrang sama talaga na ng loob ko dahil nagtitimpi lang ako at nagtatago ng totoong nararamdaman sa mga magulang ko. Di ko na napigilan.
Akma sana akong sasampalin ulit ni Mama pero pinigilan sya ni Papa. " Tama na! Admit it! May pagkukulang din tayo sa kanya talaga. Akala natin, magiging okey ang lahat kapag binibigay natin ang pangangailangan nya pero mali pala yun. Iba pa rin ang presensya ng magulang kesa sa mga materyal na bagay na binibigay natin sa kanya. Sa pagiging busy natin sa trabaho, hindi na natin kilala ang anak natin. Tapos nung magkakaanak ulit tayo, hindi na natin nabigyan ng pansin si Courtney dahil natuon na eto sa magiging baby natin sa sobrang tuwa natin.. May mali din tayo. Yung akala nating okey ay hindi pala. Yung akala nating magpapasaya sa kanya ay yun pala ang magpapalayo ng loob ni Courtney sa atin. " bumaling si Papa sa akin at hinawakan ang kamay ko. " We're really sorry, Courtney. Nagkulang kami sa'yo ng husto. Sana wag ka ng magtanim ng sama ng loob sa amin. Hindi lang namin agad nakita ang pagkukulang namin sa iyo. I'm sorry. I'm really sorry, anak. Sana mapatawad mo kami.. " my dad was misty eyed. For the first time, nagka-usap kami ng ganito ng magulang ko. Iba ang feeling..
YOU ARE READING
Mr. NERD meets Ms. NERD - are they compatible?(COMPLETED)
RomanceIsang nerd na nainlove sa lalaki na pinaglaruan lamang sya.. Pinagpustahan. Masakit di ba? FACEBOOK ACCOUNT: ENZO: https://facebook.com/enzo.perez.50767 COURTNEY: https://facebook.com/courtney.torres.794
